Brgy. San Fabian, Echague, Isabela

Call Directions Contact the organization

Brgy. San Fabian,  Echague,  Isabela Barangay San Fabian Official page

31/10/2026
Happy Birthday to our very own Vice Governor!May God bless you with good health, happiness, and strength to continue mak...
28/10/2026

Happy Birthday to our very own Vice Governor!

May God bless you with good health, happiness, and strength to continue making a positive difference in the lives of many.

21/10/2026

Repost to Remind ALL INTERNET PROVIDERS operating within Barangay San Fabian

MAG PAALAM bago magsagawa ng daily activities within the Brgy
Mag repair man o mag install ng panibagong linya
O kung ano mang related activities kailangan Humingi ng pahintulot sa Brgy bago gumawa!

Sa mga Residente, p**i sabihan po Ang mga providers natin tungkol dito
Maaari din pong ireport kung mayroong makitang Hindi sumusunod sa protocols

Maraming salamat po

MAGKAKAIBA MAN NGUNIT IISA ANG LAYUNIN🤝Nagkaisa at nakiisa ang mga internet service provider sa isinagawang clearing ope...
14/10/2026

MAGKAKAIBA MAN NGUNIT IISA ANG LAYUNIN🤝

Nagkaisa at nakiisa ang mga internet service provider sa isinagawang clearing operation sa Barangay San Fabian upang alisin at ayusin ang mga kable na nagdudulot ng sagabal at obstruction sa ating mga kalsada at pampublikong lugar.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng barangay na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kalinisan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa mga internet provider sa kanilang p**ikiisa, kooperasyon, at suporta sa gawaing ito.

PLDT
CONVERGE
DRAGOOS
UBLINK
BMB
ECHAGUE CABLE

Tunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, mas nagiging ligtas at maayos ang ating barangay.

Sama-sama para sa mas ligtas, malinis, at maayos na Barangay San Fabian! 💙


💙

Bayanihan ng mga residente ng Gawad Kalinga at Core Shelter!💙Sa  pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit ...
11/10/2026

Bayanihan ng mga residente ng Gawad Kalinga at Core Shelter!💙
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit sa ating komunidad, makakamit natin ang isang malinis, maayos, at magandang kapaligiran para sa lahat.

👏 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa ikagaganda ng ating barangay!💙

Nagsagawa rin ang ating mga masisipag na Sangguniang Kabataan (SK) ng kanilang Clean-Up Drive bilang p**ikiisa sa pagpap...
10/10/2026

Nagsagawa rin ang ating mga masisipag na Sangguniang Kabataan (SK) ng kanilang Clean-Up Drive bilang p**ikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating barangay.
Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang ating barangay.

Tandaan, ang malinis na kapaligiran ay responsibilidad ng bawat isa! 💙

Tapat ko, Linis ko💙Matagumpay na isinagawa ng mga residente ng Purok 1 ang kanilang lingguhang Clean-Up Drive bilang bah...
10/10/2026

Tapat ko, Linis ko💙

Matagumpay na isinagawa ng mga residente ng Purok 1 ang kanilang lingguhang Clean-Up Drive bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa ikagaganda ng ating purok. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mapapanatili natin ang isang malinis, ligtas, at malusog na pamayanan.

Tandaan: Ang kalinisan ay responsibilidad ng bawat isa! Sama-sama para sa mas malinis at maunlad na Barangay San Fabian! 💙💙💙

Nagkaisa ang bawat purok ng Barangay San Fabian sa pagsasagawa ng clean-up drive para mapanatili ang kalinisan, kaayusan...
03/10/2026

Nagkaisa ang bawat purok ng Barangay San Fabian sa pagsasagawa ng clean-up drive para mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating kapaligiran.

Sama-sama at sabay-sabay na naglinis ang ating mga residente, purok leaders, at barangay officials bilang pagpap**ita ng bayanihan at pagmamalasakit sa ating barangay.

💙

02/10/2026

📢 ATTENTION: ALL INTERNET PROVIDERS & INSTALLERS!

Bago magsagawa ng ANY installation, repair, maintenance, reconnection, transfer, o paglalagay ng bagong internet cable sa loob ng Barangay San Fabian, MAGPAALAM AT MAG-COORDINATE MUNA SA BARANGAY OFFICE.

📌 NO COORDINATION, NO PROCEED.

Mahalaga ito upang ma-monitor ng Barangay kung sino ang nagsasagawa ng cable works, lalo na kung may madidisconnect o masisirang Barangay CCTV at iba pang pasilidad.

👨‍👩‍👧 PARA SA MGA RESIDENTE:
Kung magpapakabit o magpapagawa kayo ng internet, tulungan natin ang Barangay! I-report muna sa Barangay Office at tanungin ang installer kung nakapag-coordinate na sila sa Barangay.

🤝 Kayo ang katuwang namin sa pag-monitor!

Para sa maayos, ligtas at organisadong internet cable installation sa Barangay San Fabian.

01/10/2026

PANAWAGAN SA LAHAT NG MAY-ARI AT NAG-AALAGA NG KAMBING

Pinapaalalahanan po ang lahat ng may-ari at nag-aalaga ng KAMBING sa ating barangay na siguraduhing nahuhuli at maayos na nakatali ang kanilang mga kambing upang hindi ito gumala sa mga kalsada, pampublikong lugar, at pribadong ari-arian.

Ang pagpapabaya sa mga alagang kambing ay maaaring magdulot ng abala, aksidente, pagkasira ng mga halaman at gulayan o ari-arian, at iba pang hindi pagkakaunawaan sa mga residente.

🙏 Makiisa at makipagtulungan po tayo. Responsibilidad ng bawat may-ari na pangalagaan at panatilihing kontrolado ang kanilang mga alagang hayop.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at p**ikiisa para sa kaligtasan at kaayusan ng ating barangay.

— Barangay San Fabian

Address

Echague

Telephone

+639167788492

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. San Fabian, Echague, Isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. San Fabian, Echague, Isabela:

Shortcuts

Share