Sangguniang Barangay ng Dakila

Sangguniang Barangay ng Dakila

Share

"Mamamayan muna, hindi mamaya na."

Photos from Sangguniang Barangay ng Dakila's post 05/06/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š

Hunyo 5, 2026 โ€” Isinagawa ang Ika-11 Regular na Pagpupulong ng Sangguniang Barangay ng Dakila na pinangunahan ni IGG. Vener C. Dela Cruz, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng konseho, para sa patuloy na pagtalakay at pag-aksyon sa mga mahahalagang usapin ng barangay.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay at naipasa ang mga sumusunod:

MGA NAIPASANG KAPASIYAHAN / RESOLUSYON

โ€ข Kapasiyahang Pambarangay Blg. 25-2026
Isang Kapasiyahan na Nagtatakda ng Regular na Iskedyul ng Paggamit ng Barangay Covered Court tuwing araw ng Biyernes, mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng umaga, para sa mga mag-aaral ng Dakila Child Development Center.

MGA BAGONG USAPIN (NEW BUSINESS)

โ€ข Pagsusukat ng mga daang-tubig bilang bahagi ng pagtukoy sa mga kinakailangang hakbang upang mapabuti ang daloy ng tubig sa barangay;
โ€ข Patuloy na paglilinis ng mga drainage upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran;
โ€ข Paghahanda para sa Libreng Gupit na gaganapin sa ika-6 ng Hunyo 2026 para sa mga mag-aaral at residente ng barangay;
โ€ข Posibleng pagsasagawa ng Medical Mission para sa mga mamamayan ng Barangay Dakila;
โ€ข Pagdalo ng mga opisyal ng barangay sa awarding ceremony ng BEST Barangay sa ika-8 ng Hunyo 2026.

MGA ULAT NG MGA KOMITE

Nagkaroon din ng pag-uulat ang bawat kasangguni ukol sa mga programa, proyekto, aktibidad, at iba pang usaping may kaugnayan sa kanilang mga komite bilang bahagi ng pagpapaigting ng koordinasyon at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Kasabay nito, tinalakay rin ang mga natanggap na komunikasyon at iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad ng barangay.

Sa patuloy na pagkakaisa at responsableng pamamahala, muling pinagtitibay ng Sangguniang Barangay ng Dakila ang kanilang layunin para sa isang mas maayos, disiplinado, at progresibong pamayanan.


04/06/2026

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐†๐”๐๐ˆ๐“ ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹

Sa pagtutulungan ng Sangguniang Barangay ng Dakila, Sangguniang Kabataan ng Dakila, at Konsehal ng Lungsod ng Malolos Konsehal Coach Geli Bulaong, ay isasagawa ang isang LIBRENG GUPIT para sa mga mag-aaral.

- Petsa: Hunyo 6, 2026 (Sabado)
- Oras: 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
- Lugar : Dakila Elementary School, Barangay Dakila, Lungsod ng Malolos

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang paghahanda para sa nalalapit na pasukan sa pamamagitan ng libreng serbisyo ng gupit.

Ang libreng gupit ay handog ni Konsehal Coach Geli Bulaong bilang patuloy na suporta sa kabataan ng ating komunidad.


02/06/2026

๐Ÿ“ฃ๐€๐“๐“๐„๐๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‰๐Ž๐๐’๐„๐„๐Š๐„๐‘๐’! ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐๐„๐—๐“ ๐‚๐€๐‘๐„๐„๐‘ ๐Ž๐๐๐Ž๐‘๐“๐”๐๐ˆ๐“๐˜ ๐€๐–๐€๐ˆ๐“๐’! ๐Ÿ’ผโœจ

Ipagdiwang ang diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa iyong kinabukasan! Sama-sama tayong dumalo sa ๐๐‘๐„-๐ˆ๐๐ƒ๐„๐๐„๐๐ƒ๐„๐๐‚๐„ ๐ƒ๐€๐˜ ๐‰๐Ž๐ ๐…๐€๐ˆ๐‘ (Local & Overseas Employment with One-Stop Shop Government Services) na gaganapin sa:

๐Ÿ“… ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ•™ ๐Ÿ๐ŸŽ:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐š๐ฆ
๐Ÿ“ ๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ๐Ÿ, ๐‘๐จ๐›๐ข๐ง๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ, ๐Œ๐œ๐€๐ซ๐ญ๐ก๐ฎ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ฐ๐š๐ฒ, ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐จ๐ฅ๐จ๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง

๐Ÿ”น Makipag-ugnayan nang direkta sa mga employer at tuklasin ang iba't ibang oportunidad sa trabaho.

๐Ÿ”น Makinabang sa ๐Ž๐ง๐ž-๐’๐ญ๐จ๐ฉ ๐’๐ก๐จ๐ฉ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ para sa mas madali at mas maginhawang proseso ng aplikasyon.

๐Ÿ“ ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐š-๐ซ๐ž๐ก๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง:
https://forms.gle/EU12Me7MKNvDZivK8




01/06/2026

๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ก๐š๐ญ. ๐ŸŒˆ

Ngayong Pride Month, ating ipinagdiriwang ang pagkakaiba-iba at isinusulong ang paggalang, pagtanggap, at pagkakapantay-pantay para sa lahat. Sama-sama nating buuin ang isang komunidad kung saan ang bawat isa ay ligtas, mahalaga, at may lugar.

Photos from Sangguniang Barangay ng Dakila's post 01/06/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐…๐ฅ๐š๐ -๐‘๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š

Hunyo 1, 2026 โ€” Sa pagsisimula ng bagong buwan, muling nagtipon ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay, mga kawani ng barangay, at Sangguniang Kabataan ng Barangay Dakila para sa isinagawang Flag-Raising Ceremony bilang simbolo ng pagkakaisa, pananagutan, at patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa mamamayan.

Naging makabuluhan ang seremonya bilang pagbubukas ng buwan ng Hunyo, kung saan muling pinagtibay ng bawat lingkod-bayan ang kanilang paninindigan na maghatid ng tapat, episyente, at makataong serbisyo para sa kapakanan ng bawat Dakileรฑo. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan upang maisakatuparan ang mga programang nakatuon sa kaunlaran, kalinisan, kapayapaan, at pangkalahatang kapakanan ng komunidad.

Sa pagharap sa mga bagong layunin at hamon ng buwan na ito, nananatiling matatag ang Barangay Dakila sa adhikaing makapaglingkod nang may integridad, malasakit, at kahusayan, tungo sa mas maunlad, nagkakaisa, at masiglang pamayanan.

31/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐Š๐š๐ฉ ๐•๐ž๐ง๐ž๐ซ! ๐ŸŽ‰

Maraming salamat sa iyong tapat at walang sawang paglilingkod sa ating komunidad. Tunay na kahanga-hanga ang iyong dedikasyon bilang isang lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod nang walang pinipiling araw, oras, at panahon para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Nawaโ€™y pagkalooban ka pa ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ang iyong mabuting hangarin para sa ating barangay.

Photos from Sangguniang Barangay ng Dakila's post 29/05/2026

๐“๐ข๐ง๐ ๐ง๐š๐ง: ๐’๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐’๐€๐ (๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š ๐š๐ญ ๐ˆ๐ง๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ญ๐ข๐›๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง).

Sama-sama at tulong-tulong ang mga Kawani ng Barangay Dakila, Barangay Justices, at SK Dakila sa PAGLILINIS/CLEAN-UP ACTIVITY na ginanap ngayong Ika-30 ng Mayo.

Nagkakaisang mamamayan para sa malinis at malusog na pamayanan!




Photos from Sangguniang Barangay ng Dakila's post 29/05/2026

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: ๐๐‘๐Ž๐‰๐„๐‚๐“ ๐’๐€๐…๐„ ๐‡๐€๐•๐„๐ โ€œ๐’๐ญ๐ซ๐ž๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ง๐ข๐ง๐  ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐…๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ข๐ง๐  ๐„๐ฑ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐‡๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐œ ๐€๐ง๐ญ๐ข-๐•๐ข๐จ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐•๐ข๐ ๐ข๐ฅ๐š๐ง๐œ๐ž ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž๐ญ๐ฐ๐จ๐ซ๐คโ€

Mayo 29, 2026 โ€” Matagumpay na isinagawa sa Barangay Dakila ang PROJECT SAFE HAVEN โ€œStrengthening Awareness and Fighting Exploitation through Holistic Anti-Violence and Vigilance Education Networkโ€, isang makabuluhang programa na nakatuon sa pagpapalawak ng kamalayan hinggil sa sexual abuse awareness, crime prevention, at pagsusulong ng tamang edukasyon upang mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.

Layunin ng proyektong ito na hikayatin ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan sa paglikha ng safe spaces, pagpapaigting ng pagbabantay, at pagsusulong ng kultura ng paggalang, proteksyon, at malasakit sa kapwa.

Naging katuwang ng Pamahalaang Barangay ng Dakila sa pagsasagawa ng programa ang Philippine National Police (PNP), Women and Children Protection Center ng PNP, Bulacan Police Provincial Office, at Malolos Police Station na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at impormasyon para sa kapakanan at kaligtasan ng komunidad.

Patuloy na magsisilbing katuwang ang Barangay Dakila sa mga programang naglalayong protektahan ang karapatan, dignidad, at seguridad ng bawat Dakileรฑo tungo sa isang mas ligtas at mas maalam na pamayanan.


Photos from Sangguniang Barangay ng Dakila's post 28/05/2026

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: ๐Œ๐„๐‹๐‹๐๐ˆ ๐๐ซ๐จ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š

Mayo 14, 2026 โ€” Matagumpay na isinagawa sa Barangay Dakila ang MELLPI Pro Assessment bilang bahagi ng pagsusuri at pagtataya sa mga naging plano, programa, at proyektong ipinatupad ng barangay noong taong 2025, partikular sa larangan ng nutrisyon at kalusugan.

Pinangunahan ito ng Barangay Nutrition Committee sa pangunguna ni Punong Barangay Igg. Vener C. Dela Cruz katuwang ang mga opisyal, kawani, at mga katuwang na sektor ng barangay na naging bahagi ng paghahanda at presentasyon para sa nasabing assessment.

Lubos ding binabati ng Pamahalaang Barangay ng Dakila ang ating Barangay Nutrition Scholar na si Gng. Mel sa matagumpay na pagsasagawa at pangunguna sa nasabing assessment. Ang kaniyang dedikasyon at pagsusumikap ay malaking bahagi sa patuloy na pagpapaunlad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa komunidad.

Patuloy ang Barangay Dakila sa pagsusulong ng mga programang may malasakit at positibong epekto para sa kapakanan at kalusugan ng bawat Dakileรฑo.


Want your business to be the top-listed Government Service in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Dakila
Malolos
3000