MP Jaafar 'Jambo' L. Matalam

Directions Contact the organization

MP Jaafar 'Jambo' L. Matalam MP Jaafar 'Jambo' L. Matalam is the official page of MP Jaafar Apollo Mikhail L. Matalam of the Bangsamoro Transition Authority Parliament.

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!Taos-pusong pagbati kay Hon. Abdulraof A. Macacua sa kanyang pagkahalal bila...
30/10/2026

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Taos-pusong pagbati kay Hon. Abdulraof A. Macacua sa kanyang pagkahalal bilang kauna-unahang Chief Minister ng First Regular Bangsamoro Parliament.

Bilang elected Member of Parliament, buong puso akong sumusuporta sa kanyang pamumuno at sa Bangsamoro Parliament.

Congratulations, Chief Minister!

Matagumpay na naipamahagi kahapon sa ating opisina ang educational assistance para sa ating mga iskolar mula sa Ministry...
08/10/2026

Matagumpay na naipamahagi kahapon sa ating opisina ang educational assistance para sa ating mga iskolar mula sa Ministry of Science and Technology (MOST).

Nagkaroon din ng pagkakataon ang ating mga iskolar na makapagkuwentuhan at maibahagi ang kanilang mga karanasan at pangarap sa pag-aaral. Mahalaga ang ganitong mga pagkakataon upang mapakinggan ang kanilang mga pangangailangan at maiparamdam ang suporta habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang edukasyon.

Ang educational assistance ay bahagi ng patuloy na suporta para makatulong sa ating mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon.

Sa ating mga MOST Scholars, ipagpatuloy ninyo ang pagsusumikap at pag-aaral nang mabuti. Ang inyong tagumpay ay tagumpay din ng inyong pamilya, komunidad, at ng buong Bangsamoro.

Inaprubahan ng BTA Parliament nitong Martes, Oktubre 6, ang Committee Report No. 136 na tumutukoy sa Resolution No. 598 ...
08/10/2026

Inaprubahan ng BTA Parliament nitong Martes, Oktubre 6, ang Committee Report No. 136 na tumutukoy sa Resolution No. 598 ni MP Engr. Baintan Ampatuan Adil. Layunin ng resolusyon na atasan ang Ministry of Public Works (MPW) na magtatag at magpatakbo ng Quality Assurance Unit (QAU).

Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang inspeksyon, pagsusuri, at pagsubaybay sa kalidad ng mga infrastructure projects sa buong Bangsamoro, mula sa konstruksyon hanggang sa mga natapos nang proyekto.

Bilang Chairman ng Committee on Public Works, mahalaga sa atin na bawat proyekto ay dekalidad, ligtas, matibay, at sulit sa pondong bayan.

Dahil ang maayos na imprastraktura ay mahalaga sa mas ligtas na komunidad, mas maayos na koneksyon, at mas magandang serbisyo para sa bawat Bangsamoro.

Bismillahir Rahmanir Raheem.Alhamdulillah. With humility and a grateful heart, I thank Allah Subhanahu wa Ta’ala for thi...
16/09/2026

Bismillahir Rahmanir Raheem.

Alhamdulillah. With humility and a grateful heart, I thank Allah Subhanahu wa Ta’ala for this opportunity and for entrusting me with the responsibility to serve our people as a Member of the First Regular BARMM Parliament.

My deepest gratitude goes to all those who placed their trust in the Bangsamoro Federalist Party, of which I am a nominee. I am equally grateful to Chief Minister Abdulraof A. Macacua and the entire leadership and membership of the party for their confidence, guidance, and support.

I also extend my heartfelt thanks to my family for their constant prayers, love, and support.

The election is now over. The mandate has been given, and the work begins.

From this day forward, our focus must be on serving the Bangsamoro people—regardless of political affiliation or where they come from. I commit to doing my part in ensuring that government programs and essential services reach even our most far-flung communities, and that the concerns of our people are heard, represented, and acted upon.

This is not merely a victory for one person or one party. It is a responsibility entrusted to us by the people.

May Allah grant us wisdom, sincerity, strength, and guidance as we carry this responsibility. Insha’Allah, we will work together for a more peaceful, progressive, and inclusive Bangsamoro.

Shukran. Wabillahi taufiq wal hidayah.

Shukran for the trust! We take the challenge to represent your voice, hear your grievances, and bring the services that ...
16/09/2026

Shukran for the trust! We take the challenge to represent your voice, hear your grievances, and bring the services that the Bangsamoro deserves.

Alhamdulillah! Wa billahi tawfiq wal hidaya.

 , 3 days na lang, mangyayari na ang kapalaran!𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗜𝗟𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗟𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡Maingay...
11/09/2026

, 3 days na lang, mangyayari na ang kapalaran!

𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗜𝗟𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗜𝗟𝗢𝗦 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Maingay sa eleksyon ngunit walang nakikitang trabaho kapag hindi kampanya? Mas mahalaga ang mahabang rekord kaysa ilang linggong kampanya. Itanong: Ano ang ginawa nila bago sila nangailangan ng aking boto? Kung bagong pangalan, may resume ba? Mayroon bang maipagmamalaking kongkretong plano para sa Bangsamoro?

Maging botanteng may alam dahil ang boto mo ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa Bangsamoro.

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

11/09/2026

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

10/09/2026

4 days na lang, ! Handa na ba ang all?

𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Hindi sapat ang pagiging sikat, mahusay magsalita, o ingay ng tagasuporta. Ang Parliament ay nangangailangan ng mga taong marunong magsuri, makipagdebate, gumawa ng batas, at magpanagot kapag may pagkukulang o pagkakamali sa pamahalaan.

Maging botanteng may alam dahil ang boto mo ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa Bangsamoro.

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

09/09/2026

! 5 days na lang, mangyayari na ang kapalaran! Ready ka na ba?

𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗔𝗧 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦, 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥

Ang sectoral representation ay hindi titulo. Hindi ito entitlement. Hanapin ang may karanasan, malasakit at napatunayang adbokasiya para sa sektor na kanyang kinakatawan. May tamang kakayahan ba para maging mambabatas? May access ba sa sektor na kinakatawan upang makinig, makipagdiskurso at magpatupad ng mga programa?

Maging botanteng may alam dahil ang boto mo ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa Bangsamoro.

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

IBOTO!🔵 4. BFPPartido Para sa Bangsamoro ! 9 days na lang, boboto ka na ng mga magiging representatives o miyembro ng Ba...
05/09/2026

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

! 9 days na lang, boboto ka na ng mga magiging representatives o miyembro ng Bangsamoro Parliament. Handa ka na ba? Nai-research mo na ba ang mga kandidato mo?

𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟

Kung may napupusuan kang kandidato, alamin ang kanilang karanasan, kakayahan, integridad, at nagawa bago sila iboto. Ano ang mga serbisyong naitatag nila sa Bangsamoro? Ano ang mga programang ipininapangako o iminumungkahi nila? May kakayahan ba silang gawin ang mga pangakong ito? May resibo ba?

Maging botanteng may alam dahil ang boto mo ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa Bangsamoro.

! 9 days na lang, boboto ka na ng mga magiging representatives o miyembro ng Bangsamoro Parliament. Handa ka na ba? Nai-research mo na ba ang mga kandidato mo?

𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗜𝗣: 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟

Kung may napupusuan kang kandidato, alamin ang kanilang karanasan, kakayahan, integridad, at nagawa bago sila iboto. Ano ang mga serbisyong naitatag nila sa Bangsamoro? Ano ang mga programang ipininapangako o iminumungkahi nila? May kakayahan ba silang gawin ang mga pangakong ito? May resibo ba?

Maging botanteng may alam dahil ang boto mo ay hindi lamang para sa iyo, kundi para sa Bangsamoro.

IBOTO!
🔵 4. BFP
Partido Para sa Bangsamoro

Address

#51, Oblate Drive, Rosary Heights VII
Cotabato City
9600

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MP Jaafar 'Jambo' L. Matalam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MP Jaafar 'Jambo' L. Matalam:

Shortcuts

Share