Municipal Government of Datu Abdullah Sangki

Municipal Government of Datu Abdullah Sangki

Share

A local government unit that envisions to be progressive, peaceful and competitive town where Tri-peo

02/06/2026

So much grateful to witnessed the Eid'l Adha celebration with our Daseños people held on May 27, 2026.

🕌🫶💗

Photos from Municipal Government of Datu Abdullah Sangki's post 02/06/2026

𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟬𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗔𝗥𝗠 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗦 𝗙𝗢𝗥 𝗠𝗔𝗗𝗥𝗔𝗦𝗔𝗛

Isa sa mga pangunahing inisyatibo ng SAWM administration sa ating bayang Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur ay ang programa nitong Sulong Aral, Walang Mangmang.

Ang adbokasiya na ito ay naglalayong tiyakin na walang kabataan ang mapag-iiwanan pagdating sa edukasyon.

Layunin nitong palakasin ang foundational skills ng mga mag-aaral, tugunan ang learning loss, at isulong ang literacy sa lokal na antas.

Upang maisakatuparan ito, ang lokal na pamahalaan ay aktibong nagsasagawa ng mga sumusunod na hakbang:

*Pamamahagi ng school cash assistance at pamamahagi ng mga Armchairs para sa unang dalawang napiling paaralan at dalawang napiling madrasah, upang matugunan ang school infrastructure problem na kinakaharap nila at matiyak na ang bawat mag-aaral ay may komportableng silid-aralan.

Aktibong naki-isa ang ating mga DAS School heads mula sa Elementary and High School Levels, Barangay captains at Asatids upang isulong ang programa.

Sa pangunguna ng ating butihing Alkalde Mayor Suharto Al-Wali S. Mangudadatu, patuloy ang pamahalaang lokal ng Datu Abdullah Sangki (DAS) sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong maiangat ang edukasyon ng bawat DASEÑO sa ilalim ng kaniyang adbokasiyang Sabay Aangat, Walang Maiiwan.

Sabay-sabay natin isulong ang Sulong Aral, Walang Mangmang Program: Isang lokal na ordinansa na naglalayong patatagin ang kakayahan ng mga mag-aaral, tugunan ang pagkawala ng kaalaman (learning loss), at gawing institusyon ang literasiya hanggang sa antas ng barangay.




# sulongAralwalangmangmang

Photos from Mayor Suharto Al Wali S. Mangudadatu's post 02/06/2026

𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟎𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐨𝐧𝐯𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang ika-6 tranche ng rice distribution sa ilalim ng SECURE Convergence Program ng World Food Programme (WFP) sa DAS Sports Complex.

Higit sa pamamahagi ng bigas, mahalagang makita na ang bawat programa ay may layuning magbigay ng pangmatagalang benepisyo sa ating mga komunidad. Kasabay nito, nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga community assets ang BARMM Food Security Task Force upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto sa ating bayan.

Maraming salamat sa ating mga katuwang na ahensya, mga barangay officials, at mga benepisyaryo sa patuloy na pakikiisa.

Ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa isang araw, kundi sa mga konkretong hakbang na sama-sama nating isinasakatuparan.



Photos from Mayor Suharto Al Wali S. Mangudadatu's post 02/06/2026
Photos from Municipal Government of Datu Abdullah Sangki's post 01/06/2026

Starting the new month of June by participating in or hosting a flag-raising ceremony is a meaningful and deeply respected tradition in the Philippines. Observing this ceremony sets a strong tone of patriotism and civic unity.



01/06/2026

Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga bayaning nagbigay-daan sa ating kasarinlan. Mula sa ating mayamang kasaysayan, humuhugot tayo ng lakas upang hubugin ang isang mas maunlad na kinabukasan.

Kaisa ang Bayan ng Datu Abdullah Sangki, sama-sama nating isabuhay ang diwa ng kalayaan para sa bayan at sa susunod na henerasyon.

🇵🇭 Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan. 🇵🇭




Photos from Municipal Government of Datu Abdullah Sangki's post 29/05/2026

Serving hot meals with passion and purpose - a beautiful way to bless our Muslim brothers and sisters.

6th Friday feeding program at As Salam Masjid today, May 29, 2026.




Want your business to be the top-listed Government Service in Ampatuan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Barangay Talisawa
Ampatuan
9609

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm