31/10/2026
𝙎&𝙏𝙖𝙩𝙞𝙨𝙩𝙞𝙘𝙨: 𝗧𝗲𝗸𝗻𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗡𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼, 𝗜𝗻𝗼𝗯𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱
Sa likod ng bawat umuunlad na negosyo ay isang pangarap na minsang nagsimula sa maliit na puhunan, payak na kagamitan, at lakas ng loob na sumubok. Ngunit upang makasabay sa patuloy na pagbabago ng panahon, higit pa sa sipag at tiyaga ang kailangan—mahalaga rin ang teknikal na suporta, angkop na teknolohiya, at mga oportunidad na magbubukas ng mas malawak na posibilidad.
Sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST, natutulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na mapaunlad ang kanilang mga negosyo sa tulong ng agham at teknolohiya. Sa pamamagitan ng angkop na kagamitan at teknikal na suporta, nagiging mas maayos ang kanilang produksyon at operasyon, tumataas ang benta, at napapabuti ang kalidad ng kanilang mga produkto at serbisyo.
Ano ang ipinakikita ng datos? 📊
𝟭𝟲𝟭.𝟳𝟵 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘀𝗼𝘀 𝗶𝗻 𝗙𝘂𝗻𝗱𝗲𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀: Halagang inilaan upang matulungan ang mga negosyo na makakuha ng mga kinakailangang kagamitan at maisagawa ang mga pagbabagong kailangan sa kanilang proseso ng paggawa.
𝟭𝟵𝟮 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗙𝘂𝗻𝗱𝗲𝗱: Mga aprubadong proyekto ng mga negosyo na nakatanggap ng iFund financing upang maisagawa ang kanilang mga plano para sa pagpapalawak ng produksyon at negosyo.
𝟮𝟬𝟭 𝗙𝗶𝗿𝗺𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗦&𝗧 𝗘𝗻𝘁𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗲𝗱: Mga negosyong nakatanggap ng teknikal at teknolohikal na suporta upang maiangat ang kalidad ng kanilang mga produkto at serbisyo.
𝟵𝟰𝟳 𝗝𝗼𝗯𝘀 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲𝗱: Mga bagong oportunidad sa trabaho na nalikha mula sa mga gawaing pangnegosyong sinuportahan ng programa.
𝗣𝟱.𝟬𝟯 𝗕𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗚𝗿𝗼𝘀𝘀 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘀: Kabuuang halaga ng benta na naitala ng mga negosyong sinuportahan ng programa, na nagpapakita ng kanilang kita mula sa mga produktong naibenta at serbisyong naibigay.
𝟭,𝟬𝟴𝟳 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀: Mga teknolohikal na solusyong naibigay upang makatulong sa pagpapabuti ng kagamitan, produksyon, at pang-araw-araw na operasyon ng mga negosyo.
Batay sa mga naitalang resulta ng SETUP mula 𝗝𝗮𝗻𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲.
Ang mga proyektong napopondohan ay nagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga negosyo. Ang mga teknolohiyang naipakikilala naman ay nakatutulong upang mapahusay ang proseso ng produksyon at kalidad ng mga produkto. Nagbubukas din ito ng mga oportunidad sa hanapbuhay para sa mga manggagawang bahagi ng lumalawak na operasyon ng mga negosyo.
Higit pa sa mga pondong nailaan at bilang na naitala, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng SETUP ay ang mga negosyong unti-unting nagiging matatag, ang mga manggagawang nagkakaroon ng hanapbuhay, at ang mga pangarap na nagkakaroon ng puwang upang lumago. Sapagkat kapag ang agham at teknolohiya ay naging katuwang ng sipag at determinasyon, ang isang maliit na negosyo ay maaaring maging bahagi ng mas malaking kuwento ng pag-unlad.
PSA Region I Ilocos