27/10/2026
Maagang paghahanda ang susi para maprotektahan ang ating mga mag-aaral at g**o sa El Niño. ☀️🏫
Inilabas natin ang DepEd Memorandum No. 64, s. 2026 upang gabayan ang mga paaralan sa regular na pagsukat ng init sa silid-aralan, paggamit ng 4H framework, pagtiyak sa ligtas na inuming tubig, at pagpapatuloy ng feeding program.
Sa aktuwal na kondisyon ng bawat paaralan ibabatay ang pag-aangkop ng klase, upang unahin ang kaligtasan habang iniiwasan ang hindi kinakailangang pagkaantala ng pag-aaral.
Kaisa ni Pangulong Bongbong Marcos, isinusulong natin ang ligtas at handang mga paaralan para sa bawat batang Pilipino sa Bagong Pilipinas.