02/11/2026
MAS MATIBAY NA SERBISYO, MAS PRODUKTIBONG KABATAAN, MAS AKTIBONG PAMUMUNO PARA SA KABATAANG CAINGEÑO! 💙✨
Ngayong araw sana ang bagong halalan para sa mga kawani ng Barangay at mga bagong lider ng Sangguniang Kabataan. Ngunit sa bisa ng ipinatupad na extension ng termino, ang kasalukuyang Sangguniang Kabataan ng Barangay Caingin ay magpapatuloy sa paglilingkod hanggang 2028.
Ang patuloy na serbisyong ito ay hindi lamang karagdagang panahon, kundi isang panibagong pagkakataon upang mas pag-ibayuhin ang aming tungkulin, palawakin ang mga oportunidad, at maisakatuparan ang mga proyektong tunay na makatutulong sa bawat kabataan ng ating barangay.
Asahan ang mas produktibong pamumuno, mas makabuluhang mga proyekto, mas maraming oportunidad, at higit sa lahat, mas pusong Caingeño sa bawat serbisyong aming ihahatid. 💙
Sa bawat hamon at pagkakataon, patuloy kaming magiging katuwang ng kabataan sa pagbuo ng isang mas aktibo, mas nagkakaisa, at mas maunlad na Barangay Caingin.
Hindi man ngayon ang panahon ng bagong halalan, ang aming pangako sa paglilingkod ay patuloy na mananatili. Sama-sama nating ituloy ang mga nasimulan at abutin ang mas marami pang tagumpay para sa ating komunidad.
Serbisyo na may puso, pamumunong may paninindigan, at kinabukasang sama-samang bubuuin!
💙Sangguniang Kabataan ng Barangay Caingin
Patuloy na naglilingkod, patuloy na kumikilos, para sa bawat kabataang Caingeño!