Save Daraitan and Tinipak River

Save Daraitan and Tinipak River

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Save Daraitan and Tinipak River, Manila.

‘It gives life’: Philippine tribe fights to save a sacred river from a dam 08/06/2023

“Each year, members of the Dumagat-Remontado tribe gather at the Tinipak River to observe an Indigenous ritual to honor their supreme being and pray for healing and protection. This year, the rite had an additional intention: to ward off an impending dam project they fear will inundate the site of the ritual.

The Kaliwa Dam, part of a program aimed at securing a clean water supply for the Manila metropolitan region, is already under construction and scheduled to go online in 2027.

The project has faced resistance from civil society groups as well as many of the Dumagat-Remontado, who say they fear it will cause both environmental and cultural damage.”

‘It gives life’: Philippine tribe fights to save a sacred river from a dam DARAITAN, Philippines — Members of the Indigenous Dumagat-Remontado, young and old alike, stood out against the greenery in their traditional red loincloth and tapis. On a scorching Good Friday morning, their brows were knit, their footsteps quiet yet firmly grounded, as they wound through the Tin...

Photos from Eco-Sierra 's post 08/06/2023
Photos from When in Rizal's post 08/06/2023
Photos from Stop Kaliwa Dam's post 15/02/2023
Photos from Urban Poor Associates's post 14/02/2023
14/02/2023

Mahigit 300 na katutubong Dumagat-Remontado, at mga residente ng Quezon at Rizal mula sa iba’t ibang sektor ay maglalakad mula Gen. Nakar, Quezon hanggang Malacañang bilang pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam ngayong Pebrero 15 hanggang 23, 2023.

Layunin ng lakad na ito na ipaabot sa ating mga mamamayan, sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga ahensiya ng pamahalaan, ang aming sama-samang pagtutol sa pagtatayo ng isang proyektong hindi makatao, hindi makakalikasan, at hindi makakabuti sa bayan.

Ang PMPI ay lubos ang suporta sa mga mas mabuti at pangmatagalang proyektong magsisiguro ng inuming tubig sa milyung milyong mga mamamayan ng kamaynilaan at kaligtasan ng lahat.

Inaanyayahan namin kayo sa sumama sa at pirmahan ang petisyon: change.org/stopkaliwadam






Stop Kaliwa Dam

09/02/2023

Alay-Lakad laban sa Kaliwa Dam!

Makiisa sa Alay- Lakad Laban sa Kaliwa Dam 👣 🌳

Mahigit 300 na katutubong Dumagat-Remontado, at mga residente ng Quezon at Rizal mula sa iba’t ibang sektor ay maglalakad mula Gen. Nakar, Quezon hanggang Malacañang bilang pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam ngayong Pebrero 15 hanggang 23, 2023.

Sa kabila ng malawak na pagtutol ng iba’t ibang sektor dahil sa dulot nitong pinsala at panganib sa 291 ektaryang kabundukan at sagradong lugar sa Sierra Madre, buhay at kabuhayan ng mahigit 17,000 pamilya ng mga katutubo at mga pamayanang maaring ilubog at malubog, sa paglugmok sa 12.2 bilyong pisong utang ng bansa sa Tsina, patuloy pa ring ipinatutupad ang proyekto.

Layunin ng lakad na ito na ipaabot sa ating mga mamamayan, sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga ahensiya ng pamahalaan, ang aming sama-samang pagtutol sa pagtatayo ng hindi makatao, hindi makakalikasan, at hindi makabayang dambuhalang Kaliwa Dam. Nais naming ipaalam ang aming suporta sa mga mas mabuti at pangmatagalang proyektong magsisiguro ng inuming tubig sa milyung milyong mga mamamayan ng kamaynilaan ngunit:

🏞️ Hindi magdudulot ng pinsala at panganib sa aming mga katutubo, mga magsasaka, mangingisda, at mga kalapit ng mga pamayanan
🍃 Hindi sisira sa ating kagubatan at mga samu’t saring buhay ng Sierra Madre, at
🌤️hindi magbabaon sa ating bayan sa pagkakautang lalo na sa Tsina.

Samahan niyo kami sa na ito.

Pirmahan ang petisyon: change.org/stopkaliwadam




25/01/2022

ALERT: Sa kabila ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pinipilit madaliin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at ng Metropolitan Waterworks Sewerage System ang pagpipirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng mga katutubong Dumagat ng Quezon at Rizal at ng MWSS.

Inimbitahan ang mahigit 100 na katutubong Dumagat mula sa mga pamayanan ng Gen. Nakar, Quezon sa isang linggong MOA validation at Community Royalty Development Program (CRDP), kahit na ang Quezon ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 ayon sa IATF. Mayroon na ring sinasabing pagpipirma ng MOA, nang hindi man lang naipapaliwanag sa buong komunidad ang mapaguusapang MOA at CRDP.

Ayon sa mga direktang apektadong pamayanan: "Bago pag-usapan ang MOA signing, dapat munang ibalik at ipaunawa sa mismong pamayanan ano ba ang laman ng MOA na ito dahil marami pa ang hindi ito lubos na naiintindihan. Sa Pigtaanen (Dumagat community) dapat gawin at pagpasyahan ang CRDP plan para maging katanggap-tanggap sa lahat. Huwag kaming pilitin pirmahan ang MOA, at huwag kaming pangunahan sa pagdedesisyon bilang mga direktang apektadong komunidad."

Mariing kinukondena ng STOP Kaliwa Dam Network ang pagmamadali sa prosesong free, prior, and informed consent (FPIC) at ang ang di pagkilala sa karapatan, kalusugan at kaligtasan ng mga Dumagat/Remontado ng Quezon.

Hindi pa tapos ang laban. Makiisa: change.org/stopkaliwadam

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Culinary Team

Attire

Address


Manila