Municipal Tourism and Pikit Pasalubong Center

Directions

Municipal Tourism and Pikit Pasalubong Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Tourism and Pikit Pasalubong Center, Government Organization, Pikit National Highway, Pikit.

🛍️✨ TIKMAN, TANGKILIKIN, AT IPAGMALAKI ANG SARILING ATIN!PIKIT, COTABATO | Tuklasin ang mga natatanging produkto ng Baya...
22/10/2026

🛍️✨ TIKMAN, TANGKILIKIN, AT IPAGMALAKI ANG SARILING ATIN!

PIKIT, COTABATO | Tuklasin ang mga natatanging produkto ng Bayan ng Pikit sa Pikit Pasalubong Center – Municipal Tourism Office! 💚

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Muhyryn Sultan-Casi patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Pikit ang pagpapalago ng turismo at pagsuporta sa mga lokal na negosyante.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa One Town, One Product (OTOP), layunin nating bigyang-pansin ang mga produktong likha ng ating mga lokal na negosyante, palawakin ang kanilang oportunidad sa merkado, at higit pang isulong ang turismo at kabuhayan sa ating bayan.

Ang OTOP ay nagsisilbing tulay upang maipakilala ang mga produktong lokal sa mas malawak na komunidad at maipakita ang natatanging pagkakakilanlan ng Pikit bilang bahagi ng makulay na turismo ng Cotabato.

Bisitahin ang Pikit Pasalubong Center at suportahan ang mga produktong sariling atin! 💚

📍 Pikit Pasalubong Center
Municipal Tourism Office, LGU Pikit
Along, National Highway




LGU PIKIT, NAKIISA SA IKA-4TH MINDANAO TOURISM EXPO (MTEX) 2026! ✨🌏PIKIT, COTABATO | Aktibong nakiisa ang Lokal na Pamah...
22/10/2026

LGU PIKIT, NAKIISA SA IKA-4TH MINDANAO TOURISM EXPO (MTEX) 2026! ✨🌏

PIKIT, COTABATO | Aktibong nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Pikit, sa pangunguna ni Hon. Sultan D. Casi, sa ika-4th Mindanao Tourism Expo (MTEX) 2026 na ginanap noong Oktubre 2–4, 2026, sa Sultan Kudarat Provincial Gymnasium, Isulan, Sultan Kudarat.

Pinag-isa ng MTEX 2026 ang mga rehiyon ng Mindanao upang itampok ang mayamang pamana ng kultura, magagandang likas na tanawin, makukulay na karanasan sa turismo, at mga natatanging lokal na produkto ng isla. Nagsilbi rin itong mahalagang plataporma para sa pagpapatibay ng ugnayan at pagtutulungan tungo sa isang mas maunlad at napapanatiling industriya ng turismo.

Sa pamamagitan ng pakikilahok na ito, patuloy na isinusulong ng LGU Pikit ang pagpapakilala sa turismo, pangangalaga sa kultura, at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa lokal.




𝗣𝗶𝗸𝗶𝘁 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗹𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴, 𝗢𝗧𝗢𝗣 𝗛𝘂𝗯 𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗢𝗔 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴PIKIT, COTABATO | Isan...
22/10/2026

𝗣𝗶𝗸𝗶𝘁 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗹𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴, 𝗢𝗧𝗢𝗣 𝗛𝘂𝗯 𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗠𝗢𝗔 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴

PIKIT, COTABATO | Isang makabuluhang pagsulong para sa pagpapaunlad ng lokal na turismo at ekonomiya ang matagumpay na pagdaraos ng Relaunching ng Pikit Pasalubong Center, Launching ng One Town, One Product (OTOP) Hub, at opisyal na MOA Signing noong Setyembre 25, 2026, sa Municipal Tourism Office ng Pikit, Cotabato.

Lalong naging makahulugan ang nasabing aktibidad sa presensya at suporta ni Mayor Muhyryn D. Sultan-Casi, na patuloy na nagsusulong ng mga programang naglalayong palakasin ang mga lokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Sa pamamagitan ng kanyang dedikasyon, nabibigyang-pagkakataon ang mga lokal na negosyante na maipakilala at maitaguyod ang mga natatanging produktong gawa sa Pikit.

Dumalo rin sa okasyon ang mga kinatawan at opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Pikit, kasama sina Hon. Rodrigo Rangaban, IPMR (Indigenous Peoples Mandatory Representative) ng Sangguniang Panlalawigan, at G. Mark Nikko Manginsay, Senior Specialist mula sa DTI Province of Cotabato. Ang kanilang paglahok ay nagpapakita ng pagkakaisa at matibay na ugnayan ng pamahalaan at mga katuwang na sektor sa pagtataguyod ng kaunlaran ng bayan.

Sa pagbubukas muli ng Pasalubong Center at paglulunsad ng OTOP Hub, mas mapalalawak ang oportunidad para maipakilala, maipakita, at maitaguyod ang mga lokal na produkto ng Pikit. Inaasahang magsisilbi itong mahalagang daluyan upang masuportahan ang mga lokal na prodyuser at negosyante, mapalakas ang kanilang kabuhayan, at mahikayat ang publiko na tangkilikin ang mga produktong sariling atin.

Sama-sama nating itaguyod ang gawang-Pikit at suportahan ang mga lokal na negosyante tungo sa mas masiglang ekonomiya at mas maunlad na turismo ng bayan!




𝗟𝗚𝗨-𝗣𝗶𝗸𝗶𝘁, 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗘𝘅𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗶𝘃𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲August 31, ...
22/10/2026

𝗟𝗚𝗨-𝗣𝗶𝗸𝗶𝘁, 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗘𝘅𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗶𝘃𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲

August 31, 2026 | The Basket, Provincial Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City

Muling pinatunayan ng Lokal na Pamahalaan ng Pikit ang kahusayan at pagiging malikhain ng mga Pikiteño sa pamamagitan ng pagkamit ng iba’t ibang parangal sa Yaman ng Cotabato Travel and Trade Expo 2026, na bahagi ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival 2026 bilang paggunita sa ika-112 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Cotabato.

Nakuha ng LGU-Pikit ang 1st Place Best Booth, kasama ang mga special award na Most Visited Booth, Best Tourism Showcase, at Pioneer Hybrid Corn 100 Years Pasasalamat Awardee.

Ipinakita sa naturang expo ang mga natatanging produkto, gawang-kamay, produktong agrikultural, at iba pang yaman na ipinagmamalaki ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Cotabato. Sa pamamagitan ng pakikilahok ng LGU-Pikit, nabigyang-pansin ang mga lokal na produkto, mayamang kultura, at potensyal ng bayan sa larangan ng agrikultura, turismo, at kalakalan.

Sa pamumuno ni D. Sultan-Casi, at sa aktibong pakikiisa ng Municipal Tourism Office sa pangangasiwa ni Tourism-Officer Designate Daryl Shane Cantoy, Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Gaphor Suliek, at Local Economic, Development and Investment Officer-Designate Marjorie Agravante, matagumpay na naipamalas ng LGU-Pikit ang suporta nito sa mga lokal na magsasaka, negosyante, micro, small and medium enterprises (MSMEs), at iba pang sektor na nagtataguyod ng kabuhayan at turismo sa bayan.

Ang mga parangal na natamo ay sumasalamin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga katuwang nitong sektor sa pagsusulong ng “Yaman ng Pikit.” Higit pa rito, pinatitibay ng tagumpay na ito ang pagkakakilanlan ng Pikit bilang isang bayang may natatanging produkto, mayamang kultura, at malaking potensyal na maipagmamalaki sa buong Lalawigan ng Cotabato.




03/10/2026

Ipinresenta ng Local Government Unit of Pikit ang LGU Pikit Official Tourism Video, na naglalayong ipakilala at itampok ang natatanging ganda, kultura, kasaysayan, mga lokal na produkto, at mga destinasyong maipagmamalaki ng bayan.

Sa pamamagitan ng makabuluhang audiovisual presentation na ito, masisilayan ang kwento ng Pikit—isang bayang may mayamang kultura, masiglang komunidad, at mga yamang nararapat na makilala at mapuntahan.

Sa pangunguna ni Sultan-Casi, patuloy na isinusulong ng LGU Pikit ang mga programang nagbibigay-halaga sa kultura, turismo, kabuhayan, at pagkakakilanlan ng mga Pikiteño.

Pikit—isang bayan na may kwento, kultura, at ganda na dapat tuklasin. 💚





Address

Pikit National Highway
Pikit
9409

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Tourism and Pikit Pasalubong Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services