Barangay Danlagan, Lopez, Quezon

Directions

Barangay Danlagan, Lopez, Quezon The Official Page of Barangay Danlagan, Lopez, Quezon.

TINGNAN: Matagumpay na nairaos ang ating BARANGAY ASSEMBLY DAY para sa 2nd Semester, ng CY 2026.Isang makabuluhan at mab...
31/10/2026

TINGNAN: Matagumpay na nairaos ang ating BARANGAY ASSEMBLY DAY para sa 2nd Semester, ng CY 2026.

Isang makabuluhan at mabungang pagtitipon ang naganap sa ating barangay sa araw na ito.

Sa kabila ng hindi inaasahang pagkakasakit at hindi pagdalo ng ating minamahal na Punong Barangay, Kgg. Vilma V. Villaflores, ay hindi ito naging hadlang upang matagumpay niyang naipaabot sa ating pagtitipon ang kanyang State of the Barangay Address.

Nagkaisa ang ating Sangguniang Barangay members at buong komunidad upang dalhin ang temang:

“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa ating Komunidad.”

Mga Mahahalagang Detalye at Kaganapan:

* Ulat ng Barangay: Nailahad sa mga dumalo ang mga nagawa, kasalukuyang proyekto, at ang katayuan ng pondo ng ating barangay.

* Boses ng Mamamayan: Aktibong nakilahok ang ating mga residente sa bukas na talakayan, pagtatanong, at pagbibigay ng mga mungkahi para sa ikabubuti ng ating Barangay Danlagan.

* Pagtutulungan: Pinatunayan ng bawat isa na sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, ang anumang hamon ay ating mapagtatagumpayan.

Dalangin po natin ang agarang paggaling ng ating minamahal na Punong Barangay, Kgg. Vilma Villaseñor Villaflores.

Maraming salamat sa lahat ng mga Panauhin at mga kinatawan ng ating minamahal na Governor-Hon. Angelina DL. Tan, Congressman-Hon. Atorni Mike Tan, 4th District Board Member- Hon. Rachel A. Ubana, Mayor- Hon. Isaias B. Ubana II, Vice Mayor- Hon. Danilo A. Villanueva, MLGOO-DILG-Mr. Carl Edgar Cusi at PLTCOL, Chief of Police -Jun Saavedra Villarosa.

Maraming Salamat din sa ating mga kabarangay na naglaan ng oras at nakiisa sa mahalagang aktibidad na ito. Ang inyong presensya at tinig ang nagpapatatag sa ating komunidad!

Mabuhay ang Barangay Danlagan!
Mabuhay ang ating mga mamamayan!

Isang napakasayang kaarawan ang ipinaabot natin sa ating masipag, matiyaga, at maaasahang Barangay Utility Worker ng Bar...
30/10/2026

Isang napakasayang kaarawan ang ipinaabot natin sa ating masipag, matiyaga, at maaasahang Barangay Utility Worker ng Barangay Danlagan, Lucita V. Valencia!
🎉🎂 🎈

​Maraming-maraming salamat po sa iyong walang sawang paglilingkod, sipag, at dedikasyon sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating minamahal na barangay.

​Dalangin namin ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas ng katawan, at marami pang biyaya sa iyong buhay kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

​Muli, Happy, Happy Birthday po! 🎁🥂

Pagbati mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng kawani ng Barangay Danlagan.

TINGNAN: Katuwang ang hangarin na maiangat ang kinabukasan ng ating mga kabataan, sa pamamagitan ng programa ng ating mi...
27/10/2026

TINGNAN: Katuwang ang hangarin na maiangat ang kinabukasan ng ating mga kabataan, sa pamamagitan ng programa ng ating minamahal na Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay matagumpay nating naipamahagi ang tulong-pang-edukasyon sa ilalim ng "Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholarship Program" — na bahagi ng "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM: PRESIDENTIAL ASSISTANCE TO BARANGAYS UNDER THE SOCIO-CIVIC PROJECTS FUNDS (SCPF)".

Pinangunahan ng ating Punong Barangay Kgg. Vilma Villaseñor Villaflores, ang distribution ng educational assistance na nagkakahalaga ng ₱20,000.00 bawat isa sa ating limang (5) mahuhusay at masisipag na estudyanteng benepisyaryo upang makatulong sa kanilang pag-aaral:

MGA BENEPISYARYO:

FREDDIE V. CARANDANG
Kurso: Bachelor of Public Administration Major with specialization in Fiscal Administration -PUP Lopez

CONRAD A. ORIARTE
Kurso: Bachelor of Science in Information Technology- PUP Lopez

IRAH MAE Q. ANACION
Kurso: Electronics Engineering- TUP Lopez

ANNALYN Q. ROBELLANO
Kurso: Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics- PUP Lopez

ARIEL S. PAYCANA III
Kurso: Bachelor of Physical Education- PUP Manila

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at gabay ninyo sa inyong patuloy na pagpupursigi upang marating ang inyong mga pangarap. Padayon, mga Iskolar ng Bayan at kabataang Pilipino!


Brgy. Danlagan, Lopez, QuezonWeekly Clean-Up DriveWeek 43 (October 24, 2026)No. of Clean-Up Sites: 1No. of Participants:...
26/10/2026

Brgy. Danlagan, Lopez, Quezon
Weekly Clean-Up Drive

Week 43 (October 24, 2026)

No. of Clean-Up Sites: 1
No. of Participants: 22
No. of BLGU: 22
Total Volume of waste collected: 11 kgs
No. of SK participated: 0
No. of CSOs participated: 0

🚨EMERGENCY HOTLINES🚨Huwag mag-atubiling tumawag anumang oras kung mayroon kayong nararanasan o nasasaksihang emergency s...
20/10/2026

🚨EMERGENCY HOTLINES🚨

Huwag mag-atubiling tumawag anumang oras kung mayroon kayong nararanasan o nasasaksihang emergency sa ating komunidad.

I-share ang post na ito para alam din ng inyong mga pamilya at kapitbahay! Ligtas ang may alam. 💙

Brgy. Danlagan, Lopez, QuezonWeekly Clean-Up DriveWeek 42 (October 17, 2026)No. of Clean-Up Sites: 1No. of Participants:...
19/10/2026

Brgy. Danlagan, Lopez, Quezon
Weekly Clean-Up Drive

Week 42 (October 17, 2026)

No. of Clean-Up Sites: 1
No. of Participants: 21
No. of BLGU: 15
Total Volume of waste collected: 10 kgs
No. of SK participated: 1
No. of CSOs participated: 1

📣 MAHALAGANG PABATID! ​Isang magandang araw sa lahat ng mamamayan ng Barangay Danlagan!​Inaanyayahan po ang lahat na may...
19/10/2026

📣 MAHALAGANG PABATID!

​Isang magandang araw sa lahat ng mamamayan ng Barangay Danlagan!

​Inaanyayahan po ang lahat na may edad 15 pataas sa ating Barangay Assembly Day para sa 2nd Semester ng CY 2026!

Ito na ang ating pagkakataon upang malaman ang mga proyekto, magbahagi ng opinyon, at makipagtulungan para sa mas maunlad nating komunidad.

​Tema: "Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa ating Komunidad"

MGA DETALYE NG GAWAIN:

​Petsa: Oktubre 31, 2026 (Sabado)
​Oras: 9:00 ng umaga
​Lugar: Barangay Hall, Barangay Danlagan, Lopez, Quezon

​BAKIT MAHALAGANG DUMALO?

​MAKINIG SA ULAT: Alamin ang mga nagawa at kasalukuyang programa ng ating pamahalaang barangay.

​BUKAS NA TALAKAYAN: Magpahayag ng mga mungkahi, hinaing, at ideya para sa ikabubuti ng ating komunidad.

​MAGKAISA: Palakasin ang pagtutulungan ng bawat residente at ng ating mga lingkod barangay.

​Ang inyong presensya, boses, at pakikilahok ay napakahalaga. Sama-sama nating itaguyod ang isang masigla, ligtas, at maunlad na Barangay Danlagan!

​Maraming salamat po at kita-kits tayo! 🤝💙

​

✨ MALIGAYANG KAPISTAHAN! ✨Ika-165 Taong Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo📅 Oktubre ...
06/10/2026

✨ MALIGAYANG KAPISTAHAN! ✨

Ika-165 Taong Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo

📅 Oktubre 7, 2026

📍 Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo | Bayan ng Lopez, Quezon

​Isang buong pusong pagbati at pagdiriwang ang iniaalay ng buong pamayanan para sa ating mahal na patrona. Sa ika-165 taon ng kanyang makasaysayan at patuloy na pag-kalinga, nawa ay patuloy tayong gabayan, ingatan, at puspusin ng kanyang bendisyon at ng matinding pananampalataya.

​Ang Barangay Danlagan ay buong-puso at nakikiisa sa banal na pagdiriwang na ito!
Viva la Virgen!

Happy Fiesta!

Brgy. Danlagan, Lopez, QuezonWeekly Clean-Up DriveWeek 40 (October 3, 2026)No. of Clean-Up Sites: 1No. of Participants: ...
05/10/2026

Brgy. Danlagan, Lopez, Quezon
Weekly Clean-Up Drive

Week 40 (October 3, 2026)

No. of Clean-Up Sites: 1
No. of Participants: 22
No. of BLGU: 22
Total Volume of waste collected: 10 kgs
No. of SK participated: 0
No. of CSOs participated: 0

Happy Birthday, Barangay Tanod Francisco B. Factor! ​Isang napakainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag...
03/10/2026

Happy Birthday, Barangay Tanod Francisco B. Factor!

​Isang napakainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag, maaasahan, at laging handang maglingkod na Barangay Tanod.

​Maraming salamat sa iyong walang-sawang dedikasyon, tapang, at sakripisyo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad dito sa Barangay Danlagan.

​Dalangin namin ang patnubay ng Poong Maykapal, mabuting kalusugan, mahabang buhay, at marami pang biyaya para sa iyo at sa iyong buong pamilya.

​Pagbati mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay at lahat ng kawani ng Barangay Danlagan 🥳👏

Address

Barangay Hall, Purok Luya, Barangay Danlagan, Quezon
Lopez
4316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Danlagan, Lopez, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share