28/10/2026
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga Punong Barangay ng Arumahan, Tubuan, Sinisian West, Masalisi, at Talaga kay Bokala Armie Bausas sa pagkakaloob ng 15 upuan (chairs) para sa mga barangay na kanilang pinamumunuan.
Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay malaking tulong sa mga pangangailangan ng ating mga barangay. Higit pa sa mga upuang ipinagkaloob, ang inyong malasakit ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa kapakanan ng bawat komunidad.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit! Nawa'y magpatuloy ang ganitong diwa ng pagkakaisa at bayanihan para sa ikabubuti ng ating mga kabarangay.