30/10/2026
October 30, 2026 l MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER CY 2026!
Matagumpay na isinagawa ng Barangay Poblacion, Kabacan, Cotabato ang Barangay Assembly Day for the 2nd Semester of CY 2026 ngayong Oktubre 30, 2026, sa Municipal Gym, Kabacan, Cotabato.
Dinaluhan ang aktibidad nina Ms. Sadria S. Paglala, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO); Mr. Latip E. Akmad, Acting Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO); PEMS Rowena Licudo ng Kabacan Municipal Police Station (PNP); at FO1 Jamid Jasper F. Cadi ng Kabacan Fire Station (BFP).
Pinangunahan ang programa ni Hon. Jeric B. Guzman, Punong Barangay, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Poblacion.
Sa pagtitipon, inilahad ang mga nagawa ng Barangay, paggamit ng pondo, mga programa at proyekto, at pagsunod sa mga batas at alituntunin ng pamahalaan.
Nagbahagi rin ng mahahalagang impormasyon ang mga kinatawan ng MDRRMO, PNP, at BFP tungkol sa paghahanda sa sakuna, kapayapaan at kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Maraming salamat sa ating mga panauhin at sa lahat ng mamamayang dumalo at nakiisa sa pagtitipong ito.
Sama-sama sa pag-unlad at patuloy na paglilingkod para sa Barangay Poblacion! 🤝