02/06/2026
Isang mainit na pagbati mula sa InfoBul kay Inh. Jaymark San Diego Castro mula sa Bayan ng DRT sa matagumpay na pagpasa sa May 2026 Environmental Planners Licensure Examination.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami at maging daan sa higit pang makabuluhang kontribusyon para sa pag-unlad ng ating mga pamayanan.
29/05/2026
| Information Officers of Bulacan Monthly Meeting
| 28 May 2026
| New Municipal Building, Borol 1st, Balagtas, Bulacan
28/05/2026
Lipad, Bulakenyo!
Isang malaking pagsaludo mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kay Prof. Marwin M. Dela Cruz, PhD, sa pagiging kauna-unahang Presidente ng National Aviation Academy of the Philippines (NAAP).
Ang iyong tagumpay ay inspirasyon sa bawat Pilipinong nangangarap na abutin ang langit. Karangalan ka ng ating lalawigan!
27/05/2026
Sa paggunita ng mga Araw ng Pambansang Watawat, ating inaalala ang sakripisyo at tapang ng mga Pilipinong nagtaguyod ng ating kalayaan. Ang ating watawat ay hindi lamang simbolo ng bansa, ito ay katibayan ng ating pagkakaisa, katapangan, at pagmamahal sa bayan.
Itaas natin ito nang may dangal at ipagpatuloy ang diwa ng malasakit at serbisyo para sa mas maunlad na Pilipinas.
Mabuhay ang Pambansang Watawat! Mabuhay ang Pilipinas!
27/05/2026
Sa paggunita ng 𝐄𝐢𝐝𝐮𝐥 𝐀𝐝𝐡𝐚 o “Feast of Sacrifice” sa Mayo 27, 2026, alinsunod sa Republic Act No. 9849 at sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ating binibigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang at pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim.
Ang pagdiriwang na ito ay paalala ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba, at ng patuloy na pagpapahalaga sa pananampalataya, kultura, at tradisyon na bumubuo sa ating pambansang pagkakakilanlan.
Kasabay nito, hinihikayat din ang lahat na maging kabahagi sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga batas na nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga komunidad na Muslim sa bansa.
Sa Bulacan, patuloy nating pinapanday ang isang lipunang may malasakit, pag-unawa, at respeto para sa bawat isa.
26/05/2026
Taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng Information Officers of Bulacan sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Adha. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang banal na okasyong ito sa pagpapatibay ng pananampalataya, pagbibigayan, at diwa ng sakripisyo para sa kapakanan ng kapwa at komunidad.
Sa pagninilay at pagdiriwang ng araw na ito, nawa’y manaig ang kapayapaan, pagkakaisa, at pag-asa sa bawat tahanan. Hangad namin ang isang makabuluhan at mapagpalang Eid al-Adha para sa inyong lahat.
09/05/2026
Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina, buong puso naming binibigyang pugay ang lahat ng ilaw ng tahanan na patuloy na nagbibigay ng walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, at lakas para sa kanilang pamilya.
Mula sa Information Officers of Bulacan, taos-pusong pagpupugay sa mga inang nagsisilbing inspirasyon, gabay, at sandigan ng bawat tahanan at komunidad.
Maraming salamat, 'Nay, sa inyong walang sawang pag-aaruga at pagmamahal na walang hinihinging kapalit.
Maligayang Araw ng mga Ina!