Sangguniang Panlalawigan Quezon

Directions Website Contact the organization

Sangguniang Panlalawigan Quezon Official page of the Sangguniang Panlalawigan of Quezon Province

04/11/2026

Bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan at mahalagang ambag sa kasaysayan ng lalawigan ng Quezon, ating ginugunita ngayong araw ang ika-185 anibersaryo ng pagpanaw ni Apolinario dela Cruz o mas kilala natin bilang Hermano Puli.

Congratulations to our Vice Governor and Presiding Officer, Anacleto Third Alcala! 👏🏻⚖️
31/10/2026

Congratulations to our Vice Governor and Presiding Officer, Anacleto Third Alcala! 👏🏻⚖️


Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming salamat po sa pagkilalang ito sa ating pamumuno sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Ang parangal na ito mula sa Climate Neutral Awards 2026 ay patunay ng ating patuloy na pagsusulong sa mga makabuluhang batas at reporma na nagpapatibay sa ating lokal na pamamahala tungo sa mas inklusibong pag-unlad ng lalawigan.

Para sa atin ang award na ito, minamahal kong Quezonians, sapagkat ang bawat pagsusumikap at sakripisyo ay nag-uugat sa tunay na pagmamahal sa ating lalawigan. Sama-sama nating itaguyod ang mas luntian, ligtas, at matatag na kinabukasan para sa lahat! 🌿🌏⚖️💙


30/10/2026

UNDAS 2026 ALCOHOL BAN!📢

Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, ipatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang “UNDAS 2026 ALCOHOL BAN” sa bisa ng EXECUTIVE ORDER NO. DHT 30, sa lahat ng PAMPUBLIKO at PRIBADONG sementeryo sa lalawigan mula OKTUBRE 30 hanggang NOBYEMBRE 2, 2026.

Ito ay upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa mga sementeryo, gayundin ang pagpapakita ng paggalang sa mga yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng maayos at makabuluhang paggunita sa Undas.



21/10/2026

Sa bawat resolusyon, ordinansa, at dokumentong naglalaman ng mahahalagang kaganapan at desisyon para sa lalawigan ng Quezon mula pa noong 1901, nakikibahagi tayo sa pagdiriwang ng National Archives Day.

Sa pagdiriwang na ito, binibigyang-pugay natin ang kahalagahan ng bawat tala na hindi lamang nagsisilbing opisyal na rekord ng ating kasaysayan kundi saligan din ng bukas at maayos na pamamahala sa serbisyong publiko. 📑

Sangguniang Panlalawigan Quezon


17/10/2026

DO-OR-DIE GAME 3! 🔥🏀

Balik sa Quezon Convention Center ang Quezon Huskers para sa isang laban na walang bukas. Isang panalo na lang ang kailangan para manatili sa laban! 💪

LET’S GO, HUSKERS! 💙🧡


Nitong Martes, bumisita ang mga mag-aaral ng International School for Better Beginnings (ISBB) sa Sining Panlalawigan up...
16/10/2026

Nitong Martes, bumisita ang mga mag-aaral ng International School for Better Beginnings (ISBB) sa Sining Panlalawigan upang masaksihan ang Art Exhibit ng kulturang Quezonian.

Nagpatuloy rin ang kanilang educational tour sa legislative building ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, kasama ang kanilang alumna na si Bokal Meg Uy Esguerra ng Ikatlong Distrito, upang matutuhan ang mga proseso sa lehislatura.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pamamahala at maging mas mulat na kabataan sa lipunan.


15/10/2026

Alinsunod sa Proclamation No. 1481, idineklara ang Miyerkules, Nobyembre 4, 2026, bilang Special Non-Working Holiday sa Lalawigan ng Quezon bilang paggunita sa anibersaryo ng pagpanaw ni Apolinario dela Cruz, na mas kilala bilang Hermano Puli.



14/10/2026

QUEZONIANS, MAY KABALIKATAN KAYO SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN!

Alam ba ninyo na may Health Navigation and Referral Unit (HNRU) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na handang gumabay sa inyong mga katanungan tungkol sa mga sumusunod na serbisyo?

• Blood Request Assistance
• Medical Transportation Assistance
• Medical Financial Assistance Inquiries
• Diagnostic and Laboratory Test Inquiries
• Outpatient Schedule Inquiries
• Teleconsultation

Available 24/7 ang HNRU upang maging kabalikat ng bawat Quezonian sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan.

Makipag-ugnayan sa HNRU:
Cellphone: 0920 922 8787
page: Refer Quezon
E-mail: [email protected]

Ibahagi ang impormasyong ito upang mas marami pang Quezonian ang makinabang sa serbisyong pangkalusugan!


𝐍𝐀𝐒𝐂𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀𝐒 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 is back‼️First stop: 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍‼️Calling all 𝐢𝐧𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟕 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟖 stu...
13/10/2026

𝐍𝐀𝐒𝐂𝐄𝐍𝐓 𝐒𝐀𝐒 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐜𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐚𝐢𝐠𝐧 is back‼️

First stop: 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍‼️

Calling all 𝐢𝐧𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟕 𝐚𝐧𝐝 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟖 student-athletes!

Join us at 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐳 𝐏𝐚𝐫𝐤, 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝𝐬, 𝐋𝐮𝐜𝐞𝐧𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, on 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟑–𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔, and discover how you can begin your journey as a NAS Student-Athlete!

📣 Are you coming? Let us know in the comments below! 👇

For eligibility, forms, and requirements, kindly visit this link:
📌 https://nas.edu.ph/application/

✉️ Official Email Address:
→ [email protected]
📞 Contact Numbers (Text, Call, Viber, WhatsApp):
→ 045-809-0354 local 112 | 0991 369 0667 (DITO) | 0918 920 0415 (SMART)





12/10/2026

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng 2026 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) ngayong Oktubre 12–14, na may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabilikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.”

Sama-sama nating kilalanin at suportahan ang mahalagang papel ng siyensya, teknolohiya, at inobasyon sa paghubog ng mas maunlad, matatag, at handang kinabukasan para sa Rehiyon ng CALABARZON.






Address

Governor's Mansion Compound, Barangay 8
Lucena
4301

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Panlalawigan Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Panlalawigan Quezon:

Shortcuts

Share

Nearby government services