15/10/2026
𝐏𝐒𝐃𝐄𝐂𝐓 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀!!
Isinagawa noong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa Capitol Training Center ang 𝙋𝙧𝙤𝙫𝙞𝙣𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙎𝙥𝙚𝙘𝙞𝙖𝙡 𝘿𝙧𝙪𝙜 𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 𝙏𝙚𝙖𝙢 (𝙋𝙎𝘿𝙀𝘾𝙏) 𝙈𝙚𝙚𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙪𝙡𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang 𝘿𝙄𝙇𝙂, 𝙋𝙔𝘿𝙊, 𝙋𝙀𝙎𝙊, 𝙈𝙎𝙒𝘿𝙊𝙨, 𝙋𝙃𝙊, 𝙋𝙂𝙊, 𝙖𝙩 𝙋𝙎𝙒𝘿𝙊.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mahahalagang usapin at programa na naglalayong palakasin ang proteksyon sa kabataan at ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot sa lalawigan.
📌 Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang sumusunod:
🔹 Edukasyon at Interbensyon sa Kabataan – Presentasyon ng datos ng mga naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS) para sa SY 2026–2027, bilang ng mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral, at mga kaukulang interbensyon, na pinangunahan ni 𝗦𝗶𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗕. 𝗕𝗮𝗹𝗱𝗲𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗘𝗱 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼.
🔹 Kalagayan ng Ipinagbabawal na Gamot sa Lalawigan – Presentasyon ng pinakabagong comparative drug situation report para sa taong 2025–2026, na nakatuon sa mga indibidwal na edad 30 pababa ayon sa mga pangkat ng edad, na inilahad ni 𝗣𝗠𝗮𝗷 𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗴𝗼 𝗕. 𝗕𝗼𝗿𝗹𝗮𝗱𝗼, 𝗝𝗿. 𝗻𝗴 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲.
🔹 Pagpapatupad ng mga Programa Laban sa Droga – Pagbabahagi ng mga ulat at kalagayan ng mga programa ng Municipal Anti-Drug Abuse Councils (MADAC) at mga SDEC focal person sa bawat munisipalidad, sa pamamagitan ng mga kinatawan ng Santa Cruz at Sablayan, kasama si Ms. Alyssa Mae Espiritu ng SDEC.
🔹 Oryentasyon sa Program SILONG – Isinagawa ni𝗠𝘀. 𝗝𝗶𝗹𝗹 𝗕𝗲𝗿𝗻𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮. 𝗔𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗻𝗴 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 ang oryentasyon hinggil sa Program SILONG, na naglalayong higit pang mapalawak ang pag-unawa at pagpapatupad ng mga serbisyong nakatuon sa kabataan at mga pamilyang nangangailangan ng suporta.
🔹 Inagurasyon ng Balay Silangan Reformation Center – Inilahad ni 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗼, 𝗣𝗔𝗗𝗔𝗖 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, ang mga kaugnay na impormasyon tungkol sa nalalapit na inagurasyon ng Balay Silangan Reformation Center bilang bahagi ng mga hakbang sa lalawigan laban sa pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa sa ngalan ni𝗠𝘀. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗥. 𝗟𝗮𝗺𝗼𝗰𝗮, 𝗥𝗦𝗪, 𝗣𝗚𝗗𝗛-𝗣𝗦𝗪𝗗𝗢, na kinatawan ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗶𝗰𝗮𝗿𝗱𝗼 𝗔𝘁𝗮𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 𝗭𝗼𝗹𝗲𝘁𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿. Samantala, si 𝗠𝗿. 𝗔𝗿𝗻𝗲𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗼 ang nagsilbing Head Secretariat ng pagpupulong.
Ang gawaing ito ay alinsunod sa layunin ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨 na patuloy na palakasin ang mga polisiya, programa, at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang matugunan ang suliranin sa ipinagbabawal na gamot sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, koordinasyon, at pagbabahaginan ng impormasyon, patuloy na isinusulong ang isang ligtas, malusog, at maunlad na pamayanan para sa bawat Mindoreño, lalo na para sa kabataan.
Sama-sama para sa ligtas na pamayanan at kinabukasan ng kabataang Mindoreño! 🤝💙
𝘽𝘼𝙎𝙏𝘼 𝙂𝘼𝙉𝘼𝘿𝙊𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙄𝙄𝙒𝘼𝙉!!
𝙎𝙏𝘼𝙔 𝙃𝙀𝘼𝙇𝙏𝙃𝙔, 𝙎𝙏𝘼𝙔 𝘿𝙍𝙐𝙂-𝙁𝙍𝙀𝙀