12/11/2026
MAS MALAPIT NA SERBISYO, MAS MALAWAK NA PAGLILINGKOD NG SOUTHERN MINDANAO SATELLITE OFFICE
Sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte, nagkaroon ang Office of the Vice President (OVP) ng Satellite Offices upang higit na maipalapit ang mga programa at serbisyo ng OVP sa mga nangangailangan sa rehiyon.
Patuloy na naglilingkod ang mga Satellite Offices upang isulong ang mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan at kapakanan ng mga komunidad, tulad ng Mag Negosyo Ta 'Day (MTD) para sa livelihood assistance, PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign, Libreng Sakay, Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies o R.I.I.C.E, Kalusugan Food Truck, Disaster Relief Operations, at pamamahagi ng wheelchairs at Janazah Kits bilang suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
Ating tunghayan ang paghahatid ng serbisyo ng OVP - Southern Mindanao Satellite Office sa mga nagdaang taon.
Mahalin natin ang Pilipinas!