Pahayagang Kampilan

Directions

Pahayagang Kampilan Pahayagang Filipino ng paaralang M.B. Asistio Sr. High School - Unit I

𝐄𝐃𝐈𝐓𝐎𝐑𝐘𝐀𝐋𝙉𝘼𝙆𝘼𝙆𝘼𝙇𝙐𝙉𝙊𝘿 𝙉𝘼 𝙁𝙇𝙊𝙊𝘿 𝘾𝙊𝙉𝙏𝙍𝙊𝙇 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙎𝘾𝘼𝙈Ni: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝒬. 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨Sa tuwing bumubuhos ang ulan, kakambal ni...
19/10/2026

𝐄𝐃𝐈𝐓𝐎𝐑𝐘𝐀𝐋

𝙉𝘼𝙆𝘼𝙆𝘼𝙇𝙐𝙉𝙊𝘿 𝙉𝘼 𝙁𝙇𝙊𝙊𝘿 𝘾𝙊𝙉𝙏𝙍𝙊𝙇 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙎𝘾𝘼𝙈
Ni: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝒬. 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨

Sa tuwing bumubuhos ang ulan, kakambal nito ang patuloy at mabilis na pagtaas ng tubig sa ating paligid.

Ito ang nagpapaalala sa atin na may proyekto naman para sa flood control, pero nasan?
Nasaan ang pondo?
Saan nga ba nakarating ang programa ng flood control ng gobyerno?

Taun-taon kasama sa pondo ng Department of Public Work and Highways (DPWH) ang pondo para sa mga proyekto para sa flood control.

Maraming proyekto sa ibat' ibang lungsod at probinsya na may tinatayang P118 bilyon ang nawaldas sa mga 'ghost projects' na nakalaan sana sa proteksyon natin sa baha.

Ang solusyon sana na proyekto na inaasahan ng mga Pilipino ang siya pang nagdudulot ng problema sa bansa.

Dahil sa mga ganid, magnanakaw, at walang pusong mga pulitiko at kontratista na halatang nagkaroon mg sabwatan.

Pero nasaan na nga ba ang mga dapat managot sa mga proyectong flood control?

Habang nalulunod ang mga Pilipino sa baha; malayang namang nagpapakasasa ang mga buwaya sa kaban ng bayan.

Dapat magsumikap pa nang lubusan ang pamahalaan upang papanagutin ang mga nangulimbat.

Pabilisin ang pagsusuri dahil sa bawat pagbaha maaaring isang buhay ang lumubog at maasayang.

Kawawa ang mga mamamayang nagdurusa sa kanilamg ninanakaw na salapi; kailangang tapusin na ang kagahaman ng mga dapat managot.

Guhit ni: 𝐌𝐢𝐫𝐚𝐧𝐚 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐦𝐚

𝐉𝐀𝐆𝐔𝐀𝐑𝐒 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐒, 𝐊𝐀𝐌𝐏𝐄𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋! 𝐊𝐖𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐍𝐂𝐑 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐀𝐒Itinanghal na kampeon ang Jaguar Futsal Girls ng M.B...
19/10/2026

𝐉𝐀𝐆𝐔𝐀𝐑𝐒 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐒, 𝐊𝐀𝐌𝐏𝐄𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋! 𝐊𝐖𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎 𝐒𝐀 𝐍𝐂𝐑 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐓𝐀𝐒

Itinanghal na kampeon ang Jaguar Futsal Girls ng M.B. Asistio Sr. High School - Unit 1 (MBASHS-Unit 1) matapos tambakan ang Tandang Sora Integrated School (TSIS) sa iskor na 6-0 sa pinal kahapon, Oktubre 18, na ginanap sa Caloocan High School. Dahil dito, aarangkada ang koponan bilang kinatawan ng Lungsod Kalookan sa Pambansang Rehiyunal na antas.

Sa pagsisimula ng ikalaawang araw ng Division Meet, namayagpag pa rin ang MBASHS 1 sa Caloocan High School (CHS) sa liyamado na iskor na 4-0.

Bunga ng kanilang galing, pagkakaisa, at determinasyon, nakapasok ang Jaguars sa pinal na gaganapin sa Oktubre 18. Pinatunayan ng JFG na mula sa simula hanggang sa huling bahagi ng kanilang laro na tunay ang kanilang ipinamalas na bagsik sa pag-atake at tibay sa depensa.

Sa paghaharap ng kapwa panalo ng mga naunang laban. Nagharap na ang kapwa panalo MBASHS-1 kontra TSIS. Sa buong kompetisyon, hindi na binigyan ng MBASHS-1 ng tsansa ang TSIS na makapuntos at tuluyang inilampaso ito sa liyamadong iskor na 6-0.

Nagtapos sa isang malinis na panalo ang laban sa pinal at matagumpay na pag-angkin sa kampeonato.

Sa kanilang pagkakampeon, pinatunayan ng Jaguars na mahalaga sa pagkamit ng tagumpay ang disiplina, determinasyon, at pagkakaisa.

Bukod pa roon, nagkamit rin ng gawad ang ilang manlalaro na sina Jenny Mae Lorilla ng 11 ACAD 2 bilang Gawad Gintong Bola na pinakamahusay at mahalagang manlalaro at Gawad Gintong Sapatos na nakapuntos naman ng pinakamaraming gol at Seljane Lara Baltazar ng 12 HUMSS B ng Gawad Pinakamahusay na Depensa.

Hindi rin nagtinag ang koponan ng Jaguars Futsal Boys nang makamit ang ikalawang karangalan sa kompetisyon.

Ipinagbunyi ng mga tumunghay na kaklase, bawat manlalaro, mga tagapagsanay, at Paaralan ang tagumpay na kanilang nakamtan.

Naghahanda nang muli ang JFG para sa darating na Pambansang Rehiyunal na antas na kompetisyon na gaganapin sa Lungsod Valenzuela sa Disyembre 3.

Pagsulat ng balitang isports: Edrian C. Odtojan
Pagkuha ng mga Larawan: Prince Zaijan S. Villasor

𝐉𝐀𝐆𝐔𝐀𝐑𝐒 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐒, 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐒!Tinambakan ng Jaguars Futsal Girls (JFG) ng M.B. Asistio Sr. High School-Uni...
19/10/2026

𝐉𝐀𝐆𝐔𝐀𝐑𝐒 𝐅𝐔𝐓𝐒𝐀𝐋 𝐆𝐈𝐑𝐋𝐒, 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐓𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋𝐒!

Tinambakan ng Jaguars Futsal Girls (JFG) ng M.B. Asistio Sr. High School-Unit 1 (MBASHS-1) sa iskor 10-0 ang Tandang Sora Integrated School (TSIS) na naganap sa unang araw ng Divisiopn Meet, noong Oktubre 17 sa Caloocan High School.

Simula pa lamang ng bakbakan sa unang set, dominado na ang MBASHS 1 sa TSIS sa iskor na 10-0, dahilan upang masungkit ang maagang kalamangan sa torneo at makapasok sa pinal na laro.

Ipinamalas ng koponan ng JFG ang tikas at determinasyon matapos makuha ang sunod-sunod na panalo sa kompetisyon kontra TSIS. .

Sa ikalawang set naman, muling nagpakitang-gilas ang MBASHS-1 matapos tambakan ang Bagong Barrio National High School (BBNHS) sa iskor na 8-0, bunsod ng maayos na opensa at matibay na depensa.

Natapos ang unang araw ng Division Meet bitbit ang tagumpay.

Pagsulat ng balitang isports: Edrian C. Odtojan
Pagkuha ng mga Larawan: Prince Zaijan S. Villasor

𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗖𝗮𝗹𝗼𝗼𝗰𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗲𝗿𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹LUNGSOD KALOOKAN — Ipinakilala ng Public Empl...
16/10/2026

𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗖𝗮𝗹𝗼𝗼𝗰𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗲𝗿𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹

LUNGSOD KALOOKAN — Ipinakilala ng Public Employment Service Department (PESD), na kilala rin bilang PESO Caloocan, ang mga serbisyo at programang pangkabuhayan nito sa isinagawang Career Guidance para sa mga mag-aaral sa Baitang 10 ng MBASHS UNIT-1.

Bilang tanggapan ng lokal na pamahalaan, layunin ng PESO Caloocan na tulungan ang mga mamamayan na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad sa empleyo at libreng pagsasanay.

Unang tinalakay ni Anne Camille Arandia ang mga serbisyo ng PESO, mga benepisyaryo nito, at mga training center na maaaring lapitan ng mga mamamayan upang mapaunlad ang kanilang mga kasanayan.

Samantala, hinikayat ni Jaycel Riego de Dios ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang pananaw tungkol sa pagiging isang Batang Kankaloo bago talakayin ang mga katangian at hamong kaakibat ng pagtupad sa kanilang mga pangarap.

Ipinakilala rin sa mga mag-aaral ang iba't ibang programa at serbisyong iniaalok ng lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa edukasyon, kalusugan, palakasan, at trabaho. Kabilang dito ang Caloocan Connect Workshop Activities, mga programa sa akreditasyon, at mga serbisyong pangkalusugan ng Caloocan City Health Department.

Bilang bahagi ng programa, nagpalabas naman si Via Agreda ng isang video na naglalaman ng mga programa, oportunidad sa karera, at mga pangunahing asignaturang maaaring piliin sa Senior High School. Nagbigay rin ito ng mga gabay upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng kursong at karerang naaayon sa kanilang interes at kakayahan.

Nagtapos ang programa sa isang bukas na talakayan o open forum, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong at humingi ng karagdagang impormasyon mula sa mga panauhing tagapagsalita.

Isa sa mga naging tanong ng mga mag-aaral ay kung paano matutulungan ng PESO Caloocan ang mga mag-aaral na walang sapat na kakayahang pinansyal.

Ayon sa kanila, mas paiigtingin pa nila ang paghihikayat at paggabay sa mga mag-aaral dahil layunin ng nasabing programa ang mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan nang libre at pantay, at upang matulungan ang mga mag-aaral na tuklasin ang karerang para sa kanila.

Isinulat n : Allyssa A. Aguaviva
Larawan nina: MRR & WA

𝐁𝐔𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐑𝐃!𝐌𝐁𝐀𝐒𝐇𝐒-𝐔𝐧𝐢𝐭 𝟭,  𝐡𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐚𝐫𝐝; 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐫𝐨 𝐧𝐚𝐠-𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐠 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐊𝐚𝐥𝐨𝐨𝐤𝐚𝐧 -Humataw sa larangan...
11/10/2026

𝐁𝐔𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐑𝐃!
𝐌𝐁𝐀𝐒𝐇𝐒-𝐔𝐧𝐢𝐭 𝟭, 𝐡𝐮𝐦𝐚𝐭𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐥𝐥𝐢𝐚𝐫𝐝;
𝐁𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐫𝐨 𝐧𝐚𝐠-𝐮𝐰𝐢 𝐧𝐠 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆

𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐊𝐚𝐥𝐨𝐨𝐤𝐚𝐧 -Humataw sa larangan ng bilyar ang mga manlalaro ng M. B. Asistio Sr. High School - Unit I (MBASHS-Unit 1) matapos makapag-uwi ng mga tansong medalya sa 𝐂𝐀𝐏𝐒𝐒𝐀𝐀 𝐌𝐞𝐞𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔 na ginanap sa Caloocan High School.

Sa 9-ball, nakamit ni 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐍𝐚𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐕. 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐬𝐢 ang tansong medalya matapos makipagsabayan sa mga manlalaro mula sa iba't ibang paaralan - muli siyang nagpakitang-gilas sa 8-ball matapos masungkit ang isa pang tanso.

Samantala, nagdagdag din ng medalya para sa MBASHS - Unit I si 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐋𝐨𝐫𝐞𝐧𝐳 𝐌. 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐫𝐨, na nakamit ang tanso sa 8-ball.

Ipinakita ng dalawang manlalaro ang kanilang husay, tiyaga, at konsentrasyon sa bawat tira.

Sa pangunguna ng kanilang tagapagsanay na si Ginoo Joel B. Magayaga, patuloy na ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang kakayahan sa gitna ng matinding kompetisyon.

Tatlong tansong medalya ang nagsilbing bunga ng husay at tiyaga nina Balisi at Romero, na nagbigay ng dagdag na karangalan sa MBASHS - Unit I.

Malugod na pagbati sa 𝐌𝐁𝐀𝐒𝐇𝐒-𝐔𝐧𝐢𝐭 𝟏 sa kanilang pagkapanalo sa CAPSSAA Meet 2026!

Isinulat ni: 𝐄𝐝𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐂. 𝐎𝐝𝐭𝐨𝐣𝐚𝐧
Pagwawasto ni: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝒬. 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨
Larawang ibinahagi ni: Joel Magayaga (Billiard Coach)

Pandayan ng isip, talas ng katwiran, at kislap ng katotohanan.

𝗗𝗦𝗣𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗻𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻!𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗹𝗮𝗻𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗞𝗮𝗹𝗼𝗼𝗸𝗮𝗻 - Sinimulan ang Divisions Schools Press Conferen...
11/10/2026

𝗗𝗦𝗣𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗕𝗶𝗻𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻!
𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗨𝗹𝗮𝗻

𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗞𝗮𝗹𝗼𝗼𝗸𝗮𝗻 - Sinimulan ang Divisions Schools Press Conference (DSPC) na may temang "Empowering campus Journalists to lead with Truth in the Era of A1," noong Setyembre 7, 2026, sa Tandang Sora Integrated School (TSIS).

Maaga pa lamang at alas-7 ng umaga, nagtipon-tipon na ang mga mag-aaral sa sekondarya na kalahok sa indibidwal na kategorya para sa pagpaparehistro. Sabay at naunang sumalang sa paligsahan ang Mobile Journalism (MoJo) at pagkuha ng larawan na kategorya bandang alas-10 ng umaga.

Habang nagpapatuloy ang mga naunang kategorya, sinimulan naman ang pagmamalas ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang kategorya ng mga indibidwal. Nagtapos sa itinakdang oras na ikatlo ng hapon ang lahat ng kategorya.

Binigyang-diln din ng kompetisyon ang kahalagahan ng katotohanan at responsableng pamamahayag sa gitna ng mabiis na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI) upang mapanatili ang integridad ng mga balita ibabahagi sa mamamayan.

Sa pagwawakas, napatuyan at nangibabaw pa rin ang determinasyon ng bawat isa na ipinamalas ang kanilang kasigasigan sa magiging mamamahayag.

Isinulat ni: 𝐀𝐥𝐲𝐬𝐬𝐚 𝐀. 𝐀𝐠𝐮𝐚𝐯𝐢𝐯𝐚
Larawan ni: 𝐂𝐥𝐚𝐫𝐤 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐂. 𝐌𝐚𝐛𝐚𝐣𝐞𝐧
Pagwawasto ni: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨

11/10/2026

𝐌𝐁𝐀𝐒𝐇𝐒 - 𝐔𝐧𝐢𝐭 𝟏; 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐢𝐧𝐭𝐢𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧

Umabot ng 220 hanggang 440 ang naitalang mga estudyante ng M. B. Asistio Sr. High school - Unit 1(MBASHS - UNIT 1) na pumunta sa klinika mula Hunyo hanggang Setyembre, 2026.

Ayon kay Ginoong John Alfred P. Villanueva Clinician, umaabot ng 10 hanggang 20 na mga mag-aaral ang pumupunta sa klinika sa loob lamang ng isang araw.

Ilan sa mga sakit na naitala ang pagsakit ng tiyan, pagsakit ng ulo o pagkahilo, hirap sa paghinga, mga bahagyang sugat, at ang buwanang dalaw sa mga babaeng mag-aaral.

Base sa pagsusuri, ilan sa mga posibleng dahilan ng pagkakasakit ang pagpupuyat, hindi pagkain sa tamang oras, at ang pagkabalisa.

Samantala, nag dagdag ang pamunuan ng tatlong mahahalagang alintuntunin sa loob ng klinika. Una, pinapayuhan na iwasang magkalat sa loob ng klinik. Ibalik ang mga gamit na pinahiram. Bibigyan diin naman nila na na bawal tumambay sa loob ng klinik. Gayumpaman, sisikapin ng klinika na mapunan ang pangkalusugang pagtugon sa abot na makakaya.

Hinihikayat din ang mga estudyante na alagaan ang sariling kalusugan sa pamamagitan ng pagkain sa tamang oras, sapat na tulog, at iwasan ang pagbababad sa paggamit ng gadyet gaya ng selpon.

Sa huli, kailangan padin nila sumunod sa mga alintuntunin at umiwas sa mga dahilan ng kanilang pagkakasakit upang mapanatili ang malusog na katawan kasabay ng pagpapanatili ng disiplina sa paaralan.

Isinulat ni: 𝐉𝐨𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐃. 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚
Pagwawasto ni: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨

𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗶𝗹𝗮𝗻, 𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴𝘄𝗮𝗴𝗶!𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗗𝗦𝗣𝗖LUNGSOD KALOOKAN — Pinatunayan ng mga pambato ng 𝐌.𝐁. 𝐀𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐨 𝐒𝐫. 𝐇𝐢...
11/10/2026

𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗶𝗹𝗮𝗻, 𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗴𝘄𝗮𝗴𝗶!
𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗗𝗦𝗣𝗖

LUNGSOD KALOOKAN — Pinatunayan ng mga pambato ng 𝐌.𝐁. 𝐀𝐬𝐢𝐬𝐭𝐢𝐨 𝐒𝐫. 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 - 𝐔𝐧𝐢𝐭 𝟏 ang karangalan ng kanilang paaralan matapos magpamalas ng husay sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 Secondary Category. Pinangunahan ng Escuela de Sophia of Caloocan, Inc. ang pinagdausan sa engrandeng seremonya ng parangal noong Setyembre 19, 2026.

Nagpakitang-gilas ang mga kabataang mamamahayag mula sa 𝐏𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐩𝐢𝐥𝐚𝐧 sa iba't ibang kategorya ng patimpalak.

Muling pinatunayan ang galing ng mga nagwagi noong 2025 nang muli nilang masungkit ang mga puwesto sa taong 2026.

Pinangunahan ito nila 𝐂𝐥𝐚𝐫𝐤 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐂. 𝐌𝐚𝐛𝐚𝐣𝐞𝐧 na umangkin sa ika-5 na puwesto sa Pagkuha ng Larawan, 𝐀𝐥𝐲𝐬𝐬𝐚 𝐀. 𝐀𝐠𝐮𝐚𝐯𝐢𝐯𝐚 na nagwagi ng ika-6 na puwesto sa pagsulat ng balita, at 𝐄𝐝𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐂. 𝐎𝐝𝐭𝐨𝐣𝐚𝐧 na nag-uwi ng ika-8 na puwesto sa pagsulat ng balitang isports.

Pinanday ng dedikasyon at gabay ng mga Tagapayo sa Pamamahayag na sina Lovely H. Barrete at Edna Lyn G. Sabilona ang tagumpay ng mga mag-aaral. Nagbuhos din ng suporta ang pamunuan ng paaralan sa pamumuno ni Benjamin M. Molina II (Puno, MBASHS-Unit 1) at Cristina V. Gregorio (Puno, Kagawaran ng Filipino) upang itaguyod ang mataas na pamantayan ng pamamahayag pangkampus sa SDO Caloocan.

Taus-pusong pasasalamat rin sa mga magulang na walang sawang sumuporta sa kani-kanilang anak, sa mga lumahok na mag-aaral, at mga sponsor.

Pagbati mula sa Pahayagan ng Kampilan at MBASHS-Unit 1.

Isinulat ni: 𝐀𝐥𝐲𝐬𝐬𝐚 𝐀. 𝐀𝐠𝐮𝐚𝐯𝐢𝐯𝐚
Pagkuha ng Larawan: 𝐂𝐥𝐚𝐫𝐤 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐂. 𝐌𝐚𝐛𝐚𝐣𝐞𝐧
Pagwawasto: 𝐃𝐚𝐧𝐚 𝐍𝐲𝐬𝐡𝐲𝐤𝐚𝐡 𝒬. 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐝𝐨

Pandayan ng isip, talas ng katwiran, at kislap ng katotohanan.

03/08/2026

𝗧𝗿𝗶𝘃𝗶𝗮 𝟭:
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2024), ilan ang Katutubong Wika mayroon ang Pilipinas?


𝙄𝙉𝙏𝙍𝘼𝙈𝙐𝙍𝘼𝙇𝙎 2026, 𝙋𝙤𝙧𝙢𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘽𝙞𝙣𝙪𝙠𝙨𝙖𝙣Idinaos ang pagbubukas ng Intramurals 2026 sa MBASHS UNIT-1 nitong Enero 23, alas-11...
08/02/2026

𝙄𝙉𝙏𝙍𝘼𝙈𝙐𝙍𝘼𝙇𝙎 2026, 𝙋𝙤𝙧𝙢𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘽𝙞𝙣𝙪𝙠𝙨𝙖𝙣

Idinaos ang pagbubukas ng Intramurals 2026 sa MBASHS UNIT-1 nitong Enero 23, alas-11 ng umaga, na dinaluhan ng mga atleta, mag-aaral, at mga g**o ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa makulay na pagpaparada ng mga kalahok sa Mr. & Ms. Intramurals at mga atletang kalahok mula sa iba’t ibang baitang. Sinundan ito ng pag-awit ng Pambansang Awit sa pangunguna ni Ma’am Sullivan, g**o sa MAPEH, at ng panalangin na pinangunahan naman ni Ma’am Epino, isa ring g**o sa MAPEH.

Isinagawa rin ang pagtaas ng mga banner ng bawat baitang, kasabay ng pagsindi ng ceremonial torch na sumisimbolo sa pagkakaisa, disiplina, at diwa ng palakasan. Nagbigay ng welcome message si G. Benjamin Molina, punongg**o ng paaralan, bago isinagawa ang panunumpa ng mga atleta o oath of sportsmanship.

Nagbigay-aliw naman ang Jaguar Dance Crew sa kanilang intermission number. Ipinakilala rin ang mga muse at es**rt na nagpainit sa entablado sa pangunguna nina Sir Loro, g**o sa MAPEH, at Ma’am Magayon, g**o sa Values Education.

Nagpakitang-gilas din ang mga piling mag-aaral ng Senior High School sa kanilang Cheer Dance performance bago opisyal na inanunsyo ang mga nagwagi sa Mr. & Ms. Intramurals 2026 bilang pagtatapos ng programa.

✍️ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
📸 Kuhang larawan nina : Desmond M. Torres & WesMatthew Ido

Address

Pla-Pla Street Kaunlaran Village, Caloocan City
Caloocan
1400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahayagang Kampilan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category