06/10/2026
๐ธ ๐๐๐จ ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฆ: ๐ข๐ฃ๐๐๐ก ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ง ๐ต๐ญ
๐ข๐ฐ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐น๐ผ
Nakiisa ang ating lokal na pamahalaan sa isinagawang dalawang araw na Inspection at Flood Mitigation Workshop para sa Pansipit River o ๐ข๐ฝ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ (๐ข๐๐) ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐ na ginanap sa Bayan ng Agoncillo.
Upang kumatawan at dalhin ang hinaing ng ating bayan, personal na dumalo ang ating Punong Bayan, ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐ป๐ฑ๐ผ๐ป ๐ . ๐๐ฟ๐๐ฐ๐ฒ, kasama ang ating Municipal Planning & Development Coordinator na si ๐๐ฟ๐ฐ๐ต๐ถ๐๐ฒ๐ฐ๐ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ฎ๐ป at Municipal Engineer na si ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐ก๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ต๐ผ.
Sa naturang pagpupulong na pinangunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), aktibong ipinakita ng ating mga lider ang mga partikular na lugar sa ating bayan na labis na apektado ng pagbaha. Bukod sa pagtukoy ng problema, inilatag din nila ang mga mungkahi at konkretong solusyon, kasabay ng pormal na paghingi ng karagdagang tulong mula sa DPWH upang matugunan ang suliraning ito.
Katuwang sa gawain at pagpupulong na ito ang iba't ibang ahensya kabilang ang Protected Area Management Office โ Taal Volcano Protected Landscape (PAMO-TVPL), Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, iba pang lokal na pamahalaan, at mga kinatawan mula sa pribadong sektor.
Patuloy ang pagkilos at pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Laurel upang makahanap ng mga pangmatagalang solusyon at masig**o ang kaligtasan ng bawat pamilyang Laureleรฑo laban sa sakuna.
๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฒ๐น๐ฒรฑ๐ผ. ๐ต๐ญ