21/08/2026
[Repost]
HEALTHY AGING AND IMPROVING SKILLS (Craft, Connect and Care
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Bayan ng Narra ang matagumpay na pagdaraos ng programang "Healthy Aging and Improving Skills" ngayong araw, ika-21 ng Agosto, sa Municipal Lagoon ng Narra, Palawan.
Dumalo at nagbigay ng mensahe ng suporta si Acting Mayor Jojo Gastanes, kasama ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, upang bigyang-halaga ang kapakanan ng mga nakatatanda at pagpapataas ng antas ng serbisyong panlipunan sa bayan.
Ang nasabing gawain ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga dalubhasang social worker mula sa bansang Thailand at South Korea, na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman at makabagong pamamaraan sa pangangalaga ng mga nakatatanda at pagpapalakas ng kakayahan ng mga tagapaglingkang panlipunan.
Ayon nay Acting Mayor Gastanes, mahalaga ang pagtutulungan at pagbubukas ng pinto sa internasyonal na karanasan upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taga-Narra, lalo na ng mga senior citizen at mga mahihinang sektor ng lipunan.
"Ang pagkakaisa at pagkatuto mula sa karanasan ng ibang bansa ay susi sa mas maunlad at mas maayos na pangangalaga sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga lolo at lola. Ang programang ito ay patunay na hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng paraan upang mapabuti ang kanilang kalagayan," ayon kay Acting Mayor Gastanes.
Nagbahagi naman ang mga panauhing social worker mula sa Thailand at South Korea ng kanilang mga napatunayang pamamaraan sa pangangalaga ng matatanda, pagpapaunlad ng kasanayan, at pagpapalakas ng serbisyong panlipunan na maaaring iangkop sa lokal na sitwasyon ng Narra.
Layunin ng programang "Healthy Aging and Improving Skills" na itaguyod ang malusog na pamumuhay ng mga nakatatanda, paigtingin ang kanilang kakayahan at partisipasyon sa komunidad, at palakasin ang kaalaman ng mga lokal na social worker sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa mga internasyonal na kasanayan.
Samantala, inaasahang magsisilbibg pundasyon ang nasabing pakikipagtulungan para sa mas malawak at mas epektibong mga programa para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Narra, lalo na sa mga sumusunod na panahon.