Bing "malambing" Cariño

Directions

Bing "malambing" Cariño Official page of Bing Cariño

MEAT SAFETY ADVOCACY SEMINAR | OCTOBER 28, 2026Ngayong araw, nakibahagi tayo sa "Meat Advocacy Seminar" dito sa Biñan Pe...
28/10/2026

MEAT SAFETY ADVOCACY SEMINAR | OCTOBER 28, 2026

Ngayong araw, nakibahagi tayo sa "Meat Advocacy Seminar" dito sa Biñan People’s Center upang pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa ating kalusugan at pang-araw-araw na pamumuhay, ang "kalinisan, sanitasyon, at kaligtasan ng karne".

Mahalaga para sa akin na patuloy nating mapalawak ang kaalaman ng ating mga nagtitinda, meat handlers, at iba pang stakeholders tungkol sa tamang paghawak, pag-iimbak, at pagpapanatili ng kalidad ng karne.

Sa ganitong paraan, sama-sama nating napapanatili ang isang "malinis, maayos, at ligtas na pamilihan", at higit sa lahat, natitiyak natin ang kaligtasan ng pagkain na inihahain sa bawat pamilyang Biñanense.

Patuloy tayong magsusulong ng mga hakbang para sa "kalinisan, food safety, at kapakanan ng bawat Biñanense".

𝗜𝗖𝗧𝗖 𝗜𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 💚Tayo po ay naanyayahan at dumalo sa inagurasyon ng ICTC kasama ang ating Punong Lungsod...
23/10/2026

𝗜𝗖𝗧𝗖 𝗜𝗡𝗔𝗨𝗚𝗨𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 💚

Tayo po ay naanyayahan at dumalo sa inagurasyon ng ICTC kasama ang ating Punong Lungsod, Mayor Angelo “Gel” Alonte, upang saksihan ang pagbubukas ng panibagong oportunidad para sa ating lungsod at sa mga mamamayang Biñanense.

Ang pagbubukas na ito ay nagbibigay ng pag-asa para sa mas maraming oportunidad at posibilidad na maaaring makatulong sa pag-unlad ng ating lungsod at sa kinabukasan ng ating mga kababayan.

Bilang inyong lingkod, patuloy tayong susuporta sa mga proyektong naglalayong magbukas ng oportunidad para sa ating mga mamamayan, maliit man o malaki ang hakbang. Sa tulong ng sama-samang pagkilos at suporta ng ating pamahalaang lungsod, mas marami pa tayong maaaring makamit para sa ikabubuti ng Biñan.

Sa bawat bagong oportunidad, hangad natin ang mas maunlad na lungsod at mas magandang kinabukasan para sa bawat Biñanense

𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧Kahapon, sa ating Regular Session, naaprubahan ang dalawang ordinansang inakda ni Kons...
20/10/2026

𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

Kahapon, sa ating Regular Session, naaprubahan ang dalawang ordinansang inakda ni Konsehal Victor L. Cariño, kasama si Konsehal Liza Cardeño, Alexis H. Desuasido bilang co-author at ang iba pang kasamahan sa Committee on Markets and Slaughterhouses.

📌 UNANG ORDINANSA

AN ORDINANCE FURTHER AMENDING SUBSECTION (a) OF SECTION 2A.05 OF ORDINANCE NO. 01-2001, OTHERWISE KNOWN AS “AN ORDINANCE ENACTING THE MARKET AND SLAUGHTERHOUSE CODE OF BIÑAN, LAGUNA (2001),” AS AMENDED BY SECTION 7 OF CITY ORDINANCE NO. 7-(2021), AND CONFORMING THE CONTRACT OF LEASE FOR THE DRY MARKET PRESCRIBED UNDER SECTION 9 OF CITY ORDINANCE NO. 7-(2021), BY REDUCING THE LEASE PERIOD OF STALLS IN THE DRY MARKET OF THE BIÑAN PUBLIC MARKET FROM FIVE (5) YEARS TO TWO (2) YEARS, AND FOR OTHER PURPOSES.

Layunin nitong gawing dalawang (2) taon ang kontrata ng pag-upa ng mga puwesto sa dry market, mula sa dating limang (5) taon.

📌 IKALAWANG ORDINANSA

AN ORDINANCE GRANTING THE CONDONATION OF SURCHARGES, PENALTIES, INTEREST ON RENTAL ARREARAGES AND ON ELECTRICAL FEES INCURRED AS OF OCTOBER 31, 2026 BY STALLHOLDERS IN THE DRY SECTION OF THE BIÑAN PUBLIC MARKET.

Layunin nitong magbigay ng kaluwagan sa mga stallholder sa dry market sa pamamagitan ng condonation ng mga surcharge, penalty, interes sa hindi nabayarang upa, at electrical fees na saklaw ng ordinansa.

Ang pag-apruba sa mga ordinansang ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga mangangalakal. Hangad natin na makatulong ang mga ito sa kanilang kabuhayan at sa patuloy na pagsasaayos ng ating pamilihan.

Patuloy tayong makikinig, makikipag-ugnayan, at magsusulong ng mga hakbang para sa kapakanan ng ating mga mangangalakal.

Konsehal Victor Bing Cariño = Committee Chairman on Markets and Slaughterhouses.

🇵🇭 Flag Raising Ceremony | October 19, 2026Muling tayong nakiisa sa Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng disiplin...
19/10/2026

🇵🇭 Flag Raising Ceremony | October 19, 2026

Muling tayong nakiisa sa Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng disiplina, at tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Kasunod nito, iginawad ang parangal sa Barangay Malaban bilang finalist sa Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng kalusugan at wastong nutrisyon sa komunidad.

Patuloy tayong magkaisa sa paglilingkod para sa mas malusog na pamayanan at mas maunlad na Biñan. 🧡

October 14, 2026 | Pagbisita sa Tanggapan ng Ating mga Kapatid na MuslimIsinagawa ang pagbisita sa tanggapan ng ating mg...
18/10/2026

October 14, 2026 | Pagbisita sa Tanggapan ng Ating mga Kapatid na Muslim

Isinagawa ang pagbisita sa tanggapan ng ating mga kapatid na Muslim sa pangunguna ni Pres. Malawi, Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap.

Nawa’y patuloy na mapagtibay ang ating ugnayan, pagkakaisa, at pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Orientation on BMBE and MSME Financing Opportunities through Pag-IBIG Fund| October 14, 2026Patuloy po tayong nagsusulon...
18/10/2026

Orientation on BMBE and MSME Financing Opportunities through Pag-IBIG Fund
| October 14, 2026

Patuloy po tayong nagsusulong ng mga programang magbibigay ng kaalaman at oportunidad sa ating mga mangangalakal ng Biñan upang magkaroon ng dagdag na puhunan at mapalago ang kanilang negosyo.

Bilang isang mangangalakal din, nauunawaan ko po ang hirap at sakripisyong kaakibat ng paghahanapbuhay. Kaya naman, patuloy po tayong sumusuporta sa mga programang magpapatatag sa kabuhayan ng ating mga negosyante para sa kanilang pamilya at sa pag-unlad ng ating pamayanan.

Konsehal Victor Bing Cariño = Committee Chairman on Markets and Slaughterhouses.

HAPPENING RIGHT NOW!Triskelion Alumni Organization – General Assembly| October 16, 2026Taos-puso pong nagpapasalamat ang...
16/10/2026

HAPPENING RIGHT NOW!

Triskelion Alumni Organization – General Assembly
| October 16, 2026

Taos-puso pong nagpapasalamat ang buong Lingkod Bayan Tau Gamma Phi Biñan sa ating Punong Lungsod, Mayor Gel Alonte; Pangalawang Punong Lungsod, Dada Reyes,l; Congresswoman Len Alonte; Konsehal Rommel Dicdican; Konsehal Elvis Bedia; at sa inyong lingkod, Konsehal Bing Cariño, sa pagsuporta sa kauna-unahang General Assembly na ginaganap sa ating lungsod.

Patuloy po nating palalakasin ang pagkakaisa, samahan, at diwa ng paglilingkod sa ating kapatiran at sa buong pamayanan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa! 🧡

COMMITTEE HEARING ON DRY MARKET | OCTOBER 14, 2026Tinalakay po natin sa Committee Hearing on Dry Market ang mga kahiling...
14/10/2026

COMMITTEE HEARING ON DRY MARKET | OCTOBER 14, 2026

Tinalakay po natin sa Committee Hearing on Dry Market ang mga kahilingan at mungkahi ng ating mga mangangalakal sa Biñan upang mapabuti ang kanilang kalagayan at mapagaan ang kanilang mga suliranin sa negosyo.

Patuloy po tayong makikinig, makikipag-ugnayan, at magsusulong ng mga angkop na ordinansa at hakbang para sa kapakanan ng ating mga mangangalakal. Sama-sama po nating sisikapin na masuportahan ang kanilang kabuhayan at mapaunlad ang kalakalan sa ating lungsod.

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 12, 2026 | LTIA AWARDING Masaya akong makasama ang ating mga lingkod-bayan sa pagsisi...
12/10/2026

🇵🇭 FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 12, 2026 | LTIA AWARDING

Masaya akong makasama ang ating mga lingkod-bayan sa pagsisimula ng linggo, kasabay ng pagkilala sa mga "LTIA winners" at paggawad ng kanilang plaque at cash prize.

Saludo ako sa kanilang sipag, dedikasyon, at patuloy na paglilingkod para sa kapayapaan at kaayusan ng ating mga barangay. Karapat-dapat ang ganitong pagkilala. 🇵🇭👏

🤝 Para sa Maayos at Maunlad na Pamilihan ng Barangay Langkiwa!Nagsagawa ng pagpupulong ang Samahan ng mga Mangangalakal ...
09/10/2026

🤝 Para sa Maayos at Maunlad na Pamilihan ng Barangay Langkiwa!

Nagsagawa ng pagpupulong ang Samahan ng mga Mangangalakal ng Barangay Langkiwa kasama ang Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kapitan Popit Montanez at ng inyong lingkod, upang talakayin ang mga plano at pagsasaayos ng pamilihan tungo sa isang mas malinis at komportableng lugar para sa mga mangangalakal at mamimili.

Sama-sama para sa ikauunlad ng ating barangay! 🧡

Address

Biñan, Philippines, Binãn
Biñan
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bing "malambing" Cariño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services