16/10/2026
🚨 PAALALA PARA SA MGA TRUCK OPERATOR AT DRIVER
Isang dump truck ang namataang nagkalat ng lupa sa intersection ng San Juan–Tejero Bypass Road, malapit sa Robinsons General Trias, at sa mga kalsadang dinaanan nito dahil sa hindi maayos na pagkakasara ng tailgate.
Ang ganitong kapabayaan ay maaaring magdulot ng aksidente, panganib sa mga motorista, at abala sa daloy ng trapiko.
PAALALA: Bago bumiyahe, tiyaking maayos at ligtas ang pagkakasara ng tailgate at pagkakakarga ng mga materyales. Takpan ang karga kung kinakailangan at siguraduhing walang matapon o mahulog sa kalsada habang bumibiyahe.
BABALA: Ang sinumang mapatunayang responsable sa ganitong paglabag ay maaaring patawan ng karampatang parusa alinsunod sa umiiral na mga batas at ordinansa.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagtukoy sa operator ng nasabing truck na may plakang NBT 2385, upang mapanagot sa insidente.