Provincial Health Office Occidental Mindoro

Directions

Provincial Health Office Occidental Mindoro The Official page of Provincial Health Office Occidental Mindoro

𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐓, 𝐈𝐖𝐀𝐒-𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓!Ngayong ikalawang linggo ng Nobyembre, ginugunita ang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐤𝐢𝐧 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐃𝐞𝐭𝐞...
09/11/2026

𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐓, 𝐈𝐖𝐀𝐒-𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓!

Ngayong ikalawang linggo ng Nobyembre, ginugunita ang 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐤𝐢𝐧 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐃𝐞𝐭𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐞𝐤 upang paalalahanan ang bawat isa na huwag balewalain ang anumang pagbabago sa balat.

Ugaliing panatilihing malinis ang balat, gumamit ng proteksyon laban sa matinding sikat ng araw, at iwasang gumamit ng mga produktong hindi rehistrado o hindi angkop sa iyong balat. Maging mapagmatyag sa mga pantal, sugat na hindi gumagaling, pangangati, o iba pang kakaibang pagbabago sa balat. Higit sa lahat, magpakonsulta sa health professional upang matukoy at magamot nang tama ang anumang kondisyon.

Ang maagang pagtukoy at wastong pangangalaga ay mahalaga sa pag-iwas sa komplikasyon. Huwag balewalain ang mga senyales at alagaan ang iyong balat para sa mas malusog na buhay!

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Office of the Provincial Health Officer of Occidental Mindoro.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐀𝐘Alam mo ba na ang mga pagkaing madalas nating makita sa hapag tulad ng bigas, asin, manti...
07/11/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐀𝐘

Alam mo ba na ang mga pagkaing madalas nating makita sa hapag tulad ng bigas, asin, mantika, asukal, at harina ay maaaring fortified o pinayaman ng mahahalagang bitamina at mineral upang makatulong na maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon?

Sa pagdiriwang ng National Food Fortification Day, hinihikayat ang bawat pamilyang Pilipino na piliin ang mga pagkaing may wastong fortification at basahin ang mga label ng produkto upang malaman ang taglay nitong sustansya.

Tandaan, ang food fortification ay karagdagang tulong sa ating nutrisyon, ngunit hindi ito kapalit ng pagkain ng gulay, prutas, at iba pang masustansiyang pagkain. Ugaliin ang pagkain ng balanseng pagkain at ang paggamit ng asin, mantika, at asukal nang naaayon sa pangangailangan ng katawan.

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Office of the Provincial Health Officer of Occidental Mindoro.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇Ang bawat bata ay may karapatang lumaki sa isang ligtas, malusog, at mapagmahal na kapaligiran,...
03/11/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐑𝐄𝐍’𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇

Ang bawat bata ay may karapatang lumaki sa isang ligtas, malusog, at mapagmahal na kapaligiran, sa tahanan, paaralan, komunidad, at maging sa digital world. Bilang mga magulang, tagapag-alaga, at miyembro ng komunidad, mahalagang gabayan ang mga bata sa paggamit ng internet, protektahan sila laban sa pang-aabuso at bullying, at itaguyod ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng wastong nutrisyon, regular na pisikal na aktibidad, sapat na tulog, at tamang personal hygiene.

Ang pagprotekta sa mga bata ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi tungkulin nating lahat. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, malusog, at masayang kinabukasan para sa bawat bata!

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Office of the Provincial Health Officer of Occidental Mindoro.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐂𝐀𝐑𝐄 (𝐔𝐇𝐂)Bilang Tagapangulo ng Provincial Health Boar...
29/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐂𝐀𝐑𝐄 (𝐔𝐇𝐂)

Bilang Tagapangulo ng Provincial Health Board (PHB), patuloy na isinusulong ni Governor Eduardo B. Gadiano ang pagpapalakas ng pamamahala sa kalusugan sa Occidental Mindoro upang maisulong ang mas maayos at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mindoreño.

Noong Setyembre 2025, lumahok ang Gobernador sa LeadGov4Health Program for Local Health Boards – Module 1. Ngayong Oktubre 29, 2026, muli siyang lumahok sa Module 2, kasama ang mga kinatawan ng Provincial Health Board.

Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng Health Board sa pamumuno, pagtutulungan, at sama-samang pagtugon sa mga hamon sa sektor ng kalusugan.

Sa pamamagitan ng mas matatag na Provincial Health Board, higit na mapapalakas ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga katuwang sa sektor ng kalusugan, mapagbubuti ang pagpaplano at pagdedesisyon, at maisusulong ang mas epektibong pagpapatupad ng Universal Health Care.

Sa sama-samang pamumuno at pananagutan, patuloy na pinagtitibay ang layunin na magkaroon ng mas accessible, de-kalidad, at tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Mindoreño.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!






𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐍Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre, nagsag...
26/10/2026

𝐊𝐀𝐋𝐔𝐒𝐔𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐍

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre, nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO) at NCIP–Occidental Mindoro ng Annual IPMR Meeting on Health noong Oktubre 11–13, 2026, kasama ang mga kinatawan ng Municipal Health Offices mula sa 11 munisipalidad at mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs).

Layunin ng mga aktibidad na talakayin ang mga isyung pangkalusugan ng mga katutubong Mangyan at palakasin ang pagtutulungan sa pagbuo ng mga programang angkop sa kanilang pangangailangan. Sa pamamagitan ng Orientation on Ancestral Domain Investment Plan for Health (ADIPH), sinimulan ang pagpaplano para sa 2029–2031 upang matiyak na maisasama ang mga prayoridad sa kalusugan ng mga katutubo sa mga lokal na plano at pamumuhunan sa kalusugan.

Ang pagsusulong ng inklusibo at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga katutubong Mangyan ay bahagi ng mga prayoridad ni Gobernador Eduardo B. Gadiano, tungo sa mas pantay na oportunidad at serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mindoreño.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

𝐒𝐓𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐄𝐁𝐑𝐈𝐄𝐅𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 | 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎-𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔Isinagawa noong Oktubre 20–22, ...
23/10/2026

𝐒𝐓𝐑𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐄𝐁𝐑𝐈𝐄𝐅𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 | 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟎-𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isinagawa noong Oktubre 20–22, 2026, sa Vizales Hotel, Sablayan, Occidental Mindoro, ang Stress Debriefing, Supportive Supervision, and Mentoring Activity na pinangunahan ng Office of the Provincial Health Officer (OPHO) sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Romualdo M. Salazar, Jr., Provincial Health Officer II. Dinaluhan ito ng mga Chief of Hospitals, Chief of Clinics, Chief Nurses, at Administrative Officers ng lahat ng pitong (7) ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro (PGOM).

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga lider sa pamamahala ng stress na dulot ng trabaho, pagtugon sa mga usaping pangkalusugang pangkaisipan, at pagpapaunlad ng isang malusog, ligtas, at suportadong kapaligiran sa trabaho. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng epektibong pamumuno, maayos na ugnayan sa mga katrabaho, pagmumuni-muni sa sarili, paghahanap ng kabuluhan sa paglilingkod, at pagpapanatili ng malasakit at compassion sa kabila ng mga hamon sa trabaho.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman at mahahalagang pananaw sina Dr. Kathryn Natalie Uy Tan at Dr. Julius Paul Villanueva Juen, kapwa kinikilalang mga psychiatrist sa bansa, hinggil sa wastong pamamahala ng stress, self-reflection, makataong pamumuno, at pagpapanatili ng mabuting ugnayan at malasakit sa kapwa. Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman sina Mr. John Reynold (SAO) at Ms. Micaela G. Panopio (AO IV) mula sa Human Resource Management Office (HRMO), na nagbigay-diin sa epektibong pamumuno at pagpapatibay ng malusog na ugnayan sa pagitan ng mga empleyado at middle managers.

Ang pagsasagawa ng ganitong programa ay buong pusong sinusuportahan ni Gov. Eduardo B. Gadiano, na patuloy na nagbibigay-halaga sa kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng bawat empleyado ng PGOM. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, higit na napagtitibay ang kakayahan ng mga lider na manguna nang may pag-unawa, malasakit, at pananagutan.

Sapagkat ang tunay na mahusay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang manguna, kundi pati sa kakayahang umunawa, umalalay, at magmalasakit.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!




𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃! 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔...
12/10/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃! 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐌𝐀𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐈 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔!

Isang makabuluhan at makasaysayang tagumpay para sa lalawigan ng Occidental Mindoro! Sa ginanap na 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐮𝐦𝐦𝐢𝐭 𝟐𝟎𝟐𝟔 noong Oktubre 6–9, 2026, sa Lime Resort Manila, Pasay City, muling pinatunayan na ang tunay na paglilingkod sa kalusugan ay hindi lamang nasusukat sa mga programang naipatutupad, kundi higit sa lahat, sa mga buhay na naaabot, mga pamayanang nabibigyang-lakas, at mga pusong kusang naglilingkod para sa kapakanan ng kapwa.

Layunin ng Health Promotion Summit na palakasin ang pagsusulong ng health promotion sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, pagpapalitan ng mga karanasan at mabubuting gawain, pagpapatibay ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor, at pagkilala sa mga indibidwal at katuwang na may natatanging ambag sa pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa kalusugan. Sa pamamagitan ng ganitong pagtitipon, higit na napagtitibay ang sama-samang pagkilos tungo sa pagbuo ng mas malusog, mas may kaalaman, at mas responsableng mga pamayanan.

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐎𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎!

Buong puso nating binabati at ipinagmamalaki si 𝐌𝐬. 𝐑𝐚𝐲𝐦𝐮𝐧𝐝𝐚 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐳𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲, 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, na tumanggap ng dalawang natatanging parangal:

🏅 𝐔𝐥𝐢𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐇𝐖 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧: 𝐋𝐢𝐟𝐞𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐃𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐢𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧
🏅 𝐊𝐚𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝

Ang inyong dedikasyon at malasakit ay patunay na ang tapat na paglilingkod ay may malaking ambag sa pagbuo ng mas malusog na pamayanan. Ang inyong tagumpay ay karangalan hindi lamang ng Bayan ng Magsaysay kundi ng buong lalawigan!

Ang Provincial Health Office (PHO) ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng LGUs sa buong Occidental Mindoro sa inyong walang sawang suporta at sama-samang pagsisikap na palakasin at palawakin ang abot ng health promotion sa bawat bayan at barangay. Bawat programa, bawat pakikiisa, at bawat buhay na naaabot ay mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na komunidad.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, sa pamumuno ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, sa buong pusong pagsuporta sa mga programang pangkalusugan at pagkilala sa mga natatanging lingkod na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating mga kababayan.

𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐜𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐌𝐬. 𝐑𝐚𝐲𝐦𝐮𝐧𝐝𝐚 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐳𝐚! Patuloy nating isulong ang kalusugan nang may malasakit, pagkakaisa, at pusong handang maglingkod. Sama-sama para sa isang mas malusog na Occidental Mindoro!

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!






𝐂𝐎𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐑𝐌-𝐇 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐋𝐀𝐍Tatlumpu't limang (35) kalahok mula sa Office of the Provi...
05/10/2026

𝐂𝐎𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐑𝐌-𝐇 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐏𝐋𝐀𝐍

Tatlumpu't limang (35) kalahok mula sa Office of the Provincial Health Officer (OPHO), kasama ang mga doktor, middle-level manager, at supervisor mula sa pitong (7) lokal na ospital sa Occidental Mindoro, sumasailalim sa isang pagsasanay upang palakasin ang kahandaan sa mga banta at peligro sa kalusugan sa buong lalawigan.

Ang naturang gawain ay pinangungunahan ng mga eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas, mula sa paanyaya ni Gobernador Eduardo B. Gadiano at sa gabay ni Provincial Health Officer II Dr. Romualdo M. Salazar, Jr.

Isa sa mga pangunahing layunin ng pamahalaan ni Gobernador Gadiano ang patatagin at itaas ang antas ng kahandaan sa panahon ng sakuna ng pitong pampublikong ospital sa lalawigan. Ang pagsisikap na ito ay naglalayong matiyak ang tuluy-tuloy at de-kalidad na serbisyong medikal para sa mga mamamayan sa oras ng emergency at kalamidad.

Dumalo rin sa aktibidad sina Dr. Reynaldo A. Feratero (PHO I), G. Kenneth Baronggo (PGADH-Admin Division Chief), G. John Darwin Hernandez (SAO OPHO), G. Antonio O. Villarosa (SAO OPHO), Engr. Armando Alcaide (DRRM-H Manager), G. John Tryann S. Tria, RN (HEMS Program Manager), Bb. Zarah Capadocio (UHC Point Person), at G. Kevin John Dandoy (PDOHO Representative).

Layunin ng inisyatibong ito na patatagin ang dedikasyon ng mga pangunahing tagapagpasiya sa pagbibigay ng de-kalidad na pangangalagang medikal habang tinutugunan ang mga panloob at panlabas na hamon sa operasyon sa oras ng krisis.

Sa pamamagitan ng mga patuloy na pagpapabuting ito, ipinapakita ng Office of the Provincial Health Officer at ng buong sektor ng kalusugan sa Occidental Mindoro ang kanilang dedikasyon sa kapakanan ng publiko, upang matiyak ang mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan at makapagligtas ng buhay sa panahon ng kalamidad.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!





𝐊𝐀𝐘𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 ‘𝐓𝐎: 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐒𝐓 & 𝐂𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kamal...
05/10/2026

𝐊𝐀𝐘𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 ‘𝐓𝐎: 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐒𝐓 & 𝐂𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐀𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐂𝐀𝐌𝐏𝐀𝐈𝐆𝐍

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kamalayan ng bawat Mindoreño, matagumpay na isinagawa noong Oktubre 2, 2026, sa Sablayan, Occidental Mindoro ang Breast and Cervical Cancer Awareness Campaign.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Dr. Romualdo M. Salazar, Jr., sa pakikipagtulungan ng PDOHO Occidental Mindoro, sa pangunguna ni Dr. Kevin A. Javier, at ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan, sa pamumuno ni Mayor Walter B. Marquez.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa kanser sa suso at kanser sa cervix, kabilang ang mga posibleng sintomas, mga paraan ng pag-iwas, at kahalagahan ng maagang pagpapatingin at pagpapasuri. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at maagap na pagkilos, mas malaki ang pagkakataong matukoy ang sakit sa maagang yugto at mabigyan ng angkop na pangangalaga.

Malugod na tinanggap ng mga residente ng Sablayan ang aktibidad. Aktibo silang nakilahok sa mga talakayan at iba’t ibang gawain, na nagpapakita ng kanilang interes at kahandaang matuto upang mapangalagaan ang sariling kalusugan at ang kanilang mga pamilya.

Ang ganitong uri ng gawaing pangkalusugan ay buong-pusong sinusuportahan ng ating Gobernador, Hon. Eduardo B. Gadiano, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na palawakin ang kaalaman ng publiko, palakasin ang serbisyong pangkalusugan, at tiyaking ang bawat Mindoreño ay may pagkakataong mamuhay nang malusog at ligtas.

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!







Address

Mamburao

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Health Office Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share