DepEd Tayo As-is Elementary School -Batangas

Call Directions

DepEd Tayo As-is Elementary School -Batangas Elementary School

⚜️ DISCIPLINE OF HOPE, INSTITUTION OF IMPACT, MOVEMENT OF DISTINCTION! ⚜️Sa diwa ng temang ito, ipinagdiwang ng As-is El...
01/11/2026

⚜️ DISCIPLINE OF HOPE, INSTITUTION OF IMPACT, MOVEMENT OF DISTINCTION! ⚜️

Sa diwa ng temang ito, ipinagdiwang ng As-is Elementary School ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) Investiture Ceremony 2026 noong Oktubre 30, 2026.

Ang seremonyang ito ay hindi lamang simbolo ng pagiging isang Scout, kundi simula rin ng isang makabuluhang paglalakbay tungo sa paghubog ng mga kabataang may disiplina, paninindigan, at malasakit sa kapwa.

Sa bawat panata at pangako, nawa'y manatiling buhay ang pag-asa sa kanilang mga puso, maging instrumento sila ng positibong pagbabago sa kanilang pamayanan, at maging huwaran ng kahusayan at mabuting pagkatao.

Pagbati sa ating mga bagong Boy Scouts! Nawa'y dalhin ninyo ang diwa ng Scouting saan man kayo makaratingβ€”may dangal sa pagkilos, tapang sa pagharap sa hamon, at pusong handang maglingkod.

Once a Scout, Always a Scout! Laging Handa! ⚜️

ISANG MAKABULUHANG ARAW NG PAGLILINGKOD, PAGKAKAIBIGAN, AT PAGIGING MAKABAYAN! 🌿⚜️Noong Oktubre 30, 2026, buong galak na...
01/11/2026

ISANG MAKABULUHANG ARAW NG PAGLILINGKOD, PAGKAKAIBIGAN, AT PAGIGING MAKABAYAN! 🌿⚜️

Noong Oktubre 30, 2026, buong galak na ipinagdiwang ng As-is Elementary School ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) Investiture Ceremony 2026.

Ang araw na ito ay nagsisilbing simula ng isang makabuluhang paglalakbay para sa ating mga bagong Girl Scoutsβ€”isang paglalakbay na puno ng mga aral tungkol sa disiplina, pananagutan, pagkakaisa, pamumuno, at paglilingkod sa kapwa.

Nawa'y isabuhay ng bawat batang iskawt ang mga pagpapahalaga at prinsipyong natutuhan, maging mabuting halimbawa sa paaralan at pamayanan, at patuloy na maging handang tumulong sa nangangailangan.

Binabati natin ang ating mga bagong Girl Scouts! Nawa'y patuloy kayong mamukod-tangi sa kabutihan, katapangan, at paglilingkod. πŸ’š

Laging Handa!





πŸ“’ SCHOOL ADVISORYAlinsunod sa DepEd Memorandum No. 64, s. 2026, hinihikayat ang buong komunidad ng As-is Elementary Scho...
29/10/2026

πŸ“’ SCHOOL ADVISORY

Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 64, s. 2026, hinihikayat ang buong komunidad ng As-is Elementary Schoolβ€”mga g**o, mag-aaral, magulang, at kawani ng paaralanβ€”na makiisa sa pagpapatupad ng mga hakbang sa paghahanda at pag-iingat laban sa mga posibleng epekto ng Super El NiΓ±o.

Sa pamamagitan ng wastong paghahanda, sama-samang pagkilos, at pagsunod sa mga paalala sa kaligtasan, layunin nating mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat isa habang patuloy na isinusulong ang de-kalidad na edukasyon at tuloy-tuloy na pagkatuto.

Ligtas na Paaralan, Ligtas na Mag-aaral!




FYI‼️
29/10/2026

FYI‼️

Kasabay ng ating paghahanda para sa matinding init, mahalagang tandaan na hindi automatic ang class suspension kapag may extreme heat. Ang learning setup ay iaangkop natin sa aktuwal na kondisyon sa ating lugar.

Sa suspension ng klase, may mga sitwasyong maaaring magpasya ang Local Chief Executives, habang ang school heads ay maaari ring magsuspinde lalo na kung may agarang panganib o lokal na emergency.

Memo link:
https://www.deped.gov.ph/2026/10/26/october-26-2026-dm-064-s-2026-anticipatory-action-preparedness-and-protective-measures-for-the-2026-2027-super-el-nino/

AS-IS ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA SCHOOL-BASED IMMUNIZATION PROGRAMAs-is, Laurel, Batangas β€” Nakiisa ang As-is Element...
29/10/2026

AS-IS ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA SCHOOL-BASED IMMUNIZATION PROGRAM

As-is, Laurel, Batangas β€” Nakiisa ang As-is Elementary School sa pagsasagawa ng School-Based Immunization Program noong Oktubre 28, 2026, bilang bahagi ng pagsusulong ng kalusugan, proteksiyon, at kapakanan ng bawat mag-aaral.

Binibigyang-diin ng programang ito ang kahalagahan ng pagbabakuna upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Ipinakita rin nito ang mahalagang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga katuwang sa serbisyong pangkalusugan.

Taos-pusong pasasalamat sa Rural Health Unit (RHU) Laurel, sa pangunguna ni Dr. Hazelie Diomampo, mga Barangay Health Worker (BHW), at Barangay Nutrition Scholar (BNS), sa kanilang suporta at pakikiisa sa matagumpay na pagsasagawa ng programa para sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Bakunadong Bata, Protektadong Kinabukasan! Sama-sama para sa Kalusugan ng Bawat Mag-aaral!



AS-IS ELEMENTARY SCHOOL: TAGUMPAY NA BUNGA NG PAGKAKAISA AT DEDIKASYON!  Isang makabuluhang tagumpay na naman ang nakami...
24/10/2026

AS-IS ELEMENTARY SCHOOL: TAGUMPAY NA BUNGA NG PAGKAKAISA AT DEDIKASYON!


Isang makabuluhang tagumpay na naman ang nakamit ng As-is Elementary School! Ang pagkilala at mga parangal na natanggap ng paaralan ay patunay ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga katuwang sa edukasyon.

Bawat parangal ay sumasalamin sa sipag, sakripisyo, pagkakaisa, at pagmamahal sa gawaing pang-edukasyon. Hindi lamang ito pagkilala sa mga nagawa, kundi inspirasyon upang patuloy na magsikap, magpahusay, at maghatid ng de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang taga As-is..

Ang tagumpay ng As-is Elementary School ay tagumpay ng buong pamayanan! Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-abot sa mas matataas na pangarap at mas makabuluhang mga tagumpay.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating paglalakbay. Sa bawat parangal na ating natatanggap, lalong tumitibay ang ating paninindigan na maglingkod nang may puso, husay, at dedikasyon.



🌱🌳 Boy Scout Tree Planting ActivityNakiisa ang mga Boy Scout ng As-is Elementary School sa gawaing pagtatanim ng puno bi...
20/10/2026

🌱🌳 Boy Scout Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga Boy Scout ng As-is Elementary School sa gawaing pagtatanim ng puno bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan, pangangalaga sa kapaligiran, at pagsusulong ng mas luntiang kinabukasan. πŸ’š

β€œMagtanim ngayon, mag-alaga para sa kinabukasan!”

District Festival of TalentsLate upload.. Congratulations, neng Via Sabelle Magpantay, sa iyong pagkapanalo sa Plot Twis...
13/10/2026

District Festival of Talents
Late upload..

Congratulations, neng Via Sabelle Magpantay, sa iyong pagkapanalo sa Plot Twisting Category as 3rd place.. Sa maikling panahon ng paghahanda kasama ang iyong coach, tunay na nakita ang iyong galing at talento!
Congratulations din po, Mam Monette Reyes , sa iyong paggabay kahit ang As-is ES ang hindi mo permanenteng paaralan..Keep it up mam..

Congratulations din sa lahat ng lumahok sa Indak ng Lahi at Dish Gardening. Panalo man o hindi, ipinagmamalaki namin kayong lahat!..

AS-IS ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA PAMBANSANG LINGGO NG KALIGTASAN SA PAARALANAs-is, Laurel, Batangas β€” Nakiisa ang As-...
12/10/2026

AS-IS ELEMENTARY SCHOOL, NAKIISA SA PAMBANSANG LINGGO NG KALIGTASAN SA PAARALAN

As-is, Laurel, Batangas β€” Nakiisa ang As-is Elementary School sa pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng Kaligtasan sa Paaralan (National School Safety Week) noong Oktubre 12, 2026, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos para sa kaligtasan, proteksiyon, at kapakanan ng bawat mag-aaral.

Nakiisa rin sa gawain ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Kapitan Norby P. Landicho, kasama ang mga Barangay Health Worker (BHWs), mga magulang at iba pang katuwang ng paaralan. Ipinakita ng kanilang pakikilahok ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng ligtas, inklusibo, at mapagkalingang kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral.
Kaligtasan ng Bata, Sama-samang Pananagutan! πŸ’š



Our heartfelt thanks to Balakulong Credit Ccoperatives  for choosing As-is Elementary School as one of the beneficiaries...
09/10/2026

Our heartfelt thanks to Balakulong Credit Ccoperatives for choosing As-is Elementary School as one of the beneficiaries of your 10-Day Feeding Program.

Ramdam po namin ang saya at tuwa ng aming mga mag-aaral sa inyong kabutihang-loob at pagmamalasakit.

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng saya at pag-asa sa aming mga bata.
May God bless your organization with more blessings so you can continue touching more lives.

Address

Narra Street
Laurel
4221

Telephone

+639984232149

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo As-is Elementary School -Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share