Bagong Barangay Kalumpang

Call Directions Contact the organization

Bagong Barangay Kalumpang Vision - Mission

The Barangay that will serve as model for all other Communities the most livable, Caring, Peaceful, Progressive, and Responsive.

Barangay Kalumpang’s Plans, Programs, Goals, and Accomplishments — this official page serves to inform the public about ongoing initiatives, community developments, and services aimed at the welfare and progress of our constituents.

14/10/2026

Good day everyone! We are looking for a lettering artist for our Mini Hall (sub-station) and Fitness Center building. The design and materials are for discussion with our Punong Barangay Mario M. De Leon. Kindly call us if you know someone for this job.
Mobile no. 09062772786. Thank you.

Magandang araw sa lahat. Isang karangalan na ang ating pong Barangay ay napili ng Philhealth Local Health Insurance Offi...
08/10/2026

Magandang araw sa lahat. Isang karangalan na ang ating pong Barangay ay napili ng Philhealth Local Health Insurance Office (LHIO) - Fairview sa pagpapatupad ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP). Tayo po ay magkakaroon ng iba’t ibang serbisyong nakasulat sa post dito. Mangyari pong tayo ay magpalista sa ating Barangay simula ngayon hanggang Lunes. At ang petsa na gaganapin ang nasabing serbisyo ay sa Martes Oktubre 13, 2026 @ 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Mga kailangan dalhin ay ang mga sumusunod:
1. Edad 18 y.o. to 22 y.o. - kailangan ng First Time Jobseeker certification.
2. For Sr. Citizens -magdala ng Sr. Citizen ID
o kaya
3. Philhealth ID or any government ID
Kung may mga katanungan, makipag ugnayan po sa ating Barangay at tumawag sa 09062772785 kay Brgy Admin Merle Minlay. Mula sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon, maraming salamat po.

(MML)

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng Ka Barangay Kalumpang. Ang samahan po ng Mission For Christ ay naghahandog ng isan...
27/09/2026

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng Ka Barangay Kalumpang. Ang samahan po ng Mission For Christ ay naghahandog ng isang programa tungkol sa Sagip Mata, Sagip Kaluluwa. Free Eye Screening at Free Eye Glasses sa ating Barangay. Ito po ay gaganapin sa ating Barangay Hall lobby sa Setyembre 29, 2026 sa ganap na alas 9:00 am up to 11:30 am. Lahat po ay inaanyayahan. Maraming salamat po mula sa ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon.

27/09/2026
Makakaasa po ang ating mga ka Barangay Kalumpang sa patuloy na paglilingkod ng tapat at totoo ng ating butihing Punong B...
26/09/2026

Makakaasa po ang ating mga ka Barangay Kalumpang sa patuloy na paglilingkod ng tapat at totoo ng ating butihing Punong Barangay Mario M. De Leon (MML) Maayos at Matuwid na Liderato. Marami ng nagawa, napatunayan at gagawin pa. Siya ang tunay na Lingkod Bayan na hindi basta posisyon lang! Ginagampanan niya ang tungkulin bilang Ama ng Barangay Kalumpang. Kapakanan natin palagi ang kanyang pinapahalagahan. Hindi nagsasamantala sa kaban ng bayan. Mabuhay ka po Kap Mario. God Bless Us All ❤️

Magandang araw/gabi po. Handog ng Marikina Polytechnic College (MPC) sa mga kalalakihan ng ating Barangay Kalumpang. Ang...
22/09/2026

Magandang araw/gabi po. Handog ng Marikina Polytechnic College (MPC) sa mga kalalakihan ng ating Barangay Kalumpang. Ang matutunan sa lesson na ito ay dagdag bagong kaalaman at malaking tulong upang magamit sa paghahanap buhay. Ang training/seminar na ito ay LIBRE po. Kailangan po ng at least 20 participants. Kaya halika na kayo at magpalista na sa ating Barangay. Look for Brgy Admin Merle Minlay. Maraming salamat ❤️

On behalf of Barangay Kalumpang, we would like to express our heartfelt gratitude to CASAP College of Arts and Sciences ...
10/09/2026

On behalf of Barangay Kalumpang, we would like to express our heartfelt gratitude to CASAP College of Arts and Sciences of Asia and the Pacific for inviting our Punong Barangay Mario M. De Leon as their Guest of Honor and Speaker in the School Food Bazaar held last September 8, 2026. It was a profound privilege for our Punong Barangay to stand before your school officials, students and faculty to share a message of inspiration. Also, it was our honor to be with Vice Mayor Dudut Jaworski of Pasig City. Once again, thank you for this meaningful honor. Congratulations on a successful event!

Good evening… In coordination with Barangay Kalumpang of Kap Mario M. De Leon, Alpha Phi Omega -Marikina Alumni Associat...
10/09/2026

Good evening… In coordination with Barangay Kalumpang of Kap Mario M. De Leon, Alpha Phi Omega -Marikina Alumni Association offered Free Veterinary Services like anti-rabies vaccination and deworming for dogs and cats on September 13, 2026 @ 7:00 a.m. to 12:00 noon. LIMITED TO 50 SLOTS ONLY. To register, please go to our Barangay office tomorrow and look for Admin Merle Minlay. Thank you ❤️


(MML)

Magandang araw po mga ka Barangay. Ipinapaalam namin na magkakaroon po ng water interruption sa ilang bahagi ng ating Ba...
10/09/2026

Magandang araw po mga ka Barangay. Ipinapaalam namin na magkakaroon po ng water interruption sa ilang bahagi ng ating Barangay. Simula ngayon Sept. 10, 2026 ng 10:00 p.m. up to 4:00 a.m. ng Sept. 11, 2926.
Kalakip po nito ang sulat mula sa Manila Water. Maraming salamat po


(MML)

ISINAGAWANG PAG KILOS NA PAG KAKAISA PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT ISA AT NG ATING MGA MAG AARAL ❤️Setyembre 3, 2026 | 9:0...
05/09/2026

ISINAGAWANG PAG KILOS NA PAG KAKAISA PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT ISA AT NG ATING MGA MAG AARAL ❤️

Setyembre 3, 2026 | 9:00 AM ang **SCHOOL SAFETY DRILL** kasama ang pamunuan ng Kalumpang Elementary School, Marikina Science High School, at Kalumpang National High School** upang maging handa sa anumang banta at sitwasyon ng kagipitan.

Katulong natin sa gawaing ito ang **Barangay Kalumpang** sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Mario M. de Leon, Marikina PNP, Marikina BFP, SPTA, SGC, at Barangay Kalumpang Fire Brigade at Emergency Medical Services.

Ligtas na Paaralan…. asahan sa sama samang pagtutulungan.


(MML)

Address

1 Kapitan Temyong Kalumpang
Marikina City
1801

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639171021174

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Barangay Kalumpang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bagong Barangay Kalumpang:

Shortcuts

Share