23/10/2026
📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026
Mga ka-Barangay, tayo na at makiisa! 💚
Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Poblacion West, Calasiao, Pangasinan na dumalo sa ating Barangay Assembly Day for the 2nd Semester of CY 2026.
📅 Petsa: October 25, 2026 (Sunday)
🕓 Oras: 4:00 PM
📍 Lugar: Barangay Hall, Poblacion West
Sa temang “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad,” sama-sama nating palakasin ang partisipasyon ng bawat mamamayan tungo sa isang mas maunlad, ligtas, at nagkakaisang barangay.
Ito ang pagkakataon upang makinig, magbahagi ng mga saloobin at mungkahi, at makiisa sa mga usaping mahalaga sa ating komunidad.
Ang bawat tinig ay mahalaga. Ang bawat pakikilahok ay may ambag sa pag-unlad ng ating barangay! 🤝💚
Kita-kits, mga ka-Barangay! Hinihikayat ang lahat na dumalo at makiisa.