Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas

Directions

Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas Official page of the Sangguniang Barangay ng Carlosa, Calatagan, Batangas 2023- 2025

Mula po sa aming Butihing Kapt.William Rasdas at ng buong Sanggunian pinaabaot po namin ang Taos pusong pagpapasalamat K...
27/10/2026

Mula po sa aming Butihing Kapt.William Rasdas at ng buong Sanggunian pinaabaot po namin ang Taos pusong pagpapasalamat Kay KGG.BOKALA ARMIE BAUSAS sa pagbibigay ng 15 PC's monoblock chairs para sa aming barangay, Barangay Carlosa Calatagan Batangas. Pagpalain po kayo ng maykapal!

Magandang Hapon po mga Kabarangay!Mag conduct po ang MAO ng official update of the Registry System for basic in Agricult...
12/10/2026

Magandang Hapon po mga Kabarangay!
Mag conduct po ang MAO ng official update of the Registry System for basic in Agriculture (RSBS) sa ating barangay.
Date: October 14, 2026
Time: 9:00am
Requirements:
1 photocopy valid I'd with 3 signatures
2*2 I'd photo ( taken within the last 6 months)
2 contact number na magkaiba
Venue: Brgy.Carlosa Covered Court

Pakibasa nlng po ung List ng name na mga pupunta, pakisabihan nlng din po mga kakilala ninyo nasa List. Marami po salamat

Bayanihan clean up driveMula sa ating butihing Kapitan William Rasdas at ng Sanggunian, salamat po sa mga nakiisa sa pag...
10/10/2026

Bayanihan clean up drive
Mula sa ating butihing Kapitan William Rasdas at ng Sanggunian, salamat po sa mga nakiisa sa paglilinis, sa sector ng solo parents sa pangunguna ng kabilang Pres.Jimmy Mendoza sa member ng kalipi mayeth at Rhea Medina. At sa lahat ng Functionaries, Nawa ipagpatuloy natin ang ganitong samasama gawain.muli marami po salamat!
Salamat din po sa ating Kuya Kapt Kapt.William Rasdas sa palagi nakaalalay sa ating activities,salamat po sa pa pospas, salamat din po sa mga nagaasikaso pagluluto konse Carla at tita Alamag Meddie, salamat din po sa bahay na pinaglutuan Mark Medina Rhealyn Rey Remodo Medina

ANUNSYO PARA SA MGA ACTIVE OFWs Isang magandang umaga po sa ating lahat! Inaanyayahan po ang lahat ng Active OFWs (mula ...
21/09/2026

ANUNSYO PARA SA MGA ACTIVE OFWs
Isang magandang umaga po sa ating lahat!
Inaanyayahan po ang lahat ng Active OFWs (mula taong 2023 hanggang sa kasalukuyan) na dumalo sa ating OFW Meeting.

Date: September 26,2026
Time: 1:00- 3:PM
Venue: Brgy Real Covered Court

Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa ating mga OFW at sa mga programa para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po, at magandang umaga sa ating lahat!

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Makapangyarihang Diyos!Mula po sa aming butihing KAP. Kuya Kapt William Rasdas, s...
09/09/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Makapangyarihang Diyos!
Mula po sa aming butihing KAP. Kuya Kapt William Rasdas, sa buong Sangguniang ng Barangay, kasama ng aming Pangulong Senior Citizens Association na si Catalina Del Rosario Montes, kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa ating butihing Mahal na Mayor, Kgg. Rico B. Puno, sampu ng kanyang mga kasama, sa inyong pagbibigay ng bigas para sa ating mga senior citizens.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong malasakit, kabutihan, at mga magagandang hangarin para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda. Ang inyong suporta ay malaking tulong at pagpapakita ng tunay na pagmamahal at pagkalinga sa ating mga senior citizens.
Maraming-maraming salamat po, Mayor Rico B. Puno! Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng ating Panginoon at bigyan ng lakas at karunungan sa inyong paglilingkod sa ating mga kababayan.
Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong malasakit sa aming mga senior citizens! 🙏

Isang mapagpalang araw sa ating lahat! kahit maulan ang panahon, Patuloy parin ang ating serbisyo at activities ng ating...
07/09/2026

Isang mapagpalang araw sa ating lahat! kahit maulan ang panahon, Patuloy parin ang ating serbisyo at activities ng ating barangay.
Buwanang Flag Raising Ceremony, at
Isang matagumpay na natapos na initial Inventory sa Ating Barangay.
Isang makabuluhang araw para sa ating barangay! Matapos ang ating Flag Raising Ceremony, matagumpay din nating naisagawa ang inventory ng mga kagamitan at ari-arian ng ating barangay.
Maraming salamat sa lahat ng mga opisyal at sa lahat ng Functionaries na nakiisa at naglaan ng oras at pagsisikap upang maging maayos at matagumpay ang gawaing ito. Ang pagkakaisa, katapatan, at maayos na pangangasiwa ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala at serbisyo para sa ating mga kabarangay.
Sama-sama para sa isang maayos, responsable, at progresibong Barangay Carlosa!

Isang mapagpalang araw po, mga Kabarangay! 🙏Isa na naman po tayong pinagpala na masaksihan ang pagsasaayos ng ating daan...
25/08/2026

Isang mapagpalang araw po, mga Kabarangay! 🙏
Isa na naman po tayong pinagpala na masaksihan ang pagsasaayos ng ating daan sa Sitio Malunggayan. Maraming salamat po sa ating masipag at mabait na Kapitan William Rasdas, kasama ang buong Sangguniang Barangay, sa kanilang patuloy na paglilingkod at malasakit sa ating mga Kabarangay.
Lubos din po ang ating pasasalamat sa ating masipag at mabait na Mayor Hon. Rico Puno sa walang-sawang pagtugon sa mga kahilingan ng ating Kapitan para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating barangay.
Tunay na ramdam po namin ang inyong malasakit sa inyong mga nasasakupan. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at bigyan ng lakas at karunungan sa inyong paglilingkod. 🙏❤️
Maraming salamat po at mabuhay ang ating Barangay!

PAGHAHANDA PARA SA KALIGTASAN NG ATING MGA KABARANGAYIsinagawa ang isang mahalagang pagpupulong bilang paghahanda sa ina...
08/08/2026

PAGHAHANDA PARA SA KALIGTASAN NG ATING MGA KABARANGAY

Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong bilang paghahanda sa inaasahang malalakas na pag-ulan at iba pang posibleng epekto nito sa ating barangay. Layunin ng paghahandang ito na matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha, pagguho, at mga punong maaaring bumagsak o makasagabal sa mga daanan.

Sa pangunguna ng ating Butihing Kapitan William M. Rasdas, taos-pusong nagpapasalamat ang buong Barangay Carlosa sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas upang bisitahin at kumustahin ang ating mga kabarangay. Isinagawa rin ang kinakailangang pagpuputol o paglilinis sa mga punongkahoy at sanga na maaaring maging panganib o makasagabal sa mga daan, bilang bahagi ng ating patuloy na paghahanda at pag-iwas sa sakuna.

Ang inyong presensya, serbisyo, at malasakit ay tunay na nagpapakita na ang kaligtasan ng bawat mamamayan ay sama-samang responsibilidad. Sa panahon ng kalamidad, higit nating kailangan ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagiging alerto.

Maraming salamat sa lahat ng ating mga katuwang sa barangay na patuloy na handang tumugon at maglingkod.

🙏 Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal ng karunungan, lakas ng katawan, at higit sa lahat, kaligtasan upang patuloy nating magampanan nang buong puso ang ating tungkulin sa paglilingkod at pag-aalaga sa ating mga mamamayan.

Magkaisa, maging handa, at unahin ang kaligtasan.Barangay Carlosa — Sama-sama para sa ligtas at handang pamayanan!

Mula po sa ating Butihing Kapitan William Rasdas at ng Sanggunian brgy Carlosa ay Nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at ...
02/08/2026

Mula po sa ating Butihing Kapitan William Rasdas at ng Sanggunian brgy Carlosa ay Nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa isinagawang paglilinis at pagsasaayos sa Sitio Malunggayan.
Ang inyong pakikiisa, oras, at pagtutulungan ay malaking ambag upang mapanatiling ligtas at maayos ang daanan para sa lahat ng mga commuters, motorista, at mga dumaraan sa ating lugar.
Ang ganitong diwa ng pagkakaisa at bayanihan ay patunay na sa sama-samang pagkilos, mas marami tayong magagawa para sa ikabubuti ng ating komunidad.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Nawa'y ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para sa isang mas ligtas, malinis, at maayos na Barangay Carlosa.

Una sa lahat Isang pagpapasalamat at pagpupuri sa ating Amang Diyos sa Kanyang pagmamahal sa bawat Isa saatin. Mula sa a...
01/08/2026

Una sa lahat Isang pagpapasalamat at pagpupuri sa ating Amang Diyos sa Kanyang pagmamahal sa bawat Isa saatin.
Mula sa ating Ama ng Barangay at ng buong Sanggunian ,ay Taos pusong bumabati Isang mapagpalang araw at maligayang Kaarawan sa amin isa sa mabait at masipag na kagawad Carla Huertas, wish nmin palagi healthy ka at ng iyong Anak. Enjoy ur Day!

Address

SITIO TOROSO
Calatagan
4215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Carlosa - Calatagan, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services