Kabataan Partylist Cordillera

Directions

Kabataan Partylist Cordillera The Cordillera chapter of the first and only youth sectoral party in Philippine Congress. Join Kabataan Partylist Cordillera: bit.ly/JoinKabataanPLCordi

KABATAAN PARTYLIST CORDILLERA CONDEMNS MARCOS JR.’S SIGNING OF RA 12326, EXTENDING BARANGAY AND SK TERMS TO FIVE YEARS A...
25/09/2026

KABATAAN PARTYLIST CORDILLERA CONDEMNS MARCOS JR.’S SIGNING OF RA 12326, EXTENDING BARANGAY AND SK TERMS TO FIVE YEARS AND POSTPONING THE 2026 BSKE

The postponement of the 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) directly affects the exercise of democratic representation at the most local level of government. By further delaying the elections, communities are once again made to wait for the opportunity to renew their local mandates and choose their representatives.

This is especially important in Baguio City, where many SK councils continue to struggle with vacancies and the lack of quorum. Without quorum, an SK cannot fully conduct its council functions, limiting its ability to deliberate, make decisions, and carry out programs and services for the youth. This leaves many barangays with SK councils that exist, but cannot fully function.

However, the problem goes beyond vacant SK positions. It reflects a deeper crisis in youth representation, where gaps in local governance remain unresolved while the very mechanism that can address them is repeatedly pushed aside. If the SK is meant to institutionalize the participation of young people in governance, then the continued postponement of elections only deepens the gap between the youth and the institutions meant to represent them.

The youth should not be reduced to spectators of decisions made about their communities. Democratic participation cannot be treated as an expense to be deferred, and youth representation cannot remain incomplete by default. The people, the youth, must be given the opportunity to choose and participate!

The BSKE must proceed! And if it is not, the people and the youth shall continue to demand accountability!


KABATAAN AT MAMAMAYAN NG BAGUIO-BENGUET, HINDI MATATAHIMIK! HINDI MAKAKALIMOT!Muling nagtipon ang nagkakaisang mamamayan...
23/09/2026

KABATAAN AT MAMAMAYAN NG BAGUIO-BENGUET, HINDI MATATAHIMIK! HINDI MAKAKALIMOT!

Muling nagtipon ang nagkakaisang mamamayan ng Baguio-Benguet upang ipakita ang pagtutol sa lahat ng porma ng pandarambong mula sa pagnanakaw sa kaban ng bayan hanggang sa pang-aagaw ng lupa ng mga magsasaka at mga katutubo. Ito ay kasabay ng ika-54 na komemorasyon ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa!

Umalingawngaw muli sa Baguio ang panawagan para sa pagpapanagot at paniningil sa lahat ng sangkot sa korapsyon mula sa hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte.

LABAN, KABATAAN!


Hindi kami makalilimot, hindi kami mananahimik!Ngayong ika-54 na komemorasyon ng Batas Militar, patuloy na lalaban ang k...
21/09/2026

Hindi kami makalilimot, hindi kami mananahimik!

Ngayong ika-54 na komemorasyon ng Batas Militar, patuloy na lalaban ang kabataan at mamamayan. Habang nananatili ang korap, pahirap, at bulok na sistema - patuloy tayong titindig at lalaban!

Kabataan, alalahanin ang malagim na kasaysayan ng Batas Militar. Ipagpatuloy ang laban!


NOW HAPPENING: AKLAS (Alternatibong Klase) patungkol sa Martial LawBago ang protesta, nagsama-sama ang iba’t ibang grupo...
21/09/2026

NOW HAPPENING: AKLAS (Alternatibong Klase) patungkol sa Martial Law

Bago ang protesta, nagsama-sama ang iba’t ibang grupo para pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas hinggil sa Martial Law. Kasama sa pinag-aaralan ang kilusang kabataan-estudyante, kababaihan, manggagawang kultural, at pambansang minorya noong panahon ng diktaduryang Marcos Sr.

Magkita-kita tayo mamaya sa martsa rally ng 5 PM! Assembly sa UP Baguio!


KABATAAN NG BAGUIO-BENGUET, SUMAMA SA MGA PAGKILOS PARA SA PAGGUNITA NG IKA-54 NA TAON NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR!5...
20/09/2026

KABATAAN NG BAGUIO-BENGUET, SUMAMA SA MGA PAGKILOS PARA SA PAGGUNITA NG IKA-54 NA TAON NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR!

54 taon matapos ideklara ang Batas Militar, hindi nakakalimutan ng kabataan ang kasaysayan ng paglaban. Sa ilalim ng diktadurang Marcos, libo-libong kabataan ang tumindig sa lansangan, nag-organisa sa mga paaralan at komunidad, at lumaban sa pasismo, pandarambong, at pagyurak sa demokratikong karapatan. Marami sa kanila ang dumanas ng pag-aresto, tortyur, pagkawala, at maging kamatayan ngunit hindi nila hinayaang patahimikin ang kanilang henerasyon.

Ang makabayan at palabang diwang ito ay buhay pa rin sa kabataan ngayon. Noong nakaraang taon, rumagasa sa mga lansangan ang libo-libong kabataan ng Baguio-Benguet upang manindigan laban sa korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa harap ng patuloy na paglala ng korapsyon at kawalang pananagutan, pinatutunayan ng kabataan na hindi tayo basta manonood habang ninanakawan ang kinabukasan ng ating henerasyon.

Registration para sa Alternatibong Klase: bit.ly/AklasML54
BB Youth ML54 Manifesto fo Unity: https://bit.ly/BBYouthML54

TAGUMPAY ANG BLACK FRIDAY PROTESTS NG KABATAAN SA BAGUIO! Ngayong araw, magkasabay na naglunsad ang Saint Louis Universi...
18/09/2026

TAGUMPAY ANG BLACK FRIDAY PROTESTS NG KABATAAN SA BAGUIO!

Ngayong araw, magkasabay na naglunsad ang Saint Louis University at University of the Philippines Baguio ng Black Friday Protest bilang paghahanda sa pagkilos at pag-alala sa ika-54 na taon ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.

Sa Saint Louis University, naganap ang isang matagumpay na kilos-protesta sa SLU Main Gate habang sa UP Baguio ay nagpanawagan ng pagsuot ng itim sa komunidad bilang simbolo ng pag-alala at paglaban. Sa parehong Unibersidad, binitbit ng mga kabataan ang panawagan para sa pagpapanagot ng lahat ng sangkot sa korapsyon at ang pagtutol sa Pax Silica initiative ng rehimeng US-Marcos

Inaanyayahan ng Kabataan Partylist Cordillera ang kabataan na kumilos at itanghal muli ang makasaysayang papel ng kabataan sa paglaban sa diktadurya, tiraniya at pasismo!

Mga larawan mula sa UP Baguio University Student Council at The Buttress


KABATAAN NG BAGUIO-BENGUET, LUMABAN! MAKIISA SA PAGGUNITA NG IKA-54 NA TAON NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR! Sa ilalim n...
18/09/2026

KABATAAN NG BAGUIO-BENGUET, LUMABAN! MAKIISA SA PAGGUNITA NG IKA-54 NA TAON NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR!

Sa ilalim ng diktadura, hindi nanatiling tahimik ang kabataan. Mula sa mga paaralan at komunidad, naging makasaysayan ang bahagi ang mga estudyante at kabataan ng mga pagkilos laban sa pasismo, pagsusulong ng karapatan at kalayaan, at pakikibaka para sa kapakanan ng mamamayan.

Makalipas ang 54 na taon, mahalagang balikan ang kasaysayang ito at pagtibayin ang ating ambag sa nagpapatuloy na pakikibaka para sa pananagutan, soberanya, at kalayaan!

Sa pangunguna ng iba't ibang grupo at organisasyong pangkabataan sa Baguio at Benguet, sama-sama nating alalahanin, aralin, at buhayin ang mga aral ng Martial Law!Dumalo at magpadalo sa mga aktibidad!

ANO ANG MGA BATAS NA UMIIRAL SA PANAHON NG DIGMA? AT PAANO NITO PINANGANGALAGAAN ANG BUHAY AT DIGNIDAD NG TAO? TARA, ALA...
25/08/2026

ANO ANG MGA BATAS NA UMIIRAL SA PANAHON NG DIGMA? AT PAANO NITO PINANGANGALAGAAN ANG BUHAY AT DIGNIDAD NG TAO? TARA, ALAMIN NATIN!

Binulabog ang Abra at buong rehiyon ng balita ng pamamaslang sa apat na pulang mandirigma sa naging sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at New Peoples Army. Kasunod nito ay ang 'di makataong pagtrato ng AFP sa bangkay ng mga mga nasawi at kanilang pamilya na malinaw na paglabas sa nilagdaang Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and the International Humanitarian Law.

TARA! Kasama ang Cordillera Human Rights Alliance, pag-usapan natin ang International Humanitarian Law at ang paninigurong ang buhay at karapatan ay iginagalang maging sa oras ng digma sa August 27, 6:00 PM via Google Meet!

MAGREHISTRO RITO:

https://tinyurl.com/IHLDiscussion26
https://tinyurl.com/IHLDiscussion26
https://tinyurl.com/IHLDiscussion26


18/08/2026
KABATAAN PL REPRESENTATIVE, ATTY. RENEE CO DEMANDS PUBLIC APOLOGY FROM 5TH INFRANTRY DIVISION! Kabataan has once again c...
15/08/2026

KABATAAN PL REPRESENTATIVE, ATTY. RENEE CO DEMANDS PUBLIC APOLOGY FROM 5TH INFRANTRY DIVISION!

Kabataan has once again cleared that it did not and will never partner with military offices who have a long history of human rights violation against the youth. Instead, we continue to condemn this clear violation of academic freedom.

Schools are spaces where students should engage in critical discussions. That is precisely what the AFP hindered, while continuing to cover up its action with their lies and media manipulation.

Read Rep. Renee Co full statement here: https://www.facebook.com/share/p/1K9Bg4UVzB/?mibextid=wwXIfr



Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist Cordillera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share