Konsi Nic Solomon

Directions

Konsi Nic Solomon Magandang Araw Kababayan! Welcome po sa official page ng inyong lingkod, Konsi Nic Solomon.

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝘂𝗴𝗼𝘀 𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲Masiglang umaga sa Barangay Tugos kasama ang ating mga bibo at maha...
29/10/2026

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗧𝘂𝗴𝗼𝘀 𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲

Masiglang umaga sa Barangay Tugos kasama ang ating mga bibo at mahal na Senior Citizens!

Nakiisa po ang inyong lingkod sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week. Napakasaya pong makasama at makakuwentuhan ang ating mga Lolo at Lola na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin.

Salamat po sa inyong mainit na pagtanggap! Karangalan po namin kayong paglingkuran. Mabuhay po ang ating mga nakatatanda!





𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝟰𝟰𝟲 𝗻𝗮 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗮𝗰Nakiisa po tayo kahapon sa isang mahalagang pagpupulong para sa pa...
29/10/2026

𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝟰𝟰𝟲 𝗻𝗮 𝗧𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗮𝗰

Nakiisa po tayo kahapon sa isang mahalagang pagpupulong para sa pagpaplano at paghahanda sa nalalapit na ika-446 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating minamahal na Bayan ng Boac.

Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng iba't ibang departamento, ahensya ng pamahalaan, at mga kinatawan mula sa mga paaralan na katuwang sa mga nakalinyang programa para sa ating selebrasyon.

Bilang inyong lingkod-bayan at Chairperson ng Tourism Development, Local History, Culture and the Arts, kaisa po ninyo si Konsi Nic sa pagtiyak na ang pagdiriwang na ito ay magiging maayos at masaya. Sama-sama po nating ipagdiwang at salubungin ang makasaysayang milestone na ito ng ating bayan!






𝗟𝗮 𝗠𝗲𝗿 𝗕𝗲𝗮𝗰𝗵𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗿𝘁 𝗦𝗼𝗳𝘁 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴Isang masiglang pagbati sa La Mer Beachfront Resort Inc. sa inyong opisyal na pagbu...
28/10/2026

𝗟𝗮 𝗠𝗲𝗿 𝗕𝗲𝗮𝗰𝗵𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗿𝘁 𝗦𝗼𝗳𝘁 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴

Isang masiglang pagbati sa La Mer Beachfront Resort Inc. sa inyong opisyal na pagbubukas sa Brgy. Balaring, Boac, Marinduque!

Maraming salamat sa pagpili at pagtitiwala na mamuhunan sa ating bayan. Ang proyektong ito ay hindi lamang nagpapaganda sa ating turismo, kundi nagbibigay din ng bagong kabuhayan para sa ating mga mamamayan. Asahan ninyo ang aming buong suporta para sa inyong paglago.

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-relax at mamasyal! Tara po, bumisita at tangkilikin ang La Mer.

Mabuhay kayo at congratulations pong muli!





𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝘄𝗮𝘁, 𝗜𝘀𝗼𝗸 𝗜, 𝗮𝘁 𝗔𝗴𝗼𝘁Kaisa sa Pagdiriwang: Walang-Humpay na Suporta sa Ati...
27/10/2026

𝗘𝗹𝗱𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗪𝗲𝗲𝗸 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝘄𝗮𝘁, 𝗜𝘀𝗼𝗸 𝗜, 𝗮𝘁 𝗔𝗴𝗼𝘁

Kaisa sa Pagdiriwang: Walang-Humpay na Suporta sa Ating mga Senior Citizens!

Isang maligayang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa lahat ng nakatatanda sa ating mga barangay! Ikinagagalak kong makita ang mga ngiti ng ating mga minamahal na senior citizens sa naganap na pagdiriwang nitong mga nakaraang araw!

Sa pamamagitan ng aking team, ipinarating natin ang ating patuloy na pakikiisa sa masayang programang ito. Maraming salamat po sa mga barangay officials at sa lahat sa mainit na pagtanggap. Asahan po ninyo ang ating layunin para sa mas ligtas, malusog, at mapagkalingang komunidad para sa ating mga lolo at lola ay palaging mananatiling prayoridad. Saludo po kami sa inyong gabay at karunungan!





𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝗶𝗲𝘀: 𝗜𝘀𝗼𝗸 𝗜𝗜, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗧𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀, 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝘄𝗮𝘁Hindi hadlang ang distansya para sa serbisyong tuluy-t...
26/10/2026

𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝗶𝗲𝘀: 𝗜𝘀𝗼𝗸 𝗜𝗜, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗧𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀, 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝘄𝗮𝘁

Hindi hadlang ang distansya para sa serbisyong tuluy-tuloy!

Nitong nakaraang weekend, bagamat ako ay nasa isang official business at kasalukuyang ginagampanan ang iba pang mahahalagang tungkulin, siniguro nating may kinatawan ang ating tanggapan upang makiisa at magpaabot ng ating buong suporta sa mga Barangay Assembly ng ilang barangay sa ating nasasakupang Poblacion District.

Salamat sa aking team sa pagiging tulay ng ating serbisyo, at sa ating mga barangay opisyal sa mainit na pagtanggap! Sama-sama pa rin tayo sa patuloy na pag-unlad!





𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲“𝙐𝙉𝙡𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙏𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧”TIGNAN: Ang cute, bibo, at siksik sa kyutness na mga chikiting mula sa iba't ...
26/10/2026

𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗗𝗮𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲
“𝙐𝙉𝙡𝙞𝙢𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙏𝙤𝙜𝙚𝙩𝙝𝙚𝙧”

TIGNAN: Ang cute, bibo, at siksik sa kyutness na mga chikiting mula sa iba't ibang Child Development Centers ng ating Munisipalidad ng Boac!

Noong nakaraang Huwebes, masayang ipinagdiwang ng ating mga munting kinatawan ang United Nations Day. Suot ang kani-kanilang makukulay na kasuotan, buong gilas nilang ipinakita ang ganda ng iba't ibang kultura ng mundo.

Isang malaking pasasalamat sa MSWDO BOAC sa pag-organisa ng matagumpay na aktibidad na ito, gayundin sa lahat ng mga taong nasa likod at naging katuwang sa programang ito. Taos-pusong pasasalamat din sa ating masisipag na Child Development Workers at mga magulang na walang sawang sumusuporta.

Isang malaking hakbang ito para sa paghubog ng mga batang may pandaigdigang puso at pagpupugay sa kapayapaan mula sa ating mga susunod na salinlahi!





𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲Nakaka-proud masaksihan ang galing at pagkamalikhain ng rehiyon dito sa OBRA MIMAROPA 2026! Isang mala...
23/10/2026

𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲

Nakaka-proud masaksihan ang galing at pagkamalikhain ng rehiyon dito sa OBRA MIMAROPA 2026! Isang malaking karangalan din na 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗼𝗮𝗰 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗼𝗽 𝟯 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗺𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗱𝘂𝗾𝘂𝗲.

Tunay na nakakataba ng puso na makadalo at maipakita ang ating pagkakaisa kasama sina Mayor Armi DC. Carrion, Vice Mayor VICEfriend KUYA MARK SEÑO, Councilor Sito Laylay, Municipal Admin Carlo DC. Jacinto, ang ating Municipal Market Office at Boac Business Permit and Licensing Section.

Ang inyong lingkod ay naniniwala na ang pag-tulong sa ating mga MSMEs ang susi sa mas masiglang ekonomiya. Puso at galing ng Marinduqueño, ibibida natin sa buong rehiyon at Pilipinas.

Mga kababayan, bukas at ongoing po ang exhibition hanggang Oktubre 25 sa Glorietta Activity Center! Halina’t bumisita at tangkilikin ang mga natatanging produkto ng ating probinsya. Suportahan natin ang ating mga lokal na MSMEs!






𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝟰𝘁𝗵 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀Matagumpay na binuksan ang 4th MIMAROPA Regional Cooperative Con...
22/10/2026

𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝟰𝘁𝗵 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀

Matagumpay na binuksan ang 4th MIMAROPA Regional Cooperative Congress noong Oktubre 20, 2026 sa Marinduque Convention Hall, Boac, Marinduque, taglay ang temang "One Region, One Heart, One Unbreakable Cooperative Force!"

Nagtipon-tipon ang mga kooperatiba at delegado mula sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon kasama ang mga lokal na pinuno sa pangunguna nina Governor Mel Go, Vice Governor Doc Romulo Bacorro Jr., at Congressman Reynaldo Salvacion upang palakasin ang pagkakaisa at kabuhayan sa komunidad.

Naging makulay ang pagtitipon sa pamamagitan ng tradisyunal na Putong at sa makabuluhang keynote address ni Senator Erwin Tulfo na nagbigay-diin sa sama-samang pagkilos para sa mas matatag na sektor ng kooperatiba sa buong MIMAROPA.





𝗠𝗮𝗿𝗦𝗨 𝗦𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺“𝙋𝙪𝙨𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖, 𝙃𝙪𝙨𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙣, 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣”Part 2 - ProgramMula sa pag...
20/10/2026

𝗠𝗮𝗿𝗦𝗨 𝗦𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺
“𝙋𝙪𝙨𝙤 𝙣𝙜 𝙆𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖, 𝙃𝙪𝙨𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙞𝙩𝙞𝙠𝙖𝙣, 𝙇𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣”
Part 2 - Program

Mula sa pagiging mag-aaral sa loob ng silid-aralan, ngayon ay nagbabalik upang maglingkod at magbigay-pugay!

Isang malaking karangalan at punong-puno ng sigla nating kinatawan si Mayor Armi DC. Carrion at ang buong Pamahalaang Bayan ng Boac upang saksihan ang pagbubukas ng MarSU Salatagan 2026. Isang mainit na pagtanggap sa lahat ng ating mga kapwa MarSUans mula sa iba't ibang bayan! Welcome to Boac!

Isang malaking pagbati at pagsaludo rin sa buong pamunuan ng Marinduque State University sa pangunguna ni Pres. Diosdado P. Zulueta, gayundin sa lahat ng mga naging kabahagi sa likod ng matagumpay na kaganapang ito!

Sabi nga nila, mahirap iwanan ang lugar na naging tahanan mo na. Kaya naman tuwing may pagkakataon, palaging may ngiti sa aking mga labi ang pagbabalik sa MarSU—ang isa sa mga paaralang humubog sa kung sino ako ngayon.

Maligayang Salatagan, MarSUans! Sulitin at ipagdiwang natin ang lakas at galing ng bawat isa!






Address

Mercado Boac, Marinduque
Boac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsi Nic Solomon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share