31/10/2026
TINGNAN| Opisyal na nilagdaan ng DSWD Field Office - NCR sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program kasama ang University of the East (UE) – Caloocan sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na ginanap sa University Engineering Building noong Huwebes (Oct 29).
Kasama sina DSWD FO-NCR Assistant Regional Director for Operations (ARDO) Bienvenido V. Barbosa Jr., UE President Dr. Zosimo M. Battad, Prof. Emeteria B. Dalisay at iba pang mga kinatawan ng Unibersidad. Sa pamamagitan ng kasunduan na ito ay magkakaroon ng libreng pagsasanay ang mga kalahok ng programa kabilang ang financial management, business management at mga kasanayan sa pagtatrabaho upang mas mapahusay ang kanilang kakayahang magnegosyo at trabaho, tungo sa mas maunlad na pamumuhay.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni ARDO Barbosa na ang SLP ay higit pa sa pagbibigay ng paunang tulong-pinansyal. Ito ay nakatuon sa pagpapayaman ng kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng bawat kalahok upang gabayan sila tungo sa matatag at napapanatiling pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
Sulong Kabuhayan, tungo sa Pagyabong!