27/10/2026
𝙍𝙤𝙨𝙖𝙧𝙮 𝙍𝙖𝙡𝙡𝙮 🙏🏻
MaGUENNdang Buhay, Bayan ng Bauan! 💚
Kasama si Mayor Wendah Katrina Dolor at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Josephine Gimeno, Hon. Michael Endaya, Hon. Marjorie Jelly Adel, at Hon. Tony Caguete, tayo po ay nakiisa sa isinagawang Rosary Rally ngayong October 27, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Banal na Rosaryo.
Sama-sama tayong nag-alay ng panalangin bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Nawa’y patuloy tayong gabayan ng kanyang panalangin tungo sa kapayapaan, pagmamahalan, at pagpapala sa ating pamayanan.