Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps BARMM

  • Home
  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps BARMM
Directions

Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps BARMM The official page of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program - BARMM.

03/09/2026

𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍: Empowering 4Ps Case Managers, Strengthening Service Delivery

Isang maikling skit mula sa MSSD 4Ps-BARMM Lanao del Sur A Provincial Operations Office (POO) na tampok ang kahalagahan ng teknolohiya sa mas episyente at makabagong paghahatid ng serbisyo.

Sa pamamagitan ng mga tablet na ipinagkaloob sa mga 4Ps Case Managers, mas napapadali at napapahusay ang pagsasagawa ng Social Welfare and Development Indicator (SWDI) assessment para sa mga benepisyaryo ng Programa.

Layunin ng digital-driven approach na gawing mas mabilis, maayos, episyente, at data-informed ang proseso ng assessment—isang hakbang tungo sa mas mahusay na case management at mas responsive na social protection services para sa mga pamilyang 4Ps.

𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒉𝒊𝒚𝒂𝒊𝒏, 𝑻𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅. 4𝑷𝒔 𝑩𝒆𝒏𝒆𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒓𝒚𝒐, 𝑵𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝑨𝒅𝒗𝒐𝒄𝒂𝒕𝒆 ...
01/09/2026

𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒉𝒊𝒚𝒂𝒊𝒏, 𝑻𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅. 4𝑷𝒔 𝑩𝒆𝒏𝒆𝒑𝒊𝒔𝒚𝒂𝒓𝒚𝒐, 𝑵𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝑷𝒆𝒂𝒄𝒆 𝑨𝒅𝒗𝒐𝒄𝒂𝒕𝒆 𝒔𝒂 𝑩𝒖𝒍𝒅𝒐𝒏.

Sa bayan ng Buldon, Maguindanao del Norte, makikilala si RAICANA J. BARA bilang isang ina na hindi lamang nakatuon sa kapakanan ng kanyang pamilya kundi aktibong nakikilahok din sa mga gawaing pangkomunidad. Bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang pakikibahagi sa mga aktibidad at programang naglalayong mapaunlad ang kanyang sarili, pamilya, at komunidad.
Noong una, si Raicana ay mahiyain at limitado ang pakikisalamuha sa ibang tao dahil sa mga hamon at suliraning kinakaharap ng kanilang pamilya. Gayunpaman, sa kanyang patuloy na pagdalo sa mga Family Development Sessions (FDS) at iba pang aktibidad ng 4Ps, unti-unti siyang nagkaroon ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Ang mga natutunan niya mula sa programa ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maging mas aktibo sa mga gawaing pangkomunidad.

Dahil sa kanyang dedikasyon at malasakit sa kapwa, naging aktibong kalahok siya sa mga pagpupulong, konsultasyon, at mga gawaing nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar. Bilang isang Women Peace Advocate, ginagamit niya ang kanyang boses upang hikayatin ang mga kababaihan na makilahok sa mga usaping pangkomunidad, ipaglaban ang kanilang mga karapatan, at maging bahagi ng mga positibong pagbabago sa lipunan.

Sa bawat programang kanyang nilalahukan, ipinapakita ni Raicana ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon. Hindi lamang siya tumatanggap ng tulong mula sa programa kundi nagsisilbi rin siyang instrumento upang maiparating sa iba ang mahahalagang impormasyon at aral na kanyang natutunan. Dahil dito, naging inspirasyon siya sa kapwa benepisyaryo at sa iba pang kababaihan sa kanilang komunidad.

Ang kanyang aktibong pakikilahok ay nagdulot ng positibong epekto hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa buong komunidad. Naging mas mulat siya sa kanyang mga responsibilidad bilang mamamayan at mas handang tumulong sa mga gawaing naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, si RAICANA J. BARA ay patuloy na nakikilahok sa mga programang pangkaunlaran at nagsisilbing halimbawa ng isang mamamayang may malasakit at aktibong nakikibahagi sa mga gawaing pampamayanan. Ang kanyang kwento ay nagpapatunay na sa pamamagitan ng pakikilahok, pagtutulungan, at malasakit sa kapwa, maaaring maging bahagi ang bawat isa sa paglikha ng isang mas maunlad at mapayapang komunidad.

𝗙𝗗𝗦 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮-𝟰𝗣𝘀! Ano ang dapat gawin? 👇Isalaysay sa comment section ang inyong mga kwento at mahahalagang natut...
28/08/2026

𝗙𝗗𝗦 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮-𝟰𝗣𝘀!

Ano ang dapat gawin?
👇Isalaysay sa comment section ang inyong mga kwento at mahahalagang natutuhan mula sa isinagawang Family Development Session (FDS) sa buong buwan ng Agosta 2026, partikular sa Session 3 na may temang “𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲”

Ating alamin at samahan ang bawat isa tungo sa kaalaman, inspirasyon, at mas matibay na paghubog ng pamilyang 4Ps.

Ano Tara?



21/08/2026

LIVE NOW:

BANGSAMORO MUNA: MSSD AT YOUR SERVICE | Episode 16| 22 August 2026

TOPIC: Mga Bayani sa Likod ng Serbisyo: Kuwento
ng Paglilingkod

GUESTS:
ANGELIKA O. KUSA, RSW, MSSW
Social Welfare Officer I
Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

ELENA G. TORIBIO, RSW, MTSW
Municipal Social Welfare Officer
Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

Makinig! Manood! Matuto!

Sama-sama nating hubugin ang masigla at matalinong henerasyon sa Bangsamoro!

𝟭𝟳𝟲 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗥𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗗𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬Cotabato City, BARMM- Um...
19/08/2026

𝟭𝟳𝟲 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗥𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗗𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cotabato City, BARMM- Umabot sa 176 Case Managers mula sa Maguindanao del Sur ang sumailalim sa ikalawang batch ng pagsasanay ng Case Management on Building Stronger Self-Help Group: Pathways to Household Self-Sufficiency sa Citymall Convention Center, Cotabato City.

Isinagawa ang training para sa ikalawang batch noong August 17 hanggang 20, 2026, bilang bahagi ng hakbang ng 4Ps-BARMM na palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga Case Managers sa pagbibigay ng mas angkop na serbisyo at intervention sa mga benepisyaryo.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga estratehiya sa epektibong case management, pagpapalakas ng Self-Help Groups o SHGs, community development at empowerment, pati na rin ang community visioning, paggawa ng project proposals, at pagtukoy sa mga kaso at pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Matatandaan na isinagawa rin ang kaparehong training para naman sa mga case managers mula sa Maguindanao del Norte noong August 3-7, 2026.

Batay sa naging resulta ng mga talakayan at workshops, mas napalalim ng mga Case Managers ang kanilang pag-unawa, sa iba’t ibang sitwasyon at hamon na kinahaharap ng mga pamilyang kanilang ginagabayan. Nakatulong din ang mga aktuwal na case scenarios upang matukoy ang mas angkop na tugon at intervention para sa bawat pamilya.

Sa pagtatapos ng training, inaasahang maisasalin ng mga Case Managers ang mga natutunan sa mas kongkreto, napapanahon, at angkop na case management interventions—upang matulungan ang bawat pamilya na maging mas matatag, independent, at makamit ang mas mataas na antas ng self-sufficiency.

Basahin ang kaugnay na balita sa link na ito: https://web.facebook.com/share/p/1C5r9FpSBk/

📍Follow 4Ps-BARMM for more updates!
FB: https://web.facebook.com/pantawidbarmm/
IG: https://www.instagram.com/4psbarmm2026/
X: https://x.com/4PsBARMM
Tiktok: https://www.tiktok.com/


Sa 4Ps, mahalagang i-practice natin ang pagiging sensitibo at inklusibo. Ito ay hindi lamang sa ating mga gawa at aksyon...
17/08/2026

Sa 4Ps, mahalagang i-practice natin ang pagiging sensitibo at inklusibo. Ito ay hindi lamang sa ating mga gawa at aksyon, kundi maging sa ating komunikasyon!

Kaya naman, when referring to children with no disabilities:

❎ Avoid using “normal children”
✅ Use “children without disabilities”

Ito ay ginagamit upang magkaroon ng respeto at pantay na pagtrato sa mga kabataang may kapansanan at espesyal na pangangailangan.

Halimbawa:
❎ “The activity included normal children and disabled children”

✅ “The activity included children with and without disabilities”

Sa paghahambing ng mga bata bilang "normal" sa "may kapansanan" ay lumilikha ng pagbubukod at stigma. Ang ganitong uri ng inklusibong komunikasyon ay nagpapakita ng respeto at pagkakapantay-pantay sa mga bata.

💡 Maliit na pagbabago, malaking epekto!
📌 Subukan ito sa susunod mong mga emails, ulat, posts, at sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

Sama-sama nating gawing inclusive at sensitive ang ating pakikipag-usap at ang bawat mensahe. 💬✨



𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗙𝗗𝗦 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗸𝗶, 𝗠𝗗𝗦Maguindanao del Sur, BA...
17/08/2026

𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗙𝗗𝗦 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗮𝘁𝘂 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗸𝗶, 𝗠𝗗𝗦

Maguindanao del Sur, BARMM — Pinagtitibay ng 4Ps-BARMM ang pagsusulong ng wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng isinagawang Nutrition Month Activity na isinama sa Family Development Session (FDS) noong Agosto 10, 2026, sa Sitio Beate, Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur.

Sumailalim ang nasa 52 pamilyang benepisyaryo ng 4Ps na kabilang sa Indigenous Peoples (IPs), kasama ang mga magulang at kanilang mga anak. Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga pamilya hinggil sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at responsableng pangangalaga sa kapaligiran.

Tampok sa aktibidad ang talakayan tungkol sa wastong nutrisyon, malusog na gawain sa loob ng pamilya, at mga paraan ng pangangalaga sa kalinisan at kapaligiran ng komunidad. Sa pamamagitan ng FDS, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong matuto at magbahagi ng kanilang mga karanasan hinggil sa pagpapanatili ng malusog na pamilya at ligtas na kapaligiran.

Bilang susunod na hakbang, ipagpapatuloy ng MSSD–4Ps ang regular na pagsasagawa ng FDS at iba pang community-based activities na nakatuon sa wastong nutrisyon, malusog na gawi sa pamilya, pangangalaga sa kapaligiran, at pangkalahatang kapakanan ng mga pamilya. Paiigtingin din ang koordinasyon sa mga barangay, health workers, at iba pang community partners upang matiyak ang tuloy-tuloy, inklusibo, at angkop na mga serbisyo, lalo na para sa mga komunidad ng Indigenous Peoples.

📍Follow 4Ps-BARMM for more updates!
FB: https://web.facebook.com/pantawidbarmm/
IG: https://www.instagram.com/4psbarmm2026/
X: https://x.com/4PsBARMM
Tiktok: https://www.tiktok.com/


𝟮𝟬 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿, 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻LANAO DEL SUR, BAR...
13/08/2026

𝟮𝟬 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝟰𝗣𝘀 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗻𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗦𝘂𝗿, 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝗶𝗺 𝘀𝗮 𝗦𝗸𝗶𝗹𝗹𝘀 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘀 𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻

LANAO DEL SUR, BARMM — Dalawampung (20) benepisyaryo ng 4Ps mula sa iba’t ibang barangay ng Bayan ng Binidayan ang lumahok sa isinagawang Skills Training sa pagluluto noong Agosto 7, 2026 sa Lanao People’s Park.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman at kasanayang maaaring magamit upang mapataas ang kanilang kakayahang makahanap ng trabaho, makapagsimula ng maliit na negosyo, at makalikha ng karagdagang mapagkakakitaan para sa kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ng MSSD–4Ps Binidayan ang pagsasanay katuwang ang Provincial Technology and Livelihood Development Training Center (PTLDC) na nagbigay ng teknikal na kaalaman at pagsasanay sa mga kalahok.

Mahalagang hakbang ang skills training sa pagbibigay-kakayahan sa mga benepisyaryo upang makalikha ng mga oportunidad sa kabuhayan at mapalakas ang kakayahang pang-ekonomiya ng kanilang mga pamilya.

Patuloy ding paiigtingin ang koordinasyon ng MSSD–4Ps, Pamahalaang Bayan ng Binidayan, PTLDC, at iba pang katuwang na ahensya upang masuportahan ang mga benepisyaryo sa pagtatayo ng maliit na negosyo, paghahanapbuhay, at iba pang sustainable livelihood activities tungo sa mas matatag at resilient na pamumuhay.

📍Follow 4Ps-BARMM for more updates!
FB: https://web.facebook.com/pantawidbarmm/
IG: https://www.instagram.com/4psbarmm2026/
X: https://x.com/4PsBARMM
Tiktok: https://www.tiktok.com/


Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps BARMM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share