DAPCO Muntinlupa

  • Home
  • DAPCO Muntinlupa
Directions Contact the organization

DAPCO Muntinlupa Drug Abuse Prevention and Control Office Later in in 1998, during the term of then mayor, Jaime R.

The Muntinlupa Anti - Drug Abuse Council (MDAPACC) was created on June 13, 1988 during the term of the then Municipal Mayor Ignacio R. Bunye pursuant to Executive Order 88-01 and Sangguniangbayan Kapasiyahan bilang 88-26 complimented by DILG Memo Circular 98-277 dated December 2, 1998 which required all LGU's to create Anti-Drug Abuse Council (ADAC) in their respective municipality/city.

Fresnedi, City Ordinance No. 02-067 converted MDAPACC to DAPCO and mandated the creation of Muntinlupa Drug Testing Laboratory (MDTL) and to further boost the campaign against drug abuse, City Ordinance No. 03-094 created the Drug Enforcement Division.

Subsequently, during the term of mayor Aldrin San Pedro, an ammendment was introduced - the City Ordinance 08-063 which upgraded DAPCO from 18 to 37 personnel with corresponding pay structure.

CRUSADA-  DAPCO MUNTINLUPA (Community Response Unified Strategies Against Drug Abuse Program)Isinagawa ang Memorandum of...
19/05/2026

CRUSADA- DAPCO MUNTINLUPA

(Community Response Unified Strategies Against Drug Abuse Program)

Isinagawa ang Memorandum of Agreement Signing kasama ang Gavino Loraya Homeowners Association sa Barangay Cupang bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga at pagsusulong ng ligtas at maayos na komunidad.

Sa pangunguna ng: City Government of Muntinlupa - Mayor Ruffy Biazon

• DAPCO Muntinlupa
• PNP Muntinlupa
• BADAC Cupang
• Kap. Luvi Constantino
• DILG Muntinlupa – Mary Anne Planas
• HOW President Jessie Alipit
• PNP Muntinlupa CAS Section – Rolando Ty
• PCOL Florocito Ragudo, DAPCO Head

Patuloy ang pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at mailayo ang kabataan at mamamayan sa panganib ng ilegal na droga.






Kamakailan sa pangunguna ng Drug Abuse Prevention and Control Office (DAPCO) Muntinlupa sa gabay ni Mayor Ruffy Biazon, ...
18/05/2026

Kamakailan sa pangunguna ng Drug Abuse Prevention and Control Office (DAPCO) Muntinlupa sa gabay ni Mayor Ruffy Biazon, nagsagawa kamakailan ng sunod-sunod na coordination meetings kaugnay ng pagpapalakas ng anti-drug abuse prevention programs at community partnership initiatives sa iba’t ibang sektor sa lungsod.

Noong Mayo 7, 2026, nagsagawa ng WADAP Coordination Meeting kasama ang Amkor Technology Philippines bilang bahagi ng pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor upang higit pang mapalawak ang adbokasiya laban sa ilegal na droga at pagsusulong ng ligtas at drug-free workplace.

Samantala, noong Mayo 9, 2026, nagsagawa naman ng CRUSADA Coordination Meeting sa South Green Heights upang talakayin ang mga programang pangkomunidad at pagpapalakas ng kampanya kontra droga sa residential areas.

Noong Mayo 11, 2026, nagsagawa rin ng magkahiwalay na CRUSADA Coordination Meetings sa Vicente Molina Town Homes at Mutual Homes 1 & 2 bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa mga homeowners at community leaders para sa mas pinaigting na drug prevention awareness at community engagement.

Patuloy namang isinusulong ng DAPCO Muntinlupa, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Ruffy Biazon, ang iba’t ibang hakbang at programa na naglalayong mapanatili ang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad para sa bawat Muntinlupeño.

𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃𝙇𝙔 𝙈𝙀𝙀𝙏𝙄𝙉𝙂𝘼𝙏 𝙏𝘼𝙇𝘼𝙆𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙆𝙊𝙈𝙐𝙉𝙄𝘿𝘼𝘿𝘿𝘼𝙋𝘾𝙊 𝙈𝙐𝙉𝙏𝙄𝙉𝙇𝙐𝙋𝘼Nagsagawa kamakailan ng Talakayan sa Komunidad sa Barangay Pobla...
03/05/2026

𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃𝙇𝙔 𝙈𝙀𝙀𝙏𝙄𝙉𝙂
𝘼𝙏 𝙏𝘼𝙇𝘼𝙆𝘼𝙔𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙆𝙊𝙈𝙐𝙉𝙄𝘿𝘼𝘿
𝘿𝘼𝙋𝘾𝙊 𝙈𝙐𝙉𝙏𝙄𝙉𝙇𝙐𝙋𝘼

Nagsagawa kamakailan ng Talakayan sa Komunidad sa Barangay Poblacion, Southville 3 na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga residente laban sa ilegal na droga at isulong ang mas ligtas na komunidad.

Samantala, idinaos din sa Barangay Buli ang BADAC Monthly Meeting kung saan nagsama-sama ang siyam na BADAC ng bawat barangay upang tiyakin ang pagsunod sa mga itinakdang pamantayan at palakasin ang koordinasyon para sa isang mas epektibong holistic approach kontra droga.

Ruffy Biazon
City Government of Muntinlupa -
DILG National Capital Region
PDEA Top Stories
Dangerous Drugs Board
DILG Muntinlupa
Pulis Ng Muntinlupa

SADAP | DAPCO MUNTINLUPANagkakaisa para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng kabataan.Sa Muntinlupa City Techn...
27/04/2026

SADAP | DAPCO MUNTINLUPA

Nagkakaisa para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng kabataan.

Sa Muntinlupa City Technical Institute - MCTI, Brgy. Putatan, patuloy ang pagtutok sa Substance Use Prevention at Mental Health Awareness para sa ating mga estudyante.

Iwas droga. Alaga sa mental health. Suporta sa kabataan.

Your health. Your future. Your choice matters.

City Government of Muntinlupa - OFFICIAL Ruffy Biazon
Pulis Ng Muntinlupa
PDEA Top Stories
DILG National Capital Region DILG Muntinlupa
Dangerous Drugs Board

22/04/2026

Good morning ☀️

April 16, 2026 | CRUSADA Step 7: Walang Lusot, Walang Lihim!Sa kabila ng magkakaibang lokasyon at sabay-sabay na operasy...
20/04/2026

April 16, 2026 | CRUSADA Step 7: Walang Lusot, Walang Lihim!

Sa kabila ng magkakaibang lokasyon at sabay-sabay na operasyon, nagkaisa ang tatlong komunidad (Cajiles Compound HOA, Mendoza Compound HOA, at 32 Lakeside HOA) mula sa iba’t ibang lugarin ng Barangay Alabang para sa iisang layunin—isang mas ligtas, maayos, at tunay na drug-free na pamayanan.

Isinagawa ang Step 7 ng CRUSADA Program, ang Mapping & Identification, sa mga nabanggit na komunidad sa Alabang sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng DAPCO, katuwang ang BADAC Alabang, Muntinlupa City Police, at mga opisyal at residente ng kani-kanilang pamayanan.

📣 Kasabay nito: Pakikipag-ugnayan sa mga Residente
Habang isinasagawa ang mapping, personal ding kinakamusta ang mga residente sa bawat komunidad. Kasabay nito, ibinabahagi ang mahahalagang impormasyon patungkol sa ilegal na droga at sa programang sinalihan ng kanilang komunidad sa ilalim ng CRUSADA. Layunin nitong palakasin ang tiwala, bukas na komunikasyon, at aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan sa laban kontra ilegal na droga.

Sa ganitong paraan, hindi lamang pagbabantay ang pinapalakas—kundi pati ang ugnayan, kaalaman, at malasakit ng komunidad.

💡 Bakit mahalaga ito?
Ang Step 7 ay hindi lamang simpleng pagtukoy ng pangalan o lugar. Ito ay isang responsableng proseso upang maiwasan ang maling impormasyon, mapangalagaan ang karapatan ng bawat indibidwal, at matiyak na ang interbensyon ay naibibigay sa tamang tao, sa tamang panahon, at sa tamang paraan.

🤝 Bahagi ito ng BIDA Program ng DILG, nakaangkla sa 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, at patuloy na isinusulong sa pakikipagtulungan ng mga lokal na ahensya at komunidad.

Sa CRUSADA, malinaw ang mensahe:
Hindi sapat ang katahimikan—kailangan ang aktibong pakikilahok, tamang kaalaman, at malasakit sa kapwa. 💪✨

City Government of Muntinlupa - OFFICIAL
Pulis Ng Muntinlupa
PDEA Top Stories
DILG National Capital Region DILG Muntinlupa
Dangerous Drugs Board

TINGNAN: MGA AKTIBIDAD NG BKD AT WADAPIsinagawa ang Drug Education at Mental Health Awareness Program para sa Youth Lead...
15/04/2026

TINGNAN: MGA AKTIBIDAD NG BKD AT WADAP

Isinagawa ang Drug Education at Mental Health Awareness Program para sa Youth Leaders ng Brgy. Bayanan noong Abril 14, 2026 sa Bulilit Center, sa pangunguna nina PSSg Alvin Laurio, BADAC Bayanan, at SK Kagawads Jemimah D. Forbes at Charles Alfred Von G. Vibora.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng convening meetings ang WADAP kasama ang Super 9 Shopping Center at Super 8 Grocery Warehouse upang patibayin ang pakikipagtulungan laban sa ilegal na droga.

Patuloy ang sama-samang pagkilos para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.

Ruffy Biazon
City Government of Muntinlupa - OFFICIAL
DILG National Capital Region
PDEA Top Stories
Dangerous Drugs Board
DILG Muntinlupa
Pulis Ng Muntinlupa

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAPCO Muntinlupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAPCO Muntinlupa:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share