01/06/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐: Scholarship Program Renewal Grant Payout (Batch 1), sinimulan na ngayong araw para sa Kabataang Maloleรฑo
Opisyal nang nagsimula ang pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa mga iskolar ng lungsod ng Malolos sa ilalim ng Scholarship Program Renewal Grant para sa S.Y. 2025-2026 (Second Semester Batch 1 Payout) ngayong araw, ika-1 ng Hunyo, sa Malolos Sports and Convention Center (MSCC).
Kaugnay nito, inaasahang aabot sa 2,026 na iskolar ang tatanggap ng kanilang insentibo ngayong araw. Samantala,
magpapatuloy naman ang pamamahagi bukas, ika-2 ng Hunyo, upang masigurong ang lahat ng benepisyaryong kwalipikado sa listahahan ay makakakuha ng kanilang grant.
Bukod dito, ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Punong Lungsod Igg. Abgdo. Christian D. Natividad, inilipat ang venue sa mas malawak at air conditioned na Malolos Sports and Convention Centre (MSCC) upang tiyakin na mas komportable, at maayos ang proseso ngayon taon.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng mga Kabataang Maloleรฑo sa maayos na pagbabagong nagdulot ng mas organisado at mabilis na proseso ng kanilang pagkuha.
01/06/2026
๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐รฑ๐๐ฐ๐ฌ: Limang (5) bagong sasakyan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, dumaan sa bendisyon at inspeksyon.
Isang hakbang sa paghahatid ng higit na maayos na paglilingkod para sa bawat isang Maloleรฑo, binasbasan ang mga bagong sasakyan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos nitong ika-01 ng Hunyo, 2026, sa Liwasang Republika, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Pinangunahan ni Mons. Pablo Legazpi kasama sina Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad, Pangalawang Punong Lungsod Inh. Gilbert โBebongโ Gatchalian, mga pinuno ng mga departamento, at iba pang kawani ng Pamahalaang Lungsod sa pagbabasbas at inspeksyon ng mga bagong karagdagang sasakyan na gagamitin sa mga proyekto, programa, at iba pang mga kaganapang kinakailangan ng paggamit nito.
Layunin ng pagkuha ng mga karagdagang sasakyan ay upang magkaroon ng sa mas mabilis at mas epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, tungo sa mas mataas na antas ng serbisyo para sa bawat Maloleรฑo
Ipagkakatiwala naman ng Pamahalaang Lungsod ang pangangalaga ng mga bagong sasakyan sa mga opisina tulad ng Office of the City Vice Mayor, Office of the City Administrator, General Services Office, City Environment and Natural Resources Office, at Office of the City Veterinary na makatutulong upang mapadali ang mga programa at proyekto ng mga ito para sa mamamayan ng Lungsod ng Malolos.
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐: CITY GOVERNMENT OF MALOLOS SCHOLARSHIP PROGRAM RENEWAL GRANT FOR SY. 2025-2026 (SECOND SEMESTER)
Where: Malolos Sports and Convention Center (MSCC)
Please bring your ID with photocopy
Date of Grant:
- For the programs APKA, AVSP, ABOSP, NMMSP, and TPKM with Surname A to F, you can claim your grant on June 1, 2026, 8:00 AM - 5:00 PM
- For TPKM with Surname G to Z, you can claim your grant on June 2, 2026, 8:00 AM - 3:00 PM
Kindly visit this link to see the list. Thank you.
http://bit.ly/4eTn54A
http://bit.ly/4eTn54A
http://bit.ly/4eTn54A
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: CITY GOVERNMENT OF MALOLOS SCHOLARSHIP PROGRAM RENEWAL GRANT FOR SY. 2025-2026 (SECOND SEMESTER)
Where: Malolos Sports and Convention Center (MSCC)
Please bring your ID with photocopy
Date of Grant:
- For the programs APKA, AVSP, ABOSP, NMMSP, and TPKM with Surname A to F, you can claim your grant on June 1, 2026, 8:00 AM - 5:00 PM
- For TPKM with Surname G to Z, you can claim your grant on June 2, 2026, 8:00 AM - 3:00 PM
Kindly visit this link to see the list. Thank you.
http://bit.ly/4eTn54A
http://bit.ly/4eTn54A
http://bit.ly/4eTn54A
Note: The previous post was deleted to make way for a Malolos City Health Office program, which happens to share the same venue as the scholarship grant distribution. However, please note that only the date has changed. All other information including the list of scholarship recipients and the distribution time remains the same. Thank you for your understanding Malolenyos.
01/06/2026
๐๐๐ฅ๐จ๐ฅ๐๐งฬ๐๐ฐ๐ฌ: Mga Maloleรฑo na nagwagi sa ibaโt ibang larangan, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos.
Nitong ika-01 ng Hunyo, 2026, kasabay ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Liwasang Republika, harapan ng Bagong Gusaling Pampamahalaan ng Malolos, Bulacan, iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang mga pagkilala sa mga Maloleรฑo na nagpakita ng kanilang angking husay sa mga larangan na kanilang tinatahak.
Narito ang mga Maloleรฑo na binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos;
โข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Iniangat mga mag-aaral mula sa Isidore de Seville Integrated School, City of Malolos, Bulacan ang watawat ng Pilipinas sa International Round ng Global English Language Olympiad of Southeast Asia 2026, na ginanap sa Downtown East Singapore noong ika-4 hanggang ika-8 ng Abril, 2026.
Nagkamit ng mga puwesto sina Ada Jiahnna Sacdalan, Silver Medalist, Dannel Jacob Vialu, Silver Medalist, Ziv Marcus Delos Reyes, Silver Medalist, Chloe Gaspar, Bronze Medalist. Kasama nila sa kompetisyon ang kanilang tagapagsanay na si Brenelli Santiago-Francisco.
โข ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Kabilang ang isang Maloleรฑa sa koponan na nagkampeon sa katatapos lamang na NCAA Season 101 Womenโs Volleyball na ginanap ika-10 ng Abril, 2026.
Ito ay si Nizelle Aeriyen M. Martin, Outside Hitter ng Colegio de San Juan de Letran. Dahil sa kanyang hindi matatawarang suporta at kontribusyon sa kanilang koponan, naging matagumpay sila at naiuwi ang kampeonato kontra sa De La SalleโCollege of Saint Benilde.
โข ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Nakatanggap ng mga parangal ang Barangay Bulihan sa pangunguna ni Igg. Luisito C. Zuรฑiga sa nagdaang 10th Saluda Excellence Award noong ika-12 ng Abril, 2026, na ginanap sa Manila Hotel.
Narito ang mga parangal na kanilang naiuwi;
- Igg. Luisito C. Zuรฑiga
2026 Saludo Excellence Award Outstanding Public Servant of the Year
- Igg. Luisito C. Zuรฑiga
2026 Saludo Excellence Award for Outstanding Humanitarian and Leadership Award
- Barangay Bulihan, City of Malolos, Bulacan
2026 Saludo Excellence Award for Outstanding Barangay In Terms of Programs and Projects Implemented
Ang paghahandog ng mga pagkilala na ito ay isang pagbati at pasasalamat ng lokal na pamahalaan para sa mga Maloleรฑo na nagbigay ng kanilang talino, husay, at dedikasyon para sa dakilang Lungsod ng Malolos.
01/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Sa apat na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na ginawaran ng Loyalty Award nitong ika- 1 ng Hunyo, 2026.
Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang mga natatanging kawani ng pamahalaan ng Loyalty Incentive Award mula sa Civil Service Commission (CSC) sa ilalim ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE).
Ang parangal na ito ay iginagawad alinsunod sa CSC Resolution No. 010112 (Enero 10, 2001) at ipinatutupad sa pamamagitan ng CSC Memorandum No. 1, s. 2001.
Narito ang mga kawani ng pamahalaan na tumanggap ng parangal:
๐๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ง๐ข:
Editha Roxas- 40 taon ng sebisyo
Flordeliza Morales- 20 taon ng sebisyo
๐๐๐ฌ๐ฎ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ง๐ข:
Oliver Cabaylo- 10 taon ng serbisyo
Ireneo Niebres Sr.- 10 taon ng serbisyo