23/10/2026
🌿💚 TARA NA, KA-MABINI! SABAY-SABAY TAYONG MAGLINIS! 💚🌿
Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super El Niño, inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Barangay Mabini na makiisa sa ating RIVER CLEAN-UP DRIVE bukas, October 24, 2026, simula alas-5:00 ng umaga (5:00 AM onwards)! 🧹🌱
Sa gitna ng banta ng matinding init at kakulangan sa tubig, mahalagang pangalagaan natin ang ating kapaligiran at panatilihing malinis ang ating mga daluyan ng tubig. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, maipapakita natin ang diwa ng bayanihan at kahandaan ng ating komunidad sa mga hamon ng kalikasan.
📅 Petsa: October 24, 2026 (Saturday)
⏰ Oras: 5:00 AM onwards
📍 Area: Purok 2 Small River Site
💪 Hinihikayat ang lahat na magdala ng sako, bolo at iba pang kagamitan sa paglilinis kung mayroon.
🌏 Ang paghahanda ay nagsisimula sa pagkilos! Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran, protektahan ang ating mga likas na yaman, at palakasin ang kahandaan ng Barangay Mabini sa posibleng epekto ng Super El Niño.
🤝 Bayanihan para sa malinis na kapaligiran at handang komunidad!
Kita-kits bukas, mga ka-Mabini! 💚