Provincial Government of Aurora

Directions Website

Provincial Government of Aurora Provincial Government of Aurora
Official Facebook Account

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: PCPC at PCAT-VAWC, pinalakas ang kampanya sa proteksyon ng kababaihan at mga bata sa Aurora; S.A.F.E Framework ...
10/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: PCPC at PCAT-VAWC, pinalakas ang kampanya sa proteksyon ng kababaihan at mga bata sa Aurora; S.A.F.E Framework at Project BE CAREFUL, pormal na pinagtibay

Pinagtibay ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) at ng Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC) ang mga bagong hakbang at balangkas upang mas mapaigting ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata at kababaihan sa buong lalawigan sa ginanap na 4th Quarter Joint Council Meeting ng mga ito noong Nobyembre 4, 2026 sa Governor’s Conference Room, Provincial Capitol Building, Baler, Aurora.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Provincial Board Member Hon. Mae Ann K. Tolentino, Chairperson ng SP Committee on Social Welfare, Relief Services, Women and Family, and Gender Equality at Co-Chairperson ng PCPC at PCAT-VAWC, katuwang si Provincial Social Welfare and Development Officer Ms. Abigaiel F. Paulino, head secretariat.

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗦.𝗔.𝗙.𝗘. 𝗙𝗿𝗮𝗺𝗲𝘄𝗼𝗿𝗸 𝗮𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗕𝗘 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗙𝗨𝗟
Isa sa mga naging tampok ng pulong ang pormal na adopsiyon ng S.A.F.E. (Shield, Affirm, Fortify, and Extend) Framework ng Schools Division Office (SDO) - Aurora na iprinisenta ni Mr. Gibbs Baldonade.

Ayon kay Mr. Baldonade, ang nasabing balangkas ay binuo ng Division Office alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026, upang magsilbing pinag-isang sistema sa pagtataguyod ng kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral. Nakapaloob dito ang malinaw na mga patnubay sa pag-iwas sa mga posibleng panganib, pagtugon sa mga insidente, pagsuporta sa mga apektadong mag-aaral, at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa pag-aaral sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagsisikap at pananagutan ng mga kinauukulan.

Kasabay nito, pormal ding pinagtibay ng konseho ang Project BE CAREFUL (Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination – Fight Unwanted Lewd Design), isang inisyatibang pinangungunahan ng PNP Women and Children Protection Desk, na naglalayong maprotektahan ang mga bata at kababaihan laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at karahasan sa pamamagitan ng community education, mass information drive, at multi-sectoral partnership.

Pinagtibay rin ang Local State of the Children Report para sa CY 2026 na ibinahagi ni Mr. Adonis Jake Bihasa ng Provincial Planning and Development Office.

𝗨𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘁𝗮𝘆𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻
Binigyang-pansin din sa pulong ang 3rd Quarter Situational Report on Children, kung saan iniulat ng Provincial Health Office ang pagtaas ng porsyento ng infant death. Ayon sa PHO, ang mga naitalang kaso ay kinabibilangan ng mga ipinanganak sa pamamagitan ng hilot at mga sanggol na ipinagbuntis ng ina habang nasa ibang lugar ngunit inabutan ng panganganak sa lalawigan.

Iniulat naman ni PMAJ Lorena Bautista, WCPD Chief ng Aurora Police Provincial Office, ang mga naitalang kasong kinasasangkutan ng mga bata at kababaihan sa lalawigan mula Hulyo 2026 hanggang Nobyembre 5, 2026.

Batay sa ulat, mayroong anim na kaso ng Violence Against Children (VAC), tatlo rito ay r**e cases. Lima naman ang kaso ng Children in Conflict with the Law (CICL), kung saan apat ang may kaugnayan sa Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury and Damage to Property, habang wala namang kaso ng Children at Risk (CAR). Para naman sa Violence Against Women (VAW) ay mayroon dalawang kasong naitala.

Ayon kay PMAJ Bautista, bagaman nananatili ang pagkakaroon ng mga insidente ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata at kababaihan sa lalawigan, makikita sa datos ang pababang trend ng mga kaso, na maiuugnay aniya sa sama-samang pagsisikap ng PNP, PSWDO, LSWDO, at ipa bang mga stakeholder sa antas ng barangay sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng Project BE CAREFUL.

Sa iba pang mga ulat, nakapagtala ang mga MSWDO ng kabuuang 11 kaso ng VAWC, habang wala namang naitala sa PSWDO.

Sa kabuuan, binigyang-diin ng pagpupulong ang kahalagahan ng mas pinaigting na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, kapulisan, lokal na pamahalaan, at mga katuwang na organisasyon upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at serbisyong naglalayong protektahan ang mga bata at kababaihan.

Sa pamamagitan ng mga pinagtibay na framework, proyekto, at mga ulat, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa liderato ni Governor Isidro P. Galban, ang pagbuo ng isang ligtas at mapagkalingang komunidad kung saan pinangangalagaan ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng bawat bata at babae.

𝙒𝙧𝙞𝙩𝙚𝙧: Lyn C. Robles
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤𝙜𝙧𝙖𝙥𝙝𝙚𝙧: Erica Polinada
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧: Mark Ryan N. Lumasac




10/11/2026

69th Regular Session of the 16th Sangguniang Panlalawigan of Aurora

10/11/2026

Opening of Bids for the Procurement of Works (Infrastructure Project):

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: BAGONG CT SCAN FACILITY SA AURORA MEMORIAL HOSPITAL, PORMAL NANG BINUKSAN Muling pinagtibay ng Pamahalaang Panl...
09/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: BAGONG CT SCAN FACILITY SA AURORA MEMORIAL HOSPITAL, PORMAL NANG BINUKSAN

Muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagtutok ng kasalukuyang administrasyon sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pormal na pagbubukas ng bagong Computed Tomography (CT) Scan Facility ng Aurora Memorial Hospital (AMH) na bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas makabago, sapat at abot-kayang serbisyong medikal upang higit na matugunan ang pangangailangan ng mga Auroraeño. Idinaos ang inagurasyon noong Nobyembre 9, 2026, sa Aurora Memorial Hospital, Barangay Reserva, Baler, Aurora.

Tampok sa bagong pasilidad ang 64-slice CT Scan technology na nagbibigay-daan sa mas detalyado at malinaw na pagkuha ng mga imahe sa loob ng katawan, na mahalaga sa pagtukoy at pagsusuri ng iba't ibang karamdaman at kondisyong medikal.

Sa pamamagitan ng bagong pasilidad, inaasahang mapalalakas ang kakayahan ng AMH na magbigay ng angkop na serbisyong diagnostic imaging, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng mas masusing pagsusuri.

Dumalo sa programa sina Governor Isidro P. Galban, Vice Governor Patrick Alexis Angara, SP Members na sina Committee on Health Chairperson Hon. Norma V. Palmero, Hon. Ryan Austin K. Tolentino, Hon. Jennifer Araña, Hon. Pedro “Bobong” Ong at Hon. Menard Amansec, kasama si Dr. Ariel A. Bitong Jr., Chief of Hospital, bilang punong abala sa aktibidad.

Tinalakay ni Provincial Health Officer II Dr. Myrna P. Nicer ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng mga pasilidad at pagpapahusay ng mga serbisyong pangkalusugan upang mas maraming mamamayan ang makinabang sa de-kalidad na pangangalagang medikal.

Ang pagbubukas ng CT Scan Facility ay sumasalamin sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na gawing pangunahing bahagi ng pagpapaunlad ng lalawigan ang sektor ng kalusugan. Iginiit din ni Governor Galban ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalawig ng Pamahalaang Panlalawigan sa serbisyo medikal upang matugunan ang mga kakulangan sa pasilidad, gayundin sa iba pang mga pagamutan sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan at maibigay ang serbisyong nararapat para sa mamamayan.

Sa paunang anunsiyo ng ospital, nakalaan ang CT Scan service para sa mga in-patient at mga pasyenteng nasa Emergency Room (ER) lamang. Ang karagdagang impormasyon hinggil sa availability ng serbisyo ay ipaaabot sa pamamagitan ng mga opisyal na page ng ospital.

Sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan sa makabagong kagamitang medikal at pagpapahusay ng mga pasilidad ng pamahalaan, isinusulong ang isang sistemang pangkalusugan na mas handa, mas episyente at mas tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan.

𝙒𝙧𝙞𝙩𝙚𝙧: Dianne Marie G. Morada
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤𝙜𝙧𝙖𝙥𝙝𝙚𝙧: Erick I. Dizon
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧: Mark Jester G. Dizo






𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚-𝗜𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pam...
09/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚-𝗜𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗨𝗘 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Isidro P. Galban, na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa paghahatid ng serbisyong publiko, personal na ipinagkaloob ni Governor Galban, kasama sina Vice Governor Patrick Alexis Angara, Provincial Administrator Shierwin H. Taay, at Engr. Elson Amado Egargue, ang tig-iisang rescue vehicle sa limang bayan ng lalawigan—Dilasag, Baler, Dinalungan, Dingalan, at Casiguran nitong Nobyembre 9, 2026.

Layunin ng pagkakaloob ng mga sasakyan na mapahusay ang kahandaan at kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga emergency situation, kalamidad, at iba pang insidenteng nangangailangan ng agarang aksiyon.

Inaasahang makatutulong ang mga bagong rescue vehicle sa pagpapabilis ng pagresponde at paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga mamamayang nangangailangan, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang mas maagap na serbisyong pangkaligtasan at mapangalagaan ang buhay at kapakanan ng bawat Auroran.

𝙒𝙧𝙞𝙩𝙚𝙧: Erica N. Polinada
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤𝙜𝙧𝙖𝙥𝙝𝙚𝙧: Sinag G. Espinosa
𝙋𝙝𝙤𝙩𝙤 𝙀𝙙𝙞𝙩𝙤𝙧: Sinag G. Espinosa




𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝐏𝐃𝐀𝐎-𝐀𝐔𝐑𝐎𝐑𝐀, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐔𝐎 𝐍𝐆 𝐈𝐑𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐎. 644Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang ...
09/11/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: 𝐏𝐃𝐀𝐎-𝐀𝐔𝐑𝐎𝐑𝐀, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐔𝐎 𝐍𝐆 𝐈𝐑𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐎. 644

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang isang Konsultatibong Pagpupulong para sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Provincial Ordinance No. 644 noong Nobyembre 5, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Municipal Library, Baler, Aurora.

Dinaluhan din ang nasabing pagpupulong nina Vice Governor Patrick Alexis Angara at Hon. Mae Ann K. Tolentino, Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Tagapangulo ng Committee on Social Services, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng mga taong may kapansanan, partikular ng mga Bingi at may kahirapan sa pandinig.

Layunin ng nasabing pagpupulong na makakalap ng mga mungkahi, rekomendasyon, at pananaw mula sa iba't ibang sektor at mga stakeholder upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng Provincial Ordinance No. 644. Ito ay isang ordinansang nagpapatibay at nagpapatupad sa Republic Act No. 11106, na kilala bilang Filipino Sign Language Act, sa Lalawigan ng Aurora.

Nagsimula ang programa sa mensahe ng pagtanggap ni G. Richard G. Baoy, Pinuno ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), na naglahad din ng mahahalagang probisyon ng Provincial Ordinance No. 644. Binigyang-diin niya ang kahalagahan nito sa pagsusulong ng mga serbisyong pampamahalaan na madaling ma-access at sa aktibong pakikilahok ng mga Bingi at may kahirapan sa pandinig sa komunidad.

Sinundan ito ng talakayan at sama-samang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR), kung saan malayang nakapagbahagi ng kanilang mga pananaw, mungkahi, at rekomendasyon ang mga dumalong stakeholder upang makabuo ng malinaw at angkop na mga panuntunan para sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.

Nagsilbing mahalagang pagkakataon ang pagpupulong upang mapalakas ang pagtutulungan at pagkakaisa ng iba't ibang sektor sa pagtataguyod ng karapatan, inklusibong pakikilahok, at pantay na oportunidad para sa mga Bingi at may kahirapan sa pandinig sa Lalawigan ng Aurora.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa pangunguna ng PDAO at sa suporta ng mga pinuno ng lalawigan, ang kanilang pangako na itaguyod ang isang inklusibo at accessible na komunidad kung saan ang bawat isa, anuman ang kapansanan o hadlang sa komunikasyon, ay may pantay na pagkakataong makilahok at makinabang sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

𝑾𝒓𝒊𝒕𝒆𝒓: Angel T. Tresmanio
𝑷𝒉𝒐𝒕𝒐𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉𝒆𝒓: Angel T. Tresmanio
𝑷𝒉𝒐𝒕𝒐 𝑬𝒅𝒊𝒕𝒐𝒓: Mark Jester G. Dizo




𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐔𝐑𝐎𝐑𝐀Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG), sa...
09/11/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐀𝐔𝐑𝐎𝐑𝐀

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG), sa pamamagitan ng Coast Guard Station Aurora, ang paglalayag ng lahat ng motor banca at iba pang sasakyang pandagat, anuman ang uri o laki nito, sa loob ng nasasakupan nitong karagatan, epektibo kaagad.

Alinsunod ito sa Sea Travel Advisory No. CGSAu-1126-001 na inilabas noong Nobyembre 9, 2026, bilang pag-iingat laban sa posibleng aksidente sa karagatan bunsod ng masamang lagay ng panahon na kaugnay ng Bagyong Cempaka.

Pinapayagan ang mga sasakyang pandagat na sumilong sa mga lugar na sakop ng Coast Guard Station Aurora, sa kondisyon na makapagsumite ng nakasulat na kahilingan at sumunod sa mga itinakdang alituntunin sa kaligtasan.

Pinapayuhan ang lahat ng operator, tripulante at pasahero na mahigpit na sundin ang abisong ito at manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng PCG at PAGASA.




𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗚𝗣 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴Bilang bahagi ng pagsu...
09/11/2026

𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗚𝗣 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴

Bilang bahagi ng pagsusulong ng bukas at responsableng pamamahala, nakiisa ang Lalawigan ng Aurora sa unang batch ng 2026 Capability Development Program for the Philippine Public Sector on Open Government Partnership (OGP), na ginanap noong Oktubre 26–30, 2026 sa Development Academy of the Philippines sa Pasig City.

Pinangunahan ni Vice Governor Patrick Alexis Angara ang delegasyon ng Aurora, kasama sina Atty. Ryan A. Suaverdez, Administrative Policy Researcher; Arius Benjard ng Provincial Planning and Development Office; Sierra May D. Pimentel ng Provincial Budget Office; at Jingelyn P. Cacanindin, kinatawan ng civil society organization (CSO) mula sa Hope Rural Improvement Club.

Sa loob ng limang araw, nakatuon ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapahusay ng kakayahan ng mga kinatawan mula sa pamahalaan at civil society organizations. Binigyang-pansin din ang kahalagahan ng transparency, accountability, at makabuluhang pakikilahok ng publiko sa mga proseso ng lokal na pamamahala upang mapatatag ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.

Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa pamumuno ni Governor Isidro P. Galban, na itaguyod ang mabuting pamamahala sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programang nagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kinatawan nito.

Sa ganitong paraan, higit na maisusulong ang isang bukas, responsable, at mahusay na pamahalaan na naglalayong makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Aurora.

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗵𝗼𝘁𝗼: Office of the Vice Governor





𝗠𝗮𝗮𝗴𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗦𝗙, 𝗘-𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝗽𝗲𝗻 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻...
09/11/2026

𝗠𝗮𝗮𝗴𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗦𝗙, 𝗘-𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝗽𝗲𝗻 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

Tinutukan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Aurora ang mahahalagang usapin hinggil sa maagap na pagtugon sa mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan, pagpapalakas ng partisipasyon ng mamamayan sa pagbabalangkas ng mga programa ng pamahalaan, at pagpapatibay ng mga lokal na batas para sa kalikasan at kalusugan sa isinagawang ika-68 Regular Session ng 16th SP nitong Nobyembre 3, 2026.

𝗕𝗮𝘀𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗲𝘁𝗮𝗹𝘆𝗲 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗻𝗸: https://auroraprovince.gov.ph/sp-news-11-09-26/

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝘄𝗲𝗯𝘀𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝘂𝗿𝗼𝗿𝗮: https://auroraprovince.gov.ph





05/11/2026

Provincial People's Council Election | November 5, 2026

Address

Provincial Capitol, Brgy. Suklayin
Baler
3200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Government of Aurora posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share