26/09/2026
𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲
Barangay Updates with Kap Rudyard Pesimo
Mga ka-barangay, marami pong katanungan at maling akala tungkol sa RA 12326. Narito po ang 25 Tanong at Sagot tungkol sa bagong batas, batay sa mismong batas, sa Constitution, at sa mga kaugnay na Supreme Court rulings.
Basahin. Suriin. Unawain.
_________________________
𝟭. 𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲?
Ang RA 12326 ay bagong batas na nagtatakda ng 5-year term para sa elected Barangay at SK officials. Itinatakda rin nito ang susunod na regular Barangay at SK Elections sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, at pagkatapos nito ay kada limang taon.
𝟮. 𝗔𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 𝗯𝗮 𝗮𝘆 “𝗽𝗼𝘀𝘁𝗽𝗼𝗻𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁” 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗦𝗞𝗘?
HINDI. Ang RA 12326 ay nag-amiyenda sa RA 12232: binago nito ang term mula 4 years tungo sa 5 years. Kasama sa bagong term ang bagong election schedule na 2028. Kaya mas tama itong tingnan bilang isang term-setting law, hindi bilang “postponement law.”
𝟯. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝘂𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻?
OO. Nagbago ang election date. Pero ang legal question ay hindi: “Naurong ba ang election?” Ang dapat tingnan ay: “Ano ang ginawa ng batas sa term of office?” Sa RA 12326, binago ang term mula 4 years patungong 5 years, at itinakda ang bagong regular election cycle.
𝟰. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝟯 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻?
HINDI. Ito ang isa sa pinakamadalas na maling akala. Sa Article X, Section 8 ng 1987 Constitution, ang 3-year term ay para sa elective local officials, “except barangay officials, which shall be determined by law.” Ibig sabihin: Ang term ng mga opisyal ng barangay ay dapat itakda ng batas. Kaya may express constitutional authority ang Congress na magtakda nito.
𝟱. 𝗜𝗯𝗶𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻, 𝗽𝘂𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗺?
Ang malinaw ay binigyan ng Constitution ang Congress ng kapangyarihang magtakda sa pamamagitan ng batas ng term ng Barangay officials. Kung may constitutional challenge sa RA 12326, ang Supreme Court ang may huling salita.
𝟲. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝗱𝗶𝗻𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗰𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝘁𝗽𝗼𝗻𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗦𝗞𝗘?
Sa Macalintal v. COMELEC, dineklarang unconstitutional ng SC ang RA 11935, na nag-postpone ng 2022 BSKE. Pero sa kasunod na ruling ng SC tungkol sa RA 12232, kinilala ng Supreme Court ang pagkakaiba ng isang postponement law at isang term-setting law. Kaya hindi automatic na: “Unconstitutional ang RA 11935, kaya unconstitutional na rin ang RA 12326.” Magkaibang batas ang mga ito.
𝟳. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝗵𝗮𝗹𝗼𝘀 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 “𝗲𝘅𝘁𝗲𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻” 𝗶𝘁𝗼?
Hindi tama na basta pagsama-samahin ang iba't ibang batas at tawagin itong isang three-year extension. May magkakaibang batas, magkakaibang enactment dates, at magkakaibang legal effects. Ang RA 12326 ay nag-amiyenda sa RA 12232 at nagtakda ng bagong five-year term at bagong election cycle.
𝟴. 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟴 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗲𝘅𝘁 𝗕𝗦𝗞𝗘?
Dahil sa RA 12326, ang term ng Barangay at SK officials ay naging 5 years. Kaya ang bagong regular election schedule ay sa Ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028. Pagkatapos nito, kada limang taon.
𝟵. 𝗣𝘂𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗸𝗯𝗼 𝘂𝗹𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟴 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗰𝘂𝗺𝗯𝗲𝗻𝘁?
Ito ang isa sa pinakamahalagang dapat linawin. Hindi sinabi ng RA 12326 na lahat ng incumbent ay automatic na puwedeng tumakbo muli sa 2028. May term limits pa rin.
𝟭𝟬. 𝗣𝘂𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗸𝗯𝗼 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗰𝘂𝗺𝗯𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱-𝘁𝗲𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗻𝗮 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘂𝗹𝗶𝘁?
HINDI. Kung ang Punong Barangay o Barangay Kagawad ay may 2 consecutive terms na, hindi siya maaaring tumakbo muli sa parehong posisyon bilang Punong Barangay o Barangay Kagawad sa 2028. Ito ay dahil ang transition provision ng RA 12326 ay nagtatakda na ang karagdagang dalawang taon ng incumbent Barangay officials ay ituturing na isang completed term. Kaya ang current second-termer ay nasa kanyang last term na.
𝟭𝟭. 𝗜𝗯𝗶𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻, 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 𝗮𝘆 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗸𝗯𝗼 𝘂𝗹𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗰𝘂𝗺𝗯𝗲𝗻𝘁?
HINDI. Hindi automatic na nabigyan ng bagong term ang lahat ng incumbent. Sa katunayan, ang mga incumbent na nasa kanilang last term ay hindi na maaaring tumakbo muli sa parehong posisyon sa 2028. Kaya maling sabihin: “Pinahaba ang term para makatakbo ulit ang lahat ng incumbent.”
𝟭𝟮. 𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗰𝘂𝗿𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁-𝘁𝗲𝗿𝗺𝗲𝗿?
Ang transition provisions ng RA 12326 ay kailangang tingnan kasama ng kanyang kasalukuyang term at applicable term-limit rules. Hindi puwedeng sabihing: “Lahat ng incumbent ay puwedeng tumakbo.” Pero hindi rin tama ang: “Lahat ng incumbent ay bawal nang tumakbo.” Magkaiba ang sitwasyon ng first-termer at second-termer.
𝟭𝟯. 𝗜𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝘀?
HINDI. May term limits pa rin. Para sa Barangay officials, ang limit ay dalawang consecutive terms sa parehong posisyon. Para sa SK officials, isang term sa parehong posisyon.
𝟭𝟰. 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝟱 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗺, 𝗶𝗯𝗶𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗽𝘂𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟱 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀?
HINDI. Hindi ginawang three-term system ng RA 12326 ang Barangay. Malinaw: 2 consecutive terms lamang ang maximum sa parehong posisyon. Kaya 5 years + 5 years = 10 years.
𝟭𝟱. “𝗧𝗵𝗿𝗲𝗲-𝘆𝗲𝗮𝗿 𝘁𝗲𝗿𝗺 𝗶𝘀 𝗮 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀.” 𝗧𝗮𝗺𝗮 𝗯𝗮?
HINDI. Hindi iyon ang nakasulat sa Constitution. Ang Constitution mismo ang nag-exempt sa Barangay officials sa general three-year rule ng ibang elected officials. Ang nakalagay: “except barangay officials, which shall be determined by law.” Kaya hindi tama na sabihing ang 3-year term ng Barangay officials ay directly fixed by the Constitution.
𝟭𝟲. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝟰 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗼 𝟱 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀?
HINDI. Para sa Barangay officials, itinalaga mismo ng Constitution sa Congress ang pagtatakda ng kanilang term. Kaya maaaring magpasa ang Congress ng batas na nagtatakda ng term. Ito rin ang mahalagang constitutional point na tinalakay ng Supreme Court sa RA 12232 case.
𝟭𝟳. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 “𝗻𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝘄” 𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁 𝘁𝗼 𝘃𝗼𝘁𝗲?
HINDI. Hindi nito inalis ang right to vote. May regular Barangay at SK elections pa rin. Ang binago ng batas ay ang term of office at election schedule. Sa ilalim ng bagong schedule, ang regular BSKE ay sa November 2028, at kada limang taon pagkatapos nito.
𝟭𝟴. “𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗺𝗼𝗰𝗿𝗮𝗰𝘆.” 𝗧𝗮𝗺𝗮 𝗯𝗮?
Mahalaga ang election sa democracy. Pero hindi naman inalis ng RA 12326 ang election. Ang ginawa nito ay magtakda ng bagong regular election cycle: 2028 at every 5 years thereafter.
𝟭𝟵. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗦𝗞𝗘 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟮𝟯𝟮?
HINDI. Ang RA 12326 ay mismong nag-amiyenda sa RA 12232. Kaya ang bagong schedule sa ilalim ng RA 12326 ay: Second Monday of November 2028.
𝟮𝟬. 𝗠𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗽𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁 𝗽𝗿𝗲𝗰𝗲𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗯𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲?
OO. Noong 2025, sa ruling tungkol sa RA 12232, pinagtibay ng Supreme Court ang batas at kinilala ang constitutional authority ng Congress na magtakda ng term ng Barangay officials. Mahalaga rin ang distinction na ginawa ng Court sa pagitan ng term-setting legislation at simpleng postponement. Pero hindi ibig sabihin nito na automatic nang constitutional ang RA 12326, pero mahalaga itong precedent sa constitutional analysis.
𝟮𝟭. 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗵𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟭𝟵𝟯𝟱 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝗻𝗲𝗸𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗻𝗰𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹?
HINDI. Ang RA 11935 ay isang postponement law para sa 2022 BSKE. Ang RA 12326 naman ay nag-amiyenda sa RA 12232 at nagtakda ng: 5-year term, bagong election cycle, transition provisions, at term-limit rules. Kaya hindi sapat na sabihin: “Pareho silang nagpapaliban, kaya pareho silang unconstitutional.” Kailangang tingnan ang mismong legal structure ng bawat batas.
𝟮𝟮. 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗿𝗺𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼, 𝗮𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲?
HINDI. Ang isang batas ay maaaring maging enacted law kapag kumpleto na ang legislative at executive process. Pero ang constitutionality ng isang batas ay maaaring hamunin sa korte. At kung nasa Supreme Court ang constitutional question, Supreme Court ang may final decision.
𝟮𝟯. 𝗣𝘂𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮 “𝗮𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰 𝘂𝗻𝗰𝗼𝗻𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹” 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲?
HINDI. Mayroong constitutional basis ang RA 12326 at sumusuportang Supreme Court precedent: Article X, Section 8 ng Constitution, at ang 2025 SC ruling sa RA 12232.
𝟮𝟰. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼𝘁 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗰𝘂𝗺𝗯𝗲𝗻𝘁 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗲𝗿𝗶𝗼𝗱?
OO. Ang dagdag na panahon sa serbisyo ay hindi immunity. Patuloy na maaaring magkaroon ng:
administrative cases, civil cases, criminal cases, investigations, at iba pang legal liabilities. Ang incumbent ay patuloy na accountable sa batas habang nanunungkulan.
𝟮𝟱. 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗥𝗔 𝟭𝟮𝟯𝟮𝟲?
Ganito lang kasimple:
• ANG CONSTITUTION MISMO ANG NAGSASABI NA ANG TERM NG BARANGAY OFFICIALS AY “SHALL BE DETERMINED BY LAW.”
• RA 12326: 5-YEAR TERM
• NEXT BSKE: NOVEMBER 2028 | AFTER THAT, EVERY 5 YEARS
• HINDI LAHAT NG INCUMBENT AY PUWEDENG TUMAKBO SA 2028.
• ANG CURRENT SECOND-TERMER AT THIRD-TERMER AY HINDI NA PUWEDENG TUMAKBO MULI SA PAREHONG POSISYON SA 2028
Kaya bago sabihing: “Unconstitutional ito dahil postponement lang.” o “Pinahaba lang ang termino para makatakbo ulit ang mga incumbent.”
Mas mabuting basahin muna ang RA 12326 mismo, ang RA 12232 na inamyendahan nito, Article X, Section 8 ng Constitution, at ang Supreme Court ruling sa RA 12232.
Maraming salamat po!