Municipality of Agno, Pangasinan

Municipality of Agno, Pangasinan

Share

Official Page of Municipality of Agno, Pangasinan.

05/06/2026

🎉🎓 MALUGOD NA PAGBATI! 🎓🎉

Buong pagmamalaking binabati ng ALS District of Agno ang ating mga matagumpay na Accreditation and Equivalency (A&E) Test Passers 2025!

📚 1 Elementary Passer
🎓 19 Junior High School Passers

Ang inyong tagumpay ay patunay na walang hadlang sa taong may tiyaga, determinasyon, at pangarap sa buhay. Kayo ay inspirasyon sa ating komunidad at sa iba pang nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

🌟 Ikaw na rin ang susunod na magtatagumpay!

📢 ENROLL NA SA ALS!

Kung nais mong magkaroon ng pangalawang pagkakataon upang makapagtapos at maabot ang iyong mga pangarap, mag-enroll na sa Alternative Learning System (ALS).

📞 Makipag-ugnayan sa:
👩‍🏫 Marites P. Quel – 09605550220
👩‍🏫 Ashley R. Ubalde – 09260078898
👩‍🏫 Donabelle N. Martin – 09671854465

ALS: Pag-asa. Kakayahan. Kinabukasan.

Photos from Municipality of Agno, Pangasinan's post 04/06/2026

Sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan, matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 Regional Kick-Off na may temang, “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.” sa Barangay Baruan.

Nakiisa ang Pamahalaang Lokal ng Agno sa pamumuno ni Mayor John N. Celeste, kasama ang iba’t ibang sektor ng gobyerno sa pagsuporta sa programang naglalayong ihanda ang mga paaralan para sa ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng klase.

Nagbigay naman ng kanilang suporta at makahulugang mensahe sina Cong. Art F. Celeste na kinatawan ni Board member Apolonia DG. Bacay, Mayor John N. Celeste, Vice Mayor Jonathan G. Doromal, DOLE Region I Regional Director Exequiel Ronnie D. Guzman, Regional Director Estella P. Leon, CESO lll at School Head Baruan Elementary School Ulfredo V. Lastimosa, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at bayanihan para sa patuloy na pag-unlad ng edukasyon at ng komunidad.

Sa Brigada Eskwela, sama-sama tayong nagkakaisa para sa mas maayos na paaralan at mas maliwanag na bukas ng kabataang Agnoans.

03/06/2026

Happy Birthday, Councilor Lenelyn N. Navidad! 🎉

Ang inyong dedikasyon sa paglilingkod ay tunay na kahanga-hanga. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, at tagumpay sa inyong paglilingkod sa mamamayan.

Photos from Agno Rural Health Unit's post 03/06/2026

Sa pangunguna ni Hon. John N. Celeste, Municipal Mayor at Chairman ng Local Health Board, matagumpay na naisagawa ang Ikalawang Local Health Board Meeting noong June 01, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mahusay, inklusibo, at responsableng pamamahala sa sektor ng kalusugan sa bayan ng Agno.

Sa pulong, tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin kaugnay ng kalusugan ng mamamayan, kabilang ang mga mabubuting gawi at inisyatiba ng Municipal Health Office (MHO) na naglalayong higit pang mapabuti ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad. Ibinahagi rin ang mga isinagawang barangay visitations ng MHO upang personal na marinig at matugunan ang mga programa, pangangailangan, at mga suliraning pangkalusugan ng bawat barangay.

Binigyang-halaga rin ang presensya at mga mungkahi ng mga Civil Society Organizations (CSOs) bilang mahalagang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Tinalakay din ang mga

Tinalakay din ang mga usapin ukol sa Disaster Risk Reduction and Management for Health (DRRM-H) upang higit na mapalakas ang kahandaan ng sektor ng kalusugan sa panahon ng mga sakuna at iba pang emerhensiya. Kasabay nito, sinimulan na rin ang mga talakayan para sa pagpaplano at paghahanda ng Annual Health Budget para sa susunod na taon, upang matiyak na ang mga programang pangkalusugan ay naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan at may sapat na pondong nakalaan para sa kanilang epektibong implementasyon.

Patuloy na nagsisilbing mahalagang plataporma ang Local Health Board sa pagpapalakas ng koordinasyon, pakikipagtulungan, at sama-samang pagdedesisyon tungo sa isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na Agno.

Photos from Municipality of Agno, Pangasinan's post 02/06/2026

Application For Scholarship
"Lingap Edukasyon Agno Tulong Dunong"

Scope and Who can apply :

• Grade 7 enrolled in Agno National High School, Bangan-Oda National High School, Gayusan Integrated School, Abagatanen Integrated School, and other schools accredited by DepEd within Agno, Pangasinan.

Application and Examination Period

• Application Period : June 8, 2026 to July 31, 2026
• Examination Period: August 01, 2026 | 8AM
• Venue: To be announced

Please Submit your application to Ms. Judylyn Q. Nebran, LYDO Designate 2nd floor Municipal Building.

Photos from Municipality of Agno, Pangasinan's post 01/06/2026

Nakiisa ang Pamahalaang Lokal ng Agno sa kauna-unahang Brigada Eskwela 2026 Division Kick-Off Ceremony na ginanap sa Agno National High School na may temang, “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

Ipinamalas ng iba’t ibang sektor ng komunidad ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at handang kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ang programang ito ay patunay ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng pamahalaan, paaralan, at mamamayan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan.

Photos from Municipality of Agno, Pangasinan's post 01/06/2026

The Municipality of Agno began the month of June with its regular Flag Raising Ceremony, reaffirming our commitment to public service, good governance, and unity in serving the people of Agno.

As we begin another productive week, let us continue working together towards a more progressive, resilient, and prosperous community for all.

Photos from John Celeste's post 30/05/2026
30/05/2026

PAALALA SA LAHAT: NAGSIMULA NA ANG HABAGAT! 🌫️

Sa kabila ng mainit na panahon, pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat. Inaasahan ang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga susunod na araw.

Maging mapagmatyag, maghanda sa posibleng pagbaha, at unahin ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.

Photos from Municipality of Agno, Pangasinan's post 29/05/2026

The Municipality of Agno successfully conducted the “On-Site Validation on the Sustainability of Drug-Cleared Status of the Municipality/Barangays and One (1) Day Orientation on Drug-Free Workplace Program” held on May 28, 2026 at the Municipal Auditorium, Agno, Pangasinan.

The activity strengthened the municipality’s commitment to sustaining a drug-cleared community and promoting a safe, healthy, and drug-free workplace through collaboration, awareness, and continuous implementation of national and local anti-drug initiatives.

Want your business to be the top-listed Government Service in Agno?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Municipal Hall, Rizal Street, Poblacion East
Agno
2408