11/10/2026
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐พ๐๐๐๐, ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐พ๐๐๐ผ๐ ๐๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐พ๐; ๐๐๐๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ ๐ฟ๐๐๐พ 2026
MASINLOC, Zambales | Oktubre 12, 2026 โ Ipinamalas ng mga batang mamamahayag ng Coto High School ang kanilang husay sa pamamahayag matapos makasungkit ng mga medalya sa katatapos lamang na ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐ด๐บ๐ท๐ช) 2026 na ginanap sa Masinloc Training Center, Masinloc, Zambales. Dahil sa kanilang natatanging pagganap, nakamit ng mga kalahok ang pagkakataong makatungtong sa susunod na antas ng kompetisyon, ang ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐ซ๐บ๐ท๐ช) 2026.
Pinangunahan ni ๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐น ๐ข. ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ฎ, mag-aaral sa Baitang 12, ang tagumpay ng paaralan matapos masungkit ang ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ถ๐ป. Ipinamalas niya ang husay sa pagbuo ng makabuluhan at kapana-panabik na salaysay na nagtatampok sa lalim ng pagsusuri at pagkamalikhain sa pagsulat.
Hindi rin nagpahuli si ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐น ๐๐ผ๐ ๐ง. ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด, mag-aaral sa Baitang 9, na nagkamit ng ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ. Patunay ito ng kanyang kakayahang maglahad ng mga napapanahon, makatotohanan, at mahahalagang impormasyon sa paraang malinaw at obhetibo.
Samantala, nakamit naman ni ๐๐ฎ๐๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ต ๐๐น๐ถ๐ฒ๐ป ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐๐๐ผ, mag-aaral sa Baitang 11, ang ๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฒ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ต๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐น, na lalo pang nagdagdag sa karangalan ng paaralan.
Labis ang kagalakan at pagmamalaki ng kanilang mga gurong tagapagsanay na sina Bb. Ann Dominic Batnag-Picazo at Bb. Rona Jane Miranda sa ipinamalas na dedikasyon, pagsisikap, at kahusayan ng kanilang mga mag-aaral. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang paghahanda, patuloy na paggabay, at pagsasanay upang malinang ang kakayahan ng mga batang mamamahayag.
Bilang paghahanda sa nalalapit na DSPC 2026 na nakatakdang ganapin sa Nobyembre, puspusan na ang pagsasanay ng mga kwalipikadong kalahok upang higit pang hasain ang kanilang kakayahan sa pamamahayag at maipamalas ang kanilang pinakamahusay na pagganap sa susunod na yugto ng kompetisyon.
๐ด๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
Pแดแด
แดสแดษด!