LGU-Benito Soliven

  • Home
  • LGU-Benito Soliven
Directions Website Contact the organization

LGU-Benito Soliven Welcome to Benito Soliven! The home of Sabunganay Festival!

Walang pasok Oktubre 5, 2026 sa lahat ng antas ng paaralan sa Bayan na may Puso.Happy Teachers' Day sa ating mga g**o!
04/10/2026

Walang pasok Oktubre 5, 2026 sa lahat ng antas ng paaralan sa Bayan na may Puso.

Happy Teachers' Day sa ating mga g**o!

Isang pagpupugay sa inyong kadakilaan para sa ating bayan, mahal naming mga g**o.

Happy Teachers' Day po sa inyong lahat! 👩‍🏫👨‍🏫🎉

(Note: Official E.O. to follow)

01/10/2026

PSA PHILSYS NATIONAL ID REGISTRATION

Inaanyayahan ang mga magulang at mga kwalipikadong indibidwal na makilahok sa PhilSys National ID Registration.

Para sa mga batang 0–4 taong gulang
Mga Kailangan:
• National ID ng magulang
• Birth Certificate ng bata

Para sa mga 5 taong gulang pataas
Kailangan: Birth Certificate

Schedule: October 1–15, 2026
Venue: Harap ng Municipal Civil Registrar (MCR)

Huwag palampasin ang pagkakataong makapagparehistro at magkaroon ng National ID. Makipag-ugnayan at magtungo sa itinakdang lugar sa mga nabanggit na petsa.

Magparehistro. Magpa-PhilSys. 🇵🇭

MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING | SETYEMBRE 17, 2026Isinagawa ngayong Setyembre 17, 2026 ang pagpupulong ng Munici...
17/09/2026

MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING | SETYEMBRE 17, 2026

Isinagawa ngayong Setyembre 17, 2026 ang pagpupulong ng Municipal Development Council (MDC) sa Conference Hall ng Munisipyo ng Benito Soliven, Isabela, na pinangunahan ni Mayor John Paul S. Azur, upang talakayin ang mahahalagang usapin at programa para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Kabilang sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ang mga sumusunod:

Pag-apruba sa Supplemental Annual Investment Program (AIP) para sa mga proyekto ng road concreting sa iba’t ibang barangay;

Presentasyon ng 3rd Quarter CY 2026 Monitoring and Evaluation Report ng Project Monitoring Committee;

Paghahanda para sa 2nd Semester Barangay Assembly;

Mga mahahalagang anunsyo at updates mula sa iba’t ibang tanggapan at departamento, kabilang ang kalagayan ng African Swine Fever (ASF) sa loob at labas ng munisipalidad, susunod na iskedyul ng Walang Gutom Program, pamamahagi ng Rice Assistance, paghahanda ng FY 2027 Barangay Budget, at pagbuo o pag-update ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.

Ipinakilala rin ni Mayor Azur ang bagong talagang Fire Marshall ng BFP–Benito Soliven, si Fire Marshall Felipe Ante, na inaasahang makikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng kaligtasan, kahandaan, at proteksyon ng buong komunidad.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Benito Soliven sa pagsusulong ng maayos na pagpaplano, koordinasyon, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng bawat barangay.

Benito Soliven — Bayan na May Puso.

Setyembre 17, 2026 l PAGPUPULONG PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENSIsinagawa ang pagpupulong nuong lunes Setyembre 14, 20...
17/09/2026

Setyembre 17, 2026 l PAGPUPULONG PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS

Isinagawa ang pagpupulong nuong lunes Setyembre 14, 2026 ng mga Senior Citizens na pinangunahan ni Mayor John Paul S. Azur, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at mga President ng Senior Citizens Organizations mula sa bawat barangay.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin at programa para sa kapakanan ng ating mga senior citizen, kabilang ang 1% na bahagi ng Barangay Fund na inilaan para sa mga Senior Citizens.

Layunin ng pagpupulong na matiyak na ang mga programang inilaan para sa ating mga lolo at lola ay maayos na napaplano, naipatutupad, at tunay na nakatutugon sa kanilang pangangailangan.

Para sa Senior Citizens, Para sa Serbisyong May Puso.

2nd Semester PRO Active Inspection | Setyembre 17, 2026Isinagawa ang 2nd Semester PRO Active Inspection of Office and Pe...
16/09/2026

2nd Semester PRO Active Inspection | Setyembre 17, 2026

Isinagawa ang 2nd Semester PRO Active Inspection of Office and Personnel Inspection sa Benito Soliven Police Station, Isabela, bilang bahagi ng regular na pagsusuri upang matiyak ang kaayusan, kahandaan, disiplina, at pagsunod sa mga pamantayan ng ating kapulisan.

Pinangunahan ng Provincial Internal Affairs Service (PIAS) sa pangunguna ni PLT COL VILLAMOR A. ANDAYA, Provincial Superintendent, ang naturang inspeksyon kasama ang mga personnel ng Benito Soliven Police Station.

Nakiisa rin sa aktibidad si Municipal Mayor Hon. John Paul “IDOL” S. Azur, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa ating kapulisan at sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan.

Bayan na May Puso katuwang ang ating kapulisan para sa ligtas, maayos, at mapayapang Benito Soliven.

₱15-M Farm-to-Market Road, ipinagkaloob na sa Bayan ng Benito Soliven! Pormal nang itinurn-over kahapon Setyembre 9, 202...
10/09/2026

₱15-M Farm-to-Market Road, ipinagkaloob na sa Bayan ng Benito Soliven!

Pormal nang itinurn-over kahapon Setyembre 9, 2026 ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ₱15-milyong Farm-to-Market Road na nag-uugnay sa Barangay Villaluz at Barangay Gomez, na makatutulong sa mas mabilis na pagbiyahe ng mga ani at mas magandang access sa merkado.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa DAR at sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Bilang inyong Lokal na Pamahalaan, sisiguraduhin nating mapangangalagaan at mapapanatili ang kalsadang ito para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga komunidad.

Sa ating mga magsasaka, ito ay hindi lamang kalsada ito ay daan tungo sa mas magandang oportunidad, kabuhayan at kinabukasan.

𝐈𝐃𝐎𝐋 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒: 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐂𝐇𝐈𝐄𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇Isa sa mga tampok at pinakaaabangang bahagi ng Buwan n...
08/09/2026

𝐈𝐃𝐎𝐋 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒: 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐀𝐋𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐂𝐇𝐈𝐄𝐕𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇

Isa sa mga tampok at pinakaaabangang bahagi ng Buwan ng Kabataan 2026 Culminating Night ang IDOL Awards—isang espesyal na pagkilala sa mga kabataang nagpakita ng husay, talento, sipag, dedikasyon, at determinasyon sa iba’t ibang larangan.

Sa seremonyang ito, kinilala at pinarangalan ang mga kabataang buong tapang na lumahok at ibinigay ang kanilang best effort sa iba’t ibang patimpalak tulad ng Debate Competition, Infomercial Contest, at Poster Making Contest. Higit pa sa mga parangal, ang kanilang pakikilahok ay patunay na ang kabataan ng Benito Soliven ay may talento, tapang, at kakayahang manguna at magtagumpay.

Sa bawat entablado na kanilang tinapakan, ideyang kanilang ibinahagi, at talentong kanilang ipinamalas, pinatunayan nilang hindi lamang tayo kabataan—tayo ang mga lider at changemakers ng kasalukuyan at kinabukasan.

Congratulations, mga IDOL Kabataan!
𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐢𝐬 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐈𝐃𝐎𝐋. 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐮𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐢𝐬 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐫𝐢𝐝𝐞.

SK Federation Benito Soliven: Farther and Beyond!

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU-Benito Soliven posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU-Benito Soliven:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share