23/10/2026
✂️ 8th Year Free Haircut Program ✂️
Sa pangunguna ni Hon. Brian Dave R. Austria, matagumpay na naidaos ang 8th Year Free Haircut Program sa Bolaoit Elementary School ngayong Oktubre 23, 2026. Layunin ng programang ito na mabigyan ng maayos na gupit ang mga mag-aaral bilang paghahanda sa kanilang pag-aaral at upang mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag na volunteers at barbers na naglaan ng kanilang oras, talento, at malasakit upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong walang sawang suporta at dedikasyon ay malaking tulong sa ating mga kabataan at sa komunidad.
Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito. Sama-sama nating ipinapakita na sa simpleng paglilingkod, malaking ngiti at inspirasyon ang naibibigay natin sa iba. 💙✂️