Jeff "Rebel" De Vera

Jeff "Rebel" De Vera

Share

misyon ng kampyeon

Photos from Meralco's post 14/05/2026
Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 03/05/2026

Isang karangalan na maimbitahan sa pagbubukas ng Pinagpalang Kalikasan Eco-Farm

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap dito sa Purok Pasunugin, Sitio Kilingan, Brgy. San Jose. Nakakatuwang makita na unti-unting nagkakaroon ng mga lugar na nagtataguyod ng kalikasan at komunidad.

Sana ay maging inspirasyon sa marami at maging na ang pag-aalaga sa kalikasan ay pag-aalaga rin sa ating kinabukasan πŸ’™πŸŒ±βœ¨

Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 01/05/2026

Isang masaya at makabuluhang Thanksgiving Celebration ang naganap kasama ang Ynares Village Habitat Homeowners Association!

Lubos ang aming pasasalamat sa presensya nina Vice Governor Pining Gatlabayan, Konsehal Atty. Paui Tapales, Kapitan Doc. Montero Marquez Tolentino at Bokal Jun San Juan na patuloy na sumusuporta sa mga programa at pagkakaisa ng komunidad dito sa Barangay San Jose at sa iba pang barangay sa Antipolo 🏑✨

Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 30/04/2026

Dumalo tayo sa Induction of Officers ng Sitio Batangas, Brgy. San Jose Antipolo Farmers’ Organization na ginanap sa Sitio Lower Kilingan.

Taos puso kong binabati ang mga bagong halal na opisyal na handang magsilbi at manguna para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa ating barangay. Nawa’y maging matatag ang inyong pamumuno at magsilbing inspirasyon sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga magsasaka.

Sama-sama nating itaguyod ang mas masaganang ani, mas maunlad at patas na kinabukasan para sa Barangay San Jose! πŸ’šπŸŒΎ

Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 30/03/2026

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa paanyayang makadalo sa Araw ng Pagkilala, State of the School Address, at Gawad Sakat ng Kaysakat National High School.

Congratulations sa lahat ng mag-aaral na kinilala at pinarangalan para sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Gayundin, isang mataas na pagpupugay sa ating mga g**o at school administrators na patuloy na nagsisilbing haligi ng kaalaman at inspirasyon sa ating mga kabataan πŸŽŠπŸ“πŸ§‘πŸ»β€πŸ«

Lubos din ang aking pasasalamat sa pagkilalang ibinigay ninyo sa akin at sa office of Barangay San Jose Antipolo City. Ang ganitong pagpapahalaga ay patuloy na nagtutulak sa amin na maglingkod at magtulong tulong para sa ikauunlad ng ating komunidad.

Maraming salamat Kaysakat National High School! πŸ’™πŸ’›

Photos from Doc. Montero Marquez Tolentino's post 30/03/2026
Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 30/03/2026

Isang malaking pasasalamat sa paanyaya ng Mataas na Paaralang Memoryal Maximo L. Gatlabayan upang makasama sa kanilang Araw ng Pagkilala. Isang karangalan na maging bahagi ng espesyal na sandaling ito kung saan ipinagdiriwang ang sipag, talino, at tagumpay ng kanilang mga mag-aaral πŸŽ“βœ¨

Hindi lamang para sa mga mag-aaral na ito, kundi maging sa lahat ng mga bata at kabataan na aking nasamahan sa iba’t ibang selebrasyon ng pagkilala, at higit sa lahat, sa mga magsisipagtapos mula sa Barangay San Jose binabati ko kayo ng Congratulations at nawa’y patuloy kayong mangarap, magsipag, at maniwala sa inyong kakayahan.

Ang inyong tagumpay ay hindi lamang bunga ng talino, kundi ng pagpupursige, disiplina, at suporta ng inyong mga magulang, g**o, at pamilya. Patuloy ninyong dalhin ang diwa ng pag-asa at determinasyon saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap.

Mabuhay kayo, mga kabataang San Jose! πŸ’™πŸ’›

30/03/2026

Sa paggunita po ng Holy Monday, ang ating pong Barangay San Jose ay nakikiisa sa ating komunidad sa panalangin, pagninilay, at pagkakaisa ngayong banal na linggo. πŸ™βœ¨

Nawa’y magsilbi po itong panahon upang mapalalim ang ating pananampalataya, alalahanin ang sakripisyo ni Kristo, at magbahagi ng kabutihan sa isa’t isa. 😊

Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 06/03/2026

Isang karangalan na maimbitahan sa opening at inauguration ng bagong building facility sa Antipolo Sports Hub! 🏟️

Nakasama natin sina Mayor Jun Ynares, Mayora Andeng Ynares, Konsehala Susan Say at Kapitana Baby Salen

Sana ay patuloy na magtulungan ang pamahalaan at lokal na komunidad upang makapaghatid ng mas maraming proyekto, oportunidad at pagkakaisa para sa mga mamamayan.

Congratulations sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito! πŸ’™πŸ‘

Photos from Jeff "Rebel" De Vera's post 12/02/2026

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkakaisa ang isinagawa sa ginanap na Ceremonial Surrender at Withdrawal of Support ng mga dating miyembro at sympathizers ng CPP-NPA-NDF mula sa Antipolo at Tanay.

Bahagi ito ng patuloy na programa ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni Police Major Emil MuΓ±oz, katuwang ang iba’t ibang sektor ng komunidad upang maisulong ang reintegrasyon at pagbibigay ng bagong oportunidad sa mga nagbalik-loob. Nakiisa sa programa sina Pastor Aaron Jornales, PLT Leonardo Bilolo, Engr. Lhen M. Gojar ng Sinag Elite Eagles Club, at PCOL Samson Belmonte

Patunay na sa sama-samang pagkilos ng mga awtoridad at komunidad, mas pinatatatag natin ang landas tungo sa mas masagana, payapa at may pagtutulungan na kinabukasan. πŸ€πŸ‡΅πŸ‡­

Want your business to be the top-listed Government Service in Antipolo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Brgy. San Jose
Antipolo
1870