23/10/2026
Matagumpay na nalinis ang ilog sa may palengke ng ating barangay. Ngunit ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng basurang naalis, kundi sa kung paano natin mapangangalagaan ang kalinisan nito.
Kaya naman, mariin ngunit buong-pusong nakikiusap ang ating barangay sa lahat: 𝗜𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚.
Maging disiplinado at responsable. Huwag nating hintaying mapuno muli ng basura ang ating ilog bago natin pahalagahan ang kalinisan nito.
𝑨𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔 𝒏𝒂 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒔𝒊𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒅𝒊𝒔𝒊𝒑𝒍𝒊𝒏𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏. 🫂🌱