Municipality of Lopez, Quezon

Directions

Municipality of Lopez, Quezon Municipality of Lopez is a 1st class municipality in the province of Quezon, Philippines. It has a population of 96,006 according to PSA 2024 Data.

Spanning a vast 39,510 hectares of land, with 95 barangays, Lopez is one of the largest towns in Quezon.

TINGNAN | FITNESS FRIDAY AT FLAG RETREAT NG LGU LOPEZNovember 06, 2026Bilang pagtatapos sa isang linggong tapat na pagli...
06/11/2026

TINGNAN | FITNESS FRIDAY AT FLAG RETREAT NG LGU LOPEZ
November 06, 2026

Bilang pagtatapos sa isang linggong tapat na paglilingkod, sama-samang nakiisa ang mga opisyal at empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Lopez sa lingguhang Fitness Friday at Flag retreat.

Ang Zumba activity ay isinasagawa upang panatilihing malusog, masigla, at aktibo ang ating mga empleyado at ito naman ay agad na sinundan ng pagbaba ng ating watawat na sumisimbolo sa ating patuloy na pagpupugay at dedikasyon sa bayan.

TINGNAN | SANIB-PWERSA PARA SA FLOOD MITIGATION SA LALAGUNA MARSHLANDNovember 5, 2026Mainit na tinanggap ng ating Lokal ...
06/11/2026

TINGNAN | SANIB-PWERSA PARA SA FLOOD MITIGATION SA LALAGUNA MARSHLAND
November 5, 2026

Mainit na tinanggap ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga kinatawan mula sa Southern Luzon State University (SLSU) at BaNaCaRe na binubuo nina Center Chief Kathreena Gutierrez, DOST-PCAARRD Balik Scientist Guillermo Mendoza, Administrative Aide III Lotis Narinay, at Science Research Assistant Hannah Natividad.

Nakasentro ang makabuluhang ugnayang ito sa pagbuo ng isang komprehensibo at pinagsamang solusyon upang matugunan ang suliranin sa pagbaha sa Lalaguna Marshland.

Sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na koordinasyon sa SLSU at iba pang ahensya, nais nating mas mapabuti ang pagtukoy sa mga flood-prone areas at mga daluyan ng tubig, palakasin ang ating early warning systems at emergency response, at magtatag ng regular na pagbabantay sa mga insidente ng pagbaha.

Ang lahat ng planong ito ay gagabayan ng siyentipikong pag-aaral, mga batas pangkalikasan, at epektibong disaster risk reduction strategies.

Sa patuloy na direktiba ni Mayor Sonny B. Ubana II, hindi tayo titigil sa paghahanap at pagpapatupad ng mga solusyong magsisiguro sa kaligtasan at kaayusan ng bawat pamilyang Lopezeño.

Maligayang Kaarawan, Brgy. Captain RIODAY M. ARGENTE! 🥳Isang masayang pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Lo...
06/11/2026

Maligayang Kaarawan, Brgy. Captain RIODAY M. ARGENTE! 🥳

Isang masayang pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Lopez! Maraming salamat sa iyong serbisyo bilang Punong Barangay ng Brgy. Manguisian.

Ang iyong sipag at dedikasyon ay mahalagang bahagi ng patuloy na pag-unlad ng inyong barangay at ng buong bayan. Nawa’y maging masaya at puno ng pagpapala ang iyong kaarawan!


Maligayang Kaarawan, Brgy. Captain JAYSON P. GARBULO! 🥳Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Lopez, isang taos pusong ...
05/11/2026

Maligayang Kaarawan, Brgy. Captain JAYSON P. GARBULO! 🥳

Mula sa Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Lopez, isang taos pusong pagbati sa iyong kaarawan, Kap!

Maraming salamat sa iyong serbisyo at malasakit sa Brgy. Villa Espina. Nawa’y maging masaya at puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw! ♥️


ISANG MALAKING KARANGALAN PARA SA BAYAN NG LOPEZ! 🎶Isang mainit na pagbati ang inihahatid ng Lokal na Pamahalaan para ka...
05/11/2026

ISANG MALAKING KARANGALAN PARA SA BAYAN NG LOPEZ! 🎶

Isang mainit na pagbati ang inihahatid ng Lokal na Pamahalaan para kay Mr. Nikko Oliver Villanueva sa kanyang pag-uuwi ng GRAND PRIZE sa National Songwriting Competition for the 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi! Ang pambansang patimpalak na ito ay inorganisa ng Inter-Franciscan Ministers Conference of the Philippines.

Ang iyong pambihirang talento at husay sa paglikha ng makabuluhang musika ay isang tunay na karangalan sa Bayan ng Lopez! Pinatunayan mo na ang mga Lopezeño ay sadyang malikhain at nag-uumapaw sa galing saan mang larangan.

Kaisa ang buong Sangguniang Bayan, lubos na ipinagmamalaki ng ating Punong Bayan, Mayor Sonny B. Ubana II, ang iyong natatanging parangal. Nawa'y patuloy kang gumawa ng musika na mag-aangat at magbibigay-inspirasyon sa marami.


BAYAN NG LOPEZ, KINILALA PARA SA FULL COMPLIANCE SA FULL DISCLOSURE POLICY! 🌟Isang panibagong karangalan ang nakamit ng ...
05/11/2026

BAYAN NG LOPEZ, KINILALA PARA SA FULL COMPLIANCE SA FULL DISCLOSURE POLICY! 🌟

Isang panibagong karangalan ang nakamit ng ating bayan! Pormal na kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) CALABARZON ang ating Lokal na Pamahalaan bilang isa sa mga LGU na nakatanggap ng Full Compliance with the Full Disclosure Policy (FDP) para sa Calendar Years 2025–2026 (2nd to 4th Quarters ng 2025 at 1st Quarter ng 2026).

Ang pagkilalang ito ay isang matibay na patunay ng ating walang-patid na pagtataguyod sa tapat, malinaw, at responsableng pamamahala ng pondo at mga programa ng bayan.

Ipinapakita nito na ang bawat hakbang at proyekto ng ating munisipyo ay bukas sa publiko at nakasentro sa kapakanan ng bawat Lopezeño.

05/11/2026
CONGRATULATIONS, LOPEZ RURAL HEALTH UNIT! 🌟Isang malaking karangalan ang inuwi ng ating Lopez Rural Health Unit (RHU) ma...
05/11/2026

CONGRATULATIONS, LOPEZ RURAL HEALTH UNIT! 🌟

Isang malaking karangalan ang inuwi ng ating Lopez Rural Health Unit (RHU) matapos kilalanin ng Quezon Provincial Health Office ang kanilang Outstanding Performance sa Adolescent Health and Development Program!

Ang makabuluhang rekognisyong ito ay sumasalamin sa dedikasyon at sama-samang pagpupunyagi ng lahat upang matagumpay na mapababa ang kaso ng teenage pregnancy sa ating bayan sa loob ng nakalipas na limang taon.

Taos-pusong pasasalamat sa bawat health worker, magulang, at miyembro ng komunidad na naging katuwang natin sa tagumpay na ito.

Sa patuloy na pagtutulungan ng ating Lokal na Pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Sonny B. Ubana II at ng buong Sangguniang Bayan, makakaasa kayong patuloy nating isusulong at susuportahan ang mga programa at proyektong mangangalaga sa kalusugan, kapakanan, at magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.


PAALALA SA PUBLIKO | HEAT INDEX ADVISORY ☀️Batay sa pinakahuling datos mula sa DOST-PAGASA Automatic Weather Station (AW...
04/11/2026

PAALALA SA PUBLIKO | HEAT INDEX ADVISORY ☀️

Batay sa pinakahuling datos mula sa DOST-PAGASA Automatic Weather Station (AWS) sa Alabat, Quezon, inaasahang aabot sa 39°C ang Heat Index o ramdam na init ngayong araw, Nobyembre 5. Ito ay kasalukuyang nasa kategorya ng EXTREME CAUTION.

Dahil dito, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng Lopezeño na mag-ingat laban sa matinding alinsangan! Narito ang ilang paalala upang makaiwas sa heat stroke at iba pang sakit na dala ng init:

✅ Manatiling hydrated: Ugaliing uminom ng maraming tubig kahit hindi pa nakararamdam ng uhaw.
✅ Magdala ng panangga: Huwag kalimutang magdala ng payong, sumbrero, o magsuot ng long sleeves tuwing lalabas.
🚫 Iwasang mabilad sa araw: Hangga't maaari, iwasan muna ang mga aktibidad sa labas sa mga oras na pinakamatindi ang sikat ng araw (mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM).

Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na unahin ang kalusugan ng bawat isa!


PAGPUPUGAY SA MGA BAGONG CPA NG BAYAN MULA SA PUP-LOPEZ! 👏🏻Isang maalab na pagbati ang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan...
04/11/2026

PAGPUPUGAY SA MGA BAGONG CPA NG BAYAN MULA SA PUP-LOPEZ! 👏🏻

Isang maalab na pagbati ang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan sa mga matagumpay na nakapasa sa katatapos lamang na October 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) - Lopez Campus!

Ang tagumpay na ito ay isang malaking karangalan na nagpapatunay sa patuloy na husay at galing ng mga kabataang Lopezeño.

Kaisa ang buong Sangguniang Bayan, labis na ipinagmamalaki ng ating Punong Bayan, Mayor Sonny B. Ubana II, ang inyong natamong lisensya. Nawa'y maging instrumento kayo ng katapatan at propesyonalismo sa inyong larangan, at patuloy na magbigay-inspirasyon sa mga susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral.


Address

Maharlika Highway
Lopez
4316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipality of Lopez, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share