28/10/2026
💙❤️ MATAGUMPAY AT MAAYOS NA PAGTATAPOS NG BARANGAY ASSEMBLY! ❤️💙
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Malisenyong nakiisa at dumalo sa ating Barangay Assembly. Ang inyong pakikilahok, suporta, at mga mungkahi ay mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Maraming salamat din sa ating mga opisyal at kawani ng Barangay Malis sa kanilang sama-samang pagsisikap upang maging maayos at matagumpay ang pagtitipong ito.
Sa pagkakaisa at bayanihan, sama-sama nating makakamit ang mas maunlad na Barangay Malis! 🤝🇵🇭