01/11/2026
Aroroy MPS, PINAIIGTING ANG SEGURIDAD AT KAMALAYAN SA KALIGTASAN SA IBA'T IBANG SEMENTERYO SA BAYAN NGAYONG UNDAS 2026
Bilang bahagi ng pinaigting na seguridad ngayong Undas 2026, nakalatag na ang mga tauhan ng Aroroy Municipal Police Station sa iba't ibang sementeryo sa lungsod ngayong araw, Nobyembre 1, 2026, upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan ng publiko.
Sa pangunguna ni PLTCOL MICHAEL JOHN N VILLANUEVA, Officer-in-Charge ng Aroroy Municipal Police Station, patuloy na pinagtitibay ng buong hanay ng Aroroy MPS ang kanilang kahandaan at koordinasyon upang matiyak ang maayos na daloy ng mga aktibidad at agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Hinihikayat ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad, sundin ang mga ipinatutupad na panuntunang pangseguridad, at manatiling mapagmatyag upang maging ligtas at maayos ang paggunita sa Undas 2026.