05/11/2026
SOUNDBITE | Binigyang-diin ni Myrna J. Angot, officer-in-charge ng Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR), ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakuna na aniya ay nagsisimula sa bawat indibidwal at pamilya.
Ayon kay Angot, mahalaga ang family preparedness at ang patuloy na pagpapalakas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng disaster risk reduction and management education sa mga paaralan upang maging handa ang mga komunidad sa oras ng emerhensiya.
Sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) Huwebes, November 5, sa Cotabato City, ibinahagi rin Angot na mahalagang patuloy na napag-uusapan at naipapaalala sa publiko ang mga wastong hakbang at dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang sakuna.
Aniya, sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng mga earthquake drill at information campaigns, mas naitatatak sa kamalayan ng mamamayan ang kahalagahan ng kahandaan, mabilis na pagtugon, at tamang pagdedesisyon na maaaring makapagligtas ng buhay sa panahon ng kalamidad.