28/10/2026
🚫 “𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐍𝐋𝐘”? 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 ’𝐘𝐀𝐍!
Ngayong Consumer Welfare Month 2026, mahalagang malaman ng bawat mamimili ang kanilang mga karapatan! 💙
Sa ilalim ng Department Administrative Order No. 21-03 (DAO 21-03), hindi pinahihintulutan ang “installment only” na paraan ng pagbabayad. Kung nag-aalok ang isang establisimyento ng hulugang bayad, dapat ding mabigyan ang mamimili ng opsyong magbayad nang buo, nang hulugan, o sa kombinasyon ng dalawang paraan.
📌 Tandaan: May karapatan kang pumili ng paraan ng pagbabayad na angkop sa iyong kakayahan at pangangailangan. Maging mapanuri, alamin ang iyong mga opsyon, at huwag mag-atubiling magtanong bago bumili!
💙 Safe Products, Confident Consumers!