20/10/2026
🏆✨ ISANG MALAKING PAGBATI PARA SA BARANGAY SAPANG! ✨🏆
Buong pagmamalaki nating ibinabahagi ang mga natanggap na Certificate of Recognition One of the Top 10 Barangays in Binangonan for being Fully Functional BGFPS and VAWc DESK 2026 ng ating mahal na Barangay Sapang mula sa Municipal Gender and Development Office (GAD) ng Bayan ng Binangonan bilang pagkilala sa ating aktibong pagsusulong ng gender equality, pagprotekta sa kababaihan at mga bata, at paglaban sa lahat ng uri ng karahasan.
🏅 BEST BARANGAY GAD FOCAL POINT SYSTEM 2026
🏅 BEST BARANGAY VAWC DESK 2026
🏅 M.O.V.E. – SAPANG
Men Opposed to VAW Everywhere
💜 Taos-pusong pasasalamat sa ating Punong Barangay, Kap. Arvin M. Añain, at sa Buong Sangguniang Barangay ng Sapang sa kanilang patuloy na pag suporta at pagbibigay-halaga sa mga programa ng GAD at VAWC. Ang kanilang pamumuno at suporta ay malaking inspirasyon upang patuloy nating maisulong ang mga programang naglalayong protektahan ang ating mga kababaihan at mga anak.
At higit sa lahat, nagkamit din ng pagkilala ang ating VAWC Desk Officers Ms. Constancia C. Adolfo Cynthia Adolfo bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon, malasakit at mahusay na pagtupad sa tungkulin sa paglilingkod at pagtulong sa mga biktima ng VAWC. 💜👏 💜
Taos-pusong pasasalamat din sa ating masipag na GAD Focal Point Person Kgg. Arman Jeffrey Cerda na patuloy na naglalaan ng oras at effort sa pagdalo sa mga seminars, trainings at iba’t ibang aktibidad upang mas mapalawak ang kaalaman at mapahusay ang pagpapatupad ng ating mga programa.
Malaking pasasalamat din sa ating Barangay Secretary Mrs. Janihne Bolante Mesa Fabros at Assistant Secretary (ASEC) Mr. Jerick Aragoncillo sa kanilang sipag, tiyaga at dedikasyon sa pag-aasikaso ng mga dokumento, reports at iba pang requirements ng barangay.
Maraming maraming salamat po sa aming butihing Mahal na Mayora Rhea Ynares at sa aming GAD Head, Tita Aya Torres, at kina Mam Bhel Garcia-Maquiñana at Mam Crystal, sa inyong walang sawang paggabay, suporta at pagbabahagi ng inyong kaalaman. Malaking tulong po ang inyong mga payo at gabay upang mas maging maayos at epektibo ang aming mga programa. 💜
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming MLGOO Head, Mam Rosanna Ramos, na napaka-supportive at napakabait sa aming mga barangay. Maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay at pag-unawa. Gayundin sa aming DILG Secretary, Mam Marife Tirana, at Sir. Kcire Oabla Senogara maraming salamat po sa inyong suporta at pakikipagtulungan. 😊
Hindi rin namin makakalimutan ang aming MSWD, Mam Jennifer Dilag, at ang PNP Chief, Mam Evangeline Santos, sa inyong patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa mga programa at hakbang para sa proteksyon at kapakanan ng ating mga kababaihan at mga anak.
🙏 Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagkilala at pagpapahalaga sa pagsisikap ng bawat barangay. Ang inyong suporta at paggabay ay malaking inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang pagpapatupad ng mga programa ng GAD at VAWC, at mas mapaglingkuran nang maayos ang aming mga kabarangay.
Sama-sama po tayo tungo sa isang mas ligtas, mas pantay at mas maunlad na komunidad—walang puwang sa karahasan at pang-aabuso. 💜🤝
Maraming salamat po at mabuhay ang bawat Barangay na patuloy na nagsisilbi! 🏆💜
Mabuhay ang Barangay Sapang! 🏆💜