05/11/2026
𝟒𝐭𝐡 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧𝐞𝐨𝐮𝐬 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡𝐪𝐮𝐚𝐤𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐬𝐮𝐧𝐚𝐦𝐢 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔
Nakiisa ang mga opisyal ng barangay, emergency responders, katuwang na ahensya, mga boluntaryo, at mga residente ng Barangays 27, 28, 57, at 59 sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake and Tsunami Drill 2026 ngayong November 5.
Layunin ng pagsasanay na ito na masanay ang bawat isa sa tamang hakbang at paglikas sakaling magkaroon ng lindol at tsunami.
Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, mas napapalakas natin ang kahandaan ng ating mga barangay at komunidad sa pagharap sa mga sakuna.
Tandaan, mas mabuting handa kaysa magulat. Ang kaalaman, disiplina, at pagtutulungan ay mahalaga upang maprotektahan ang buhay ng bawat isa.
Maging alerto, maging handa, at laging unahin ang kaligtasan!