22/10/2026
𝗠𝗔𝗙𝗖 𝟰𝗧𝗛 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 | 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Matagumpay na naisagawa noong October 21, 2026, ang Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC) 4th Quarter Meeting sa Bayan ng Aliaga, Nueva Ecija, na naglalayong palakasin ang koordinasyon, pagtutulungan, at sama-samang pagpaplano para sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa ating bayan.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ang mga sumusunod:
📌 Renewal of MAFC Membership for 2027–2029
📌 Cropping Calendar for Dry Season 2026–2027
📌 National Food Authority (NFA) Updates
📌 Municipal Agriculture Office Programs and Activities for Dry Season 2026–2027
📌 Rice Clustering Program of DA RFO3
Nagbahagi rin ng mga ulat at updates ang Municipal Agriculture Office (MAO), sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Engr. John Lerry Bautista, kasama ang mga agriculturist na sina Elsie L. Valdez, Rice Report Officer and Seed Inspector; Maria Victoria P. Payawal, Soils, Organic, and Fishery Coordinator; at Mary Jell M. Bautista, Corn and High Value Coordinator. Inilahad nila ang mga nagawa at kasalukuyang accomplishments ng kanilang mga programa, gayundin ang mga nakaplanong aktibidad at serbisyong ipatutupad para sa Dry Season 2026–2027, bilang paghahanda sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga magsasaka at iba pang sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Bilang bahagi ng pagpupulong, nagbahagi rin ng mahahalagang kaalaman at gabay ang Department of Agriculture – Central Luzon, sa pangunguna ni Assistant APCO Bryan Agustin, hinggil sa Implementing Guidelines for the Establishment of Rice Clusters. Layunin nitong palakasin ang organisasyon at koordinasyon ng mga rice farmers tungo sa mas episyente, produktibo, at sama-samang pagpapaunlad ng industriya ng palay.
Ang aktibong pakikilahok ng ating mga agricultural stakeholders, sa pangunguna ni MAFC Chairman Eusebio J. Armobit, mga pangulo ng Irrigators Association (IA), mga chairman/manager ng cooperatives (Coop), mga kinatawan ng mga samahan ng magsasaka at mangingisda, at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan ay mahalagang pundasyon sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa tunay na pangangailangan ng ating sektor ng agrikultura.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad at mas matatag na kabuhayan para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
Lubos din ang aming pasasalamat kina Mayor Gilbert G. Moreno, Vice Mayor Au Moreno, at sa buong Sangguniang Bayan ng Aliaga sa kanilang patuloy na suporta, pagtitiwala, at paglalaan ng pondo para sa mga operasyon at programa ng Aliaga MAFC. Ang kanilang suporta ay mahalagang bahagi ng patuloy nating pagsisikap na maiangat ang kalagayan ng ating mga agricultural stakeholders.
Sama-sama sa pagpaplano. Sama-sama sa pagkilos. Sama-sama para sa mas matatag at maunlad na agrikultura sa Bayan ng Aliaga!